Kabanata 10

71 1 0
                                    


 Matt's pov

Dalawang linggo mahigit ng walang paramdam si noob, naiirita na ako sa pang-lalandi ni Gaea. Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman, naramdaman ko na parang may kulang.

Hinahanap hanap ko yun, hanggang sa napagdesisyunan kong kausapin ang prof namin ni noob. Oo, magkaklase kami. Kaya wala siyang kawala- teka anong sinabi ko? Aish. Forget it.

"Mam, pwede pong magtanong?" hindi ko ugaling gumalang, ngayon lang.

"Nagtatanong ka na mister Reyes." wow. tsk. matatanda talaga.

"Sang hospital po ba dinala si miss St. Erudite?"

"Bakit? Kano-ano ka niya?"

"Boyfr- kaibigan." Aish. Nababaliw na ko.

"Here" binigay niya ang address kung saan dinala si Rory. At sa madonna yun, malayo-layo din dito. Pupuntahan ko siya after class.

"Salamat mam" at umalis na ko, baka kung ano pang masabi ko.

-

6:00 PM

On the way na ko papunta sa kwarto kung saan naroon si Rory, nang may nakita akong babae na papasok sa kwarto niya.

Unti-unti niya itong binuksan, at dahan dahan pumasok sino to?

-

Alexa's pov

Unti-unti ko ng binuksan ang pinto papasok sa kwarto niya, at sabay pumasok ng biglang may humila sakin. Shit, sino to? Hinarap ko siya at isang lalakeng gwapo, makinis, matipuno ano bumungad sakin.

"Who are you?" pag-iinarte ko, sige lang hawakan mo lang ako.

"Where's Rory?" Rory? Nanaman? Tsk. Siya na lang palagi bida.

"Hindi ko alam, sino ka ba?"

"I'm his friend. Now, get out of my way." wow english ikaw kaya saksakin ko?

"And, what the hell is that?" tanong niya sa injec- hala?

"Ah, wala to hehe" agad ko itong itinago sa likod ko.

Nang nagcreek ang pinto, lumabas ang kagigising lamang na si Elijah. Ang hot niya.

"Sino ka?" tanong niya sa lalaking nakaharap sakin. Asarin ko kaya to si Elijah, Malay mo magselos.

"Ahm, his my boyfriend. Nandito kami para bisitahin si Rory. Hehe." ah, tara pasok. WHAT?!?! HINDI MAN LANG SIYA NAGREACT?!?!

Sumunod na lang ako sa loob, at nakita ko si Rory na kagigising lang. Pano ba yan Rory? Dalawang lalake sa buhay mo, nasakin na.

-

Rory's pov

Nagulat ako ng pumasok si Elijah, kasama si Alexa at sino yung lalake?

Naka-smirk lang si Alexa sakin.

"Ah, rory si Alexa tsaka boyfriend niya pala" pagpapakilala ni Elijah.

"Ah hello"

"Hi rory, meet my boyfriend." napadako ang mata ko, sa lalake. at nginitian lang siya

Sinubuan na ko ni Elijah, pero bat ang sama parin ng tingin ni Alexa? Problema nito?

Tumayo ang lalake, at pumunta sa pwesto nila mommy. Nag-mano pa ito, wow may galang yung jowa nito ni hipon ah.

"Hi madame, sir. I'm matt." ah matt pala name niya.

"Matt Reyes." pagkumkumpleto na niya sa pangalan niya, muntik na kong mabilaukan buti na lang at pinainom agad ako ni Elijah ng tubig.

"Matt?! Ginagawa mo rito?" nagulat ata silang lahat, maliban kay Alexa.

"Wala lang naman, dalawang linggo ka ng di nagpaparamdam" tsk, di mo kailangan sumugod dito duh

"Pwede ka ba makausap?" dagdag pa niya, sinenyasan ko silang lahat na umalis muna

At sinunod naman niya, una ayaw pa ni Elijah pero ginawa niya na lang.

Umupo siya sa tabi ko, at kinuha ang kamay ko. Wow, bat may ganto pa? Kinuha ko kaagad ang kamay ko at ngumiti naiilang ako.

"Ah, ano pa lang paguusapan natin?"

"Ah.."

"Ahm, ano na?" tanong ko

-

Matt's pov

"Ano na?" lakas ng dagundong ng puso ko, 'I missed you rory'

"Ah wala, sige una na ko" at tumakbo na ko palabas hindi ko muna pwedeng aminin rory. I'm sorry. Oo, ako na torpe pero hindi ko pa kaya eh, torpe na kung torpe pero may tamang panahon para samin.

The falling gameWhere stories live. Discover now