Chapter 17

738 46 5
                                    

Mary Dale

Late na kaming natapos sa panunuod ng movies kagabi dahil masyado atang na-enjoy ng lahat na makasama si Andi. Mabait siya at magaling din makisama. Ang bilis nga naming nakagaanan ng loob. Walang boring moment dahil kahit habang nanunuod kami ay sinasabayan nya ng kaniyang ka-kwelahan ang bawat eksena sa pelikula. Bago kami nagsimulang manuod ay sinabi niya sa akin kung ano siya kay Edward. Nalaman ko na wala silang relasyon at hinding hindi daw magkakaroon.

Hindi pa rin ako nakatulog kahit tapos nag-uwian na ang lahat. Dito sa unit namin pinatulog si Andi pero maaga din siyang umuwi sa condo niya. At dahil hindi ako masyadong makatulog ay maaga akong bumangon at naisipan ko na lang mag-exercise.

Bago ako nagsimula sap ag-jogging ay nag-warm up muna ako. Habang nagwawarm-up ay napansin ko ang pagbukas ng pinto sa unit ng mga boys. "Sino naman kaya ito? An gaga nya nagising." Bulong ko sa sarili ko pero hindi ko na lang ito pinansin hanggang sa nakita ko si Edward sa harapan ko na halatang naka-outfit ng pang-soccer. "Weekend nga pala ngayon may practice sila" sabi ko sa isip ko.

Tumigil ako saglit sa pagwa-warm up at nginitian ko siya.

"Good morning." Bati niya sa akin.

"Good morning din. May practice kayo?" hay naku May ayusin moa ng tanong mo. Hindi ba halata sa soot niya? Saway ko sa sarili ko.

"Yeah. I need to go." Sagot naman niya. "Oh ayan tuloy nagpaalam agad." Bulong ko sa isip ko.

"Okay ingat." Yun na lang ang nasabi ko. Hay naku bakit ba ganito ako? Parang gusting-gusto ko pa siyang makausap. Namimiss ko na kasi ang kulitan naming dalawa. Siguro kung siya pa rin ang dating Edward baka sa halip na sa harapan ko dumaan ito eh ginulat na niya ako mula sa likod at kiniliti na naman. O di kaya naman ay siguradong sasamahan niya ako sa pag-jogging na mauuwi sa sabay naming pag-kain ng breakfast doon sa paborito naming kainan.

Pagka-alis ni Edward ay itinuloy ko ang warm up exercise ko at nag-jogging na ako. Pagkatapos kong mag-jogging ay umuwi ako sa apartment na may dalang almusal dahil paniguradong walang nagising sa mga kasama ko para mag-luto.

"Oh nandito nap ala si May." Bungad ni bati sa akin ni Yong. Kinuha na din niya ang hawak kong mga pagkain na nasa plastic bag. May ilang mga groceries na din para sa dinner naming mamaya.

Oo dinner na dahil itong almusal namin ay kasama na ang tanghalian dahil tanghali na nagising ang mga mababait kong kasama.

Inihanda na nila Aizan at Fenech ang pagkaing dala ko at ako naman ay nabihis na muna.

"May handa na ang mes. Bumaba ka na." sigaw ni Rita.

Bumaba na ako at nagsimula na kaming kumain.

"Guys, napansin niyo ba kagabi si Edward?" tanong ni Fenech.

"Anong napansin?" tanong ni Rita.

"Parang madalas sumasakit ang ulo niya. May kinalaman kaya iyon sa pagkawala ng ala-ala niya?" patuloy ni Fenech. "Ano sa tingin mo Yong?"

"Ang alam ko wala naman daw siyang amnesia dahil pina-check na siya sa doctor at wala naman brain damage. Yun nga lang sabi ni John este Edward na nga lang, kapag may mga nagfla-flashback daw sa memorya niya eh sumasakit ang ulo niya. Minsan naman sa panaginip niya nakikita ang ibang mga pangyayari na hindi niya maalala." Mahabang paliwanag ni Yong.

"Kaya pala kagabi habang nag-aagawan kami ni Fenech ng remote control ng tv ay sumakit ang ulo niya." Sabi ni Aizan habang patuloy sap ag-kain.

"Ano naman ang connect?" tanong ni Fenech.

"Ah oo, baka may naalala siya." Sabi naman ni Rita. Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa usapan nila pero naisip ko na din nab aka nga naalala niya kung paano kami nag-aagawan madalas ng remote control noon.

Unconditional Love (UF2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon