Unti-unti kong iminulat ang mga mata at iginala ang hanggang sa nagulat ako dahil lahat sila nagsitinginan sakin.
Nandun si mommy, ate, daddy at si.. Elijah?
Lahat sila ay lumapit sakin at isa isa akong niyakap.
"Salamat anak, at nagising kana rin. 2 linggo na kaming naghihintay na magising ka." wow, tagal ko pa lang nagdaydream?
Lumapit naman si daddy at ate, sabay yakap sakin. Lumapit din si Elijah, haha. Anong ginagawa nito dito?
"Rory, salamat at nagising kana." hinawakan niya ang dalawang pisngi ko, at hinalikan ako sa noo.
Nagulat ang lahat sa biglang pagpasok ni Alexa? Anong ginagawa rin nito dito? No, hipon allowed diba?
"Ghad, rory salamat naman at nagising ka na." ulol bat ka nandito?
Since kumpleto naman sila, nagpanggap ako na hindi ko sila kilala.
"Ahm, sino po kayo?" halata namang nagulat ang lahat, maliban kay Alexa, ngumiti lang siya.
"Anak, ako to mommy mo"
"Hindi po kita kilala" inosente kong tugon.
"Ako Rory? Naalala mo ko?" Oo, ikaw yung sumira sa buhay ko.
Umiling na lamang ako at sinabing hindi. Mukhang nasisiyahan si Alexa sa nalalaman niya kaya naman tumawa ako at sinabing
"SIYEMPRE KILALA KO KAYO HAHAHAHAHAHAHAHA ARAY!" sumakit ulo ko, kaya hinawakan ko ito
Agad naman akong inalalayan ni Elijah, kaya tinignan ko si Alexa at ang sama ng tingin niya. Asarin ko to, ngitian ko si Elijah at "salamat elijah" na may kasamang matamis na ngiti.
Tumakbo naman palabas si Alexa, at walang pumansin sakanya. Yan, tama lang yan. Magwalk-out ka.
-
Alexa's pov
Nainis ako sa nakita ko, buong akala ko nakalimutan niya na kami sana natuluyan na lang siya. Pero ang ganda, nabangasan ko mukha niya. Ang gandang pagkakasagasa ko sakanya.
Flashback
Sinundan ko si Elijah, patungo sa bahay nila Roulette. Dun ako sa labas nila nag-intay narinig ko ang sigaw at pagtakbo ni roulette kaya agad akong sumakay sa kotse ko at nagkunwareng entrance.
Patkabo na sa gitna si roulette, nang bilisan ko ang kotse hanggang sa nabangga siya. Hindi ko na binalikan ngunit may sumigaw na "RORY!" boses ni Elijah, haha angsakit.
-
pumunta ako sa nurse station at kinausap ko ang nurse dun, tinaasan niya ko ng kilay kaya ganun din ang ginawa ko.
"ito na yung injection miss" ito na yung sagot, sagot sa lahat ng tanong ko sagot kung bakit hindi pa namamatay si roulette maghanda kana roulette st erudite, sakin parin bagsak ni Elijah.
At umalis na sa station na yun.
-
Someone's pov
Tinanggal ko ang mask ko, at tinitigan umalis ang babaeng baliw. I'm faith, best friend ni Rory. Isa sa naging sunudsunuran ni Alexa.
Binigay ko sakanya yung injection na pampagamot sa cancer at sa ulo kasi narinig ko na nabangga si Rory. Alam kong ay Rory niya yun isasaksak kaya yun ang binigay ko.
Si roulette, parin ang mananalo.
Bumalik na ako sa trabaho ko para matapos ko to agad at mabisita ko si Rory.
YOU ARE READING
The falling game
Teen FictionSi roulette st. erudite, ay isang dalagang naghahanap ng totoong magmamahal sakanya at ng maipamukha niya sa ex niya na hindi lang siya ang lalake sa mundong ito na may mas hihigit pa sakanya. At dahil wala na siyang ibang paraan, sumali na lang si...