Chapter 15 - Awkward

726 48 4
                                    

Mary Dale

Hindi ako lumabas ng gabing iyon pero napagdesisyunan kong tulungan din siya tulad ng sinabi nila Fenech at Rita sa akin.

Kinaumagahan ay hindi kami nagkita man lang sa sa loob ng campus. Umuwi ako ng maaga para sana kausapin si Yong pero laking gulat ko ng hindi si Yong ang nadatnan ko sa apartment kundi si Edward. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin kaya nginitian ko na lamang siya. Gumanti naman siya ng ngiti sa akin. Nagtuloy na lang ako sa unit namin. Papasok n asana ako ng bigla niya akong kinausap.

"You're May, right?" sabi nya.

Lumingon ako sa kaniya at tumango lamang. "Hi" hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ko o mahihiya. Napansin kong parang napangisi siya kaya tinignan ko siya ng masama.

"I'm sorry. I didn't mean to..."

"It's okay." Putol ko sa sinasabi niya. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, well I decided to stay here sana ulit. Sabi naman nila Aizan at Yong ayos lang naman kaya lang kasi...." Napakamot siya sa ulo niya.

"Kaya lang?" tanong ko.

"Nakalimutan nilang ibigay sa akin ang susi so I can't go in."

"Oh, okay. Wait lang." paalam ko sa kaniya at papasok na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin na lang ako sa kamay niya na bigla din naman niyang inalis sa pagkakahawak.

"Sorry again. Can you please stay?" sabi niya.

"Don't worry, I won't leave you.Hindi tulad ng ginawa mo sa akin." Sabi ko pero pabulong lang iyong sa bandang huli. "Kukunin ko lang ang susi para makapasok ka na sa loob." At iniwan ko na siya doon.

Ilang minute lamang ay binalikan ko na agad siya.

"Ito ang susi." Inabot ko sa kaniya ang susi.

"Thank you" sabi naman niya at kinuha ang susi kaya lang ay nahulog ito ng inaabot ko na sa kaniya. Sabay kaming yumuko upang pulutin ang susi kaya lang ay nagkauntugan kami. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at hinayaan ko na lamang siyang pulutin ang susi.

"Pwede mob a akong samahan?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi pa ako komportableng makasama ulit siya pero hindi naman ako bastos para hayaan siyang mag-isa.

"Ahm kasi may gagawin pa ako sa loob eh." Sabi ko kahit wala naman talaga akong gagawin.

"Ah ganun ba. Okay." Sabi lang niya at pumunta na siya sa tapat ng pintuan upang buksan ang unit nila Yong.

Sumunod ako sa kaniya at bitbit pa ang ilang gamit niya. Kaya nagulat siya ng nasa likod na niya ako.

"I thought you're doing something?"

"Huwag ka nang magtanong bilisan mon a lang buksan ang pinto at nangangawit na ang kamay ko." Pasungit kong sabi sa kaniya.

"Okay, sorry naman po." Minadali din naman niyang binuksan ang pinto at pumasok na kami sa loob.

Napansin kong tila sinusuri niya ang paligid at pilit na may inaalala sa loob ng unit pero parang wala ata siyang matandaan.

"Madalas ba ako dito?" tanong niya. Tinignan ko siya. "What I mean is, lagi ba ako dito sa apartment kapag wala akong klase noon? Dito baa ng tambayan ko? Sino ang madalas kong mga kasama, si Yong ba? Si Aizan?" pagpapatuoly niya.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya na maliban kay Yong ay kaming dalawa ang madalas na mag-kasama? Nabanggit na kaya nila Fenech ang tungkol sa aming dalawa?

Unconditional Love (UF2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon