C#14

600 31 9
                                    


A PRINCESS LOVING A PRINCESS

Chapter 14

"Hindi ito ipedemya Atropos, alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Sabi ng babaeng may hawak hawak na wand. Maganda ito at wala kang masasabing kapintas pintas manlang sa panlabas na anyo.

Napaismid naman ang lalaking tinawag niyang Atropos. Isa din itong makisig na lalaki, medyo may edad na rin ito ngunit hindi nakakabawas sa angkin niyang kakisigan.

"Posibleng Siya ang nasa likod ng lahat ng ito."
Sabi ng lalaki. Si Atropos.

Magsasalita palang sana ang babae nang umihip ang hangin at sa isang iglap nasa harapan na nila ang isang di mapapantayan ang gandang nilalang.
Hindi nito itinago ang kanyang kulay gintong mata na nagpapadagdag sa angking kagandahan nito. Kung perpekto na ang babaeng kausap ni Atropos kanina ay mas perpekto ang nilalang na nasa harapan ng mga ito.

Lumuhod sila tanda ng paggalang na ikinainis ng bagong dating.

"Stand up or else I will rip your head off."
Puno ng pagbabanta ang bawat salita ng bagong dating, kaya agad naman tumayo ang dalawa.

"Eto naman dina mabiro, chillax mag judge ka muna?"
Pabiro ng babae, sinamaan lang naman siya ng tingin ng biniro.

"Tutulungan natin ang mga normal na tao." Panimula niya.

"Ikaw ang kailangan ng demonyong nandito ngayon sa lupa Atropos. Hindi lang basta demonyo, kundi demon lord na minsan mo ng natalo noon."

Sa sinabi ng babae ay nakumpirma ni Atropos ang hinala niya. Hindi na siya ang dating Atropos, wala na siyang sapat na kapangyarihan at lakas na natitira, nawala, nawala noong bumaba siya sa pwesto bilang god. Nabahala siya nagtatalo ngayon ang isipan niya, paano niya maipagtatanggol ang magina kung mahina na siya? Paano na ang asawa at anak niya pag nawala siya? Mabuti sana kung naipamana niya ang lahat ng kapangyarihan niya sa kanyang anak ngunit sa kasamaang palad ay iisa lang, iisa lang ang naibigay niya ritong kapangyarihan.

"Ang anak mo, hwag mo siyang alalahanin sapagkat malakas siya, alalahanin mong nananalaytay sakanya ang dugo mo at dugo ng asawa mo. God at elemental guardian." Babaeng may ginto ang mata, tila ba nababasa niya ang isip ng kaharap na totoo naman.

Bumuntong hininga ag babae saka ulit nagsalita.
"Ako ang bahala sa kanya." Pabulong na sabi nito .

"Pero naka seal pa kung anong kapangyarihan ang nasa kanya hindi ba?" Tanong ng babaeng may hawakna wand.

"Oo. sa tamang panahon at hindi inaasahang pagkakataon, lalabas ng kusa ang kapangyarihan niya." Makahulugang sagot nito.

***

YOUME POV

"Good morning Shiny!"
Masiglang bati ko sa Shiny ko hihi! Natawa naman ako. Diniligan ko na siya at inayos ang petals niya. Dinala ko talaga siya hanggang dito. Aba! Syempre hindi ko hahayaang malanta sila Shiny no.

Nagtaka lang din ako kagabi dito kasi hindi sila nagliwanag, di kagaya noon na nagliliwanag sila sa buwan. Di kaya magka konekta talga sila? Kasi di sila lumiliwanag pag walang buwan. Ang astig na ang weird parang hindi ata galing dito sa mundong to itong bulaklak, parang galing siya sa ibang planeta?

Bumaba na ako para makapagluto ng makakain, baka kasi magaalmusal na yung amo namin.

Pagkababa kong kusina ay nandoon narin si tita nagkakape.

"Oh iha ang aga mo naman."

"Eh tita ipagluluto ko sana ng almusal yung amo natin nandyan naba siya?"

"Nakoo! Hindi yun nakain ng umaga iha. Alika dito magkape kana." Nalungkot naman ako bigla. Ah basta magluluto prin ako pipilitin ko siya kumain haha! Feeling close ako.

"Ay ganun po? Eh tita ano pala itsura ng amo natin?" nahihiyang tanong ko. Curious kasi talaga ako kung ano itsura niya.

Nagisip nman si tita bago nagsalita.
Ngumiti naman siya kalaunan.

"Sobrang bait, sobrang ganda. Perpekto kung baga." Maikling sagot niya. Napanganga naman ako sa sinabi niyang "perpekto"

Parang si Shiny lang ? Napangiti ako ng mapait.

"Ano pala pangalan ng amo natin tita hehe?" Sa totoo lang hindi ko alam.

"Moonshine."

Moonshine? Teka...
Parang alam ko yang Moonshine na yan.
Pamilyar eh hmm.... diko maalala!

Moonshine? May hawig sila ng pangalan ni Shiny. Naalala ko nanaman sya.

Nandito na ako ngayon sa aming classroom, hindi mawala wala sa isip k yung Moonshine para kasing alam ko yan eh. Hays!

Nawala ang iniisip ko ng masilayan ang babaeng papalapit sa kinuupuan ko.

Seryoso siyang pumasok ngunit ngumiti ng magtama ang paningin namin. At syempre as usual eto nanaman ang mga tingin na nakakamatay ng mga ka klase ko. Palibhasa mga ingetera, ako lang kasi ang nginingitian ng mala dyosang to na parang mahihiya pa ang lamok na dumapo sa kanya dahil tila napaka perpekto ng pagkakagawa sa kanya ng Dyos.

"Youmeng...."
Tila ba isang musika sa pandinig, pati kasi pagsasalita niya'y napakalamyos at puno ng ingat, nakakagaan sa pakiramdam.

"Shiny I miss you pwede bang..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako palapit sa kanya. Natagpuan ko nlng ang sarili kong magkayakap na kami at hinahagod niya ang likod ko, umiiyak na pala ako.

Namimiss ko talaga siya, may kung anong kirot sa puso ko kapag wala siya, nalulungkot ako kapag diko siya nakikita, nasasaktan ako kapag hindi ko siya kasama. Hindi ko maitatanggi na may puwang na siya sa puso ko, na alam kong mali pero mahal ko na din siya.

"Hush Youmeng, i miss you more."

"Saan kaba nanggaling? Bakit dika manlang nagpapakita sakin.? "

Iyak kong tanong sa kanya. Wala na akong pakielam sa mga tao sa paligid namin basta maibuhos ko lang ang pangungulila ko sa taong yakap ko ngayon.

"I'm sorry Youmeng, mula ngayon lagi na tayo ulit magkasama. May inasikaso lang ako nitong nakaraang araw. Pasensya kana."

Sa sinabi niyang "mula ngayon lagi na ulit tayo magkasama" napawi lahat ng paggaalinlangan ko at takot ko na baka mamaya wala nanaman siya. Na baka mamaya tuluyan na siyang lumayo saakin.

----

HalfbloodyMoon

A Princess Loving A Princess [Extraordinary GxG Paranormal Story] *SPG*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon