Chapter 5 - The Event

946 47 4
                                    

(Mary Dale)

"Nice song huh." Nabigla ako ng makita ko sa likuran si Edward. Wala kasi akong kasama dito sa apartment kaya naisipan kong tumugtog ng gitara at hindi ko namamalayan na nakabuo na pala ako ng isang kanta. Nasa kusina ako habang tutugtog kaya nagulat ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran. "What's the title of the song?"

"Nakakagulat ka naman basta basta ka sumusulpot." Naupo siya sa tabi ko.

"Huh!?"

"Ahm, nothing. This is nothing. Char char lang."

"Where's everyone?" Tanong niya sa akin. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagtipa sa gitara ng kung anu anong chords.

"Rita has a group meeting with her classmates, Fenech has a practice, Aizan and Yong mas to meet up his friend." Tumango tango naman siya habang nagsasalita àko.

"So what time are they coming?"

"I dont know yet."

"Did Aizan already told you what time we will go tomorrow?"

"Not yet. Maybe later that's why we will having a meeting right?" Medyo sarkastiko ata ako dun. "Oh sorry, I don't mean to be sarcastic." Hingi ko ng paumanhin at tinipa ko na lang muli ang gitara.

"May" tawag nya sakin.

"Hmmmm..?" Patuloy pa rin ako sa pag-gitara. (Yung love song na kanta ni Maymay ang imaginin nyo na tinutugtog niya.)

"That's nice. Is it complete already?"

"Maybe?" Tumigil ako sa pagtipa at hinarap ko siya. "Do you sing?" Tinanong ko siya sabay ngiti.

"No way."

"Ahhhhh...but can you sing with me please?" Sabi ko sa kaniya ng naka pout na parang bata at pjnaglapat ko pa ang dalawang palad ko. Sa halip na pumayag ay ginaya pa niya ako. Hinampas ko tuloy siya dahil sa pag gaya niya sa akin. "Hmp. Never mind."

Binalik ko ang atensyon ko sa paggitara ng bigla ko siyang narinig na tumatawa kaya tinignan ko siya ng parang naaasar na ako pero hnd ko mapigilan hindi din matawa ng inulit nya ang ginawa kong pagmamakaawa sa kaniya. Nagtawanan tuloy kaming dalawa ng nagtawanan. Nag-make face pa ako at siya naman ay gingaya ako palagi.

"Uuuuuuyyyyyy...." Sabay kaming napalingon sa narinig namin. Nakita namin sila Aizan, Yong, Rita at Fenech na pinapanuod pala kami.

"Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong ko. Lumapit naman na din sila sa lamesa at nagsi-upuan na.

Naupo si Aizan sa tapat ni Edward, si Yong sa tabi niya, si Rita sa tapat ko at si Fenech sa tabi ko.

"So, what's the plan?" Tanong ni Edward.

"Everything is already set. We just have to be there by 12noon so we can help for the preparation. Well, hindi naman tayo talaga kasali sa mga staff ng catering service. Sabi sa akin ni Tito Ben we can be join the party after ng kainan kaya magdala daw tayo ng extra clothes."

"Wow talaga? Exciting ah." Sabi ni Rita.

"Pero may sahod tayo dyan?" Tanong ni Fenech.

"Oo meron. Magtratrabaho naman tayo eh. Yung party naman after ng trabaho." Paliwanag ni Aizan. Habang nag-uusap ang lahat ay tinitignan ko kung nakakasabay si Edward. Kapag pakiramdam ko ay hindi na niya naiintindihan ang takbo ng usapan ay tinatanong ko siya at ipinapaliwanag ko sa kaniya.

Natapos ang meeting namin ng maayos at nagtayuan na sila.

"Oh, saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Doon na kami sa sala para maituloy niyo na ang naistorbo namin kanina." Mapang-asar na sabi ni Fenech.

Unconditional Love (UF2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon