After 2 weeks at mahigit kong pag-absent, at hindi pagpaparamdam sa partner ko ay nakalabas na rin ako ng hospital na yun.
Inaalam na nila Elijah, kung sino ang gumawa nun dahil halata namang sinadya yun. Kahit bawal pa akong mag-cellphone.
Hindi ko sinunod. Kailangan kong bumawi kay Matt. Bumaba na ko sa kwarto, dahil papasok pa ako. Nang paglabas ko ng bahay ay nag-aantay si Elijah.
Oo, siya na palagi kong kasabay. Hindi na si ate, kase nag-aalala sila mommy sa pwedeng mangyari ulit sakin.
"Good morning" bati niya.
"Good morning din" papasok na sana ako ng bigla niya kong inunahan, binuksan niya ang pinto at inalalayan akong makapasok.
"Okay ka na? Sabay pa rin tayong uuwi ah? Aantayin kita" ani niya, habang diretsong nagdadrive.
"Ah oo, okay naman na" sabi ko, habang nagtatype ng password.
"Oops, bawal magphone." Akma niyang kukuhanin ang phone ko, nang bigla ko tong inagaw.
"Not now, please." ngumiti lang siya ng mapait.
"Walang tayo Elijah, kaya wag kang umaktong parang boyfriend ko. So please."
Pinatigil naman niya ang sasakyan, atsaka ako hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng mapusong halik, puno ng pagmamahal.
"I love you, rory. Please. Give me another chance."
Umiling na lang ako
"The damaged is done, Elijah. Wala na. Ayoko na. Dapat una pa lang kung mahal moko, papaniwalaan mo ko. Ngayon ayoko na kaya tigilan mo na ko."
Lumabas na ako ng kotse niya, atsaka naglakad papasok ng school.
Lahat ng dinadaanan ko, ay pinagtitinginan ako ng biglang sumabay sakin si Faith.
"Omg! Bes! Welcome back" medyo masakit pa ulo ko, kaya napahawak ako dun.
"Oops, sorry hehe! Tara sa canteen?"
Tumango na lang ako, wala pa ako sa mood dumaldal.
"Oh bes, kanina ka pa nakatulala diyan. Hays. Ano bang nangyari?"
"Wala to. Tara na?"
Nasilayan ko na ang classroom namin, at nakita ko dun si Matt?! Wtf. Kaklase ko siya? Tinitigan niya lang ako, kaya dirediretso ako ng pasok ngunit nagulat ako ng may bumuhos saking dugo ng baboy. Argh, disgusting maglalakad pa sana ako ng bigla akong nadulas.
Sumakit ang ulo ko and everything went black.
-
Matt's pov
"Plan A, check." sabi ng isang malademonyong babae na pumasok sa classroom.
Alexa?! Kala ko ba magbest friend sila? Pumunta ako sa harap at agad binuhat si Rory papuntang clinic. Nag-inarte ang demonyita at nagcross arm.
"Pabayaan mo siya dun matt!" sigaw niya.
Ngunit di ko na lang siya, sinagot.
Ipinasok ko kaagad siya sa clinic at inihiga, sabi ng nurse papalitan lang daw siya ng damit kaya lumabas ako saglit
After nun ay bumalik na ko sa loob, at umupo sa tabi niya. Ang ganda niya, napangiti ako. Haha.
Since tulog siya, masasabi ko na lahat una kinabahan pa ako pero nawala yun hinawakan ko ang kamay niya.
"Rory, kung alam mo lang kung gaano na kita ka-miss."
"Miss ko na pang-aasar ko sayo, kahit thru chat lang yun. Alam kong galit na galit ka pagginaganun kita."
"Rory, hindi ko alam. Pero nung nalaman kong nasagasaan ka, nabaliw ako kakaisip sayo."
"Rory, siguro nga. Siguro nga mahal na kita."
"Ang bilis ba? Hindi ko rin alam eh, game over na ba, ry?"
"Sana pagnalaman mo yung nararamdaman ko para sayo, ay ganun din nararamdaman mo para sakin."Hahalikan ko na sana siya ng may humila sakin, at sinapak ako sa mukha. Nagdugo ito at tinitigan ko siya. Nag-smirk ako at sinapak din siya.
"Don't you dare to touch, rory. Magkakasubukan tayo."
-
Rory's pov
Nagising ako sa ingay, parang may nagsapakan.
"Don't you dare to touch, rory. Magkakasubukan tayo."
Umupo ako sa pagkakahiga, at nakita ko sa harap ko si Matt at Elijah. Puro may dugo, labi.
"Hoy! Ano ba yan?" sigaw ko sa dalawa, nagkatinginan sila at paunahang lumapit sakin.
Bago na ang uniform ko, mabango na ulit ako. Angsakit parin ng ulo ko.
"rory ayos ka lang ba?" tanong nilang pareho, tumango ako at sinabing "salamat"
"Lalabas muna ako rory." sabi ni matt, at tinitigang masama si Elijah.
Tumango na lang ako, dahil masakit talaga ang ulo ko.
"Rory, I'm sorry."
"About saan?"
"About what happened earlier"
"Wala yun, ayos na ko. Tara na."
Inalalayan niya ko, at dinala sa labas. Pinaupo niya muna ako sa likod ng kotse niya ng may humila sakin.
-
Elijah's pov
"rory, ayos na" teka, asan na yun?
"rory"
"rory"
-
Matt's pov
Hinila ko si rory ng makita ko siya sa likod ng kotse nung lalake, dahil ang ingay niya pinatulog ko muna siya.
Akin ka lang rory. Babawi ka pa sakin.
YOU ARE READING
The falling game
Teen FictionSi roulette st. erudite, ay isang dalagang naghahanap ng totoong magmamahal sakanya at ng maipamukha niya sa ex niya na hindi lang siya ang lalake sa mundong ito na may mas hihigit pa sakanya. At dahil wala na siyang ibang paraan, sumali na lang si...