Mary Dale
Hindi ko lubos maisip na darating ako sa puntong tatanungin ko ang sarili ko kung sino ako o ano ang pagkatao ko. Ngunit ngayon heto at para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nakapako ang mga paa na tila hindi makagalaw habang naririnig ko ang taong malapit sa puso ko na pinag-uusapan ang nakaraang hindi ko matandaan. Ang masakit pa ay mismong pamilya ko pa ang nagtago nito sa akin.
Nandito ako para sana surpresahin sila dahil hindi na kami nakakapagkita ng kumpleto ngunit ako pala ang magugulantang sa aking mga maririnig.
"May amnesia daw si May sabi ni kuya Joemer." yan ang narinig ko mula kay Aizan bago pa man din ako tuluyang magpakita sa kanila.
"Amnesia? Kaya pala hindi niya tayo nakilala noon kahit pa ilang beses na natin sinubukan." sabi ni Yong.
"Oo at kaya kahit na JJ pa ang pakilala sa kaniya ng pinsan mo ngayon ay hindi man lang niya makilala." sabi ni Fenech. Tahimik lang nakikinig si Edward marahil ay wala siyang alam. Sana nga wala siyang alam dahil hindi ko ata kakayanin kapag malaman kong isa siya sa mga naglihim sa akin tungkol sa pagkatao ko. Umaasa ako na hindi magsasalita si Edward pero nabigo ako.
"I know about this. That day pa lang ng ikwento ko kila Yong ang tungkol kay Janjan at sinabi nila sa akin na hindi niya kayo nakilala, I already think that she might have an amnesia. From that day na ibinigay ko sa kaniya bracelet galing kay Janjan ay nakita ko kung paanong pagtataka ang gumuhit sa mukha niya. Also from that day forward pinagmamasdan ko na ang kilos niya specially ang dalas ng pagsakit ng ulo niya." mahabang paliwanag niya. So all this time alam niya. Alam niya pero hindi niya sinasabi sa akin. Para akong tanga na halos ayaw ipahalata sa kaniya ang pag-sakit ng ulo ko sa kadahilanang ayaw ko siyang mag-alala.
"These past few days madalas na ng pagsakit ng ulo niya so I ask our family doctor about the symptoms na ganito and sabi niya na if ever my amnesia nga siya at sumasakit ang ulo niya, it means there are times na may nagflaflash or may mga images siyang nakikita at hindi kinakaya iabsorb agad ng mind niya." tuloy tuloy sa pagsasalita si Edward ngunit parang hindi na nagsisink in sa utak ko ang mga naririnig ko. Of all people siya pa ang may pinaka-alam na ng sitwasyon ko and yet never siyang nagsabi sa akin.
Aalis na sana ako pero narinig kong nagsalita si Fenech.
"Kaya pala ayaw na nila Mama Ludy na ipaalala namin kay Mayang ang pagiging magkakaibigan namin nila Yong, Aizan at JJ sa kaniya." sabi niya. Kaibigan ko sila noon pero hindi ko nakilala dahil sa amnesiang itinago sa akin nila Mama Ludy.
"Pinagbawalan pa nga tayong lumapit kay May noong nalaman nila ang probinsya natin di ba? Buti na lang at mabait si Papa Joe at hinayaan niya tayong manatiling kaibigan ni May yun nga lang yan ang condition nila sa atin ang huwag ng babanggit tungkol sa nakaraan." sabi ni Aizan.
"At ngayon si JJ ang gumagawa ng paraan para maibalik ang memorya ni May. Alam din kaya niya ang tungkol sa amnesia kaya siya nagpapadala ng mga bagay sa nakaraan nila para ibalik ang memorya niya o sadyang gusto lang niyang manggulo dahil gusto niyang bawiin si May kay Edward?" sabi naman ni Yong. So alam nila na may mga natatanggap akong mga bagay mula sa hindi ko kilala at ngayon malalaman kong galing kay JJ ang mga yun? Anong ibig sabihin na babawiin ako kay Edward? Sa dami ng tanong ko ay biglang may mga imaheng naglabasan sa utak ko. Biglang sumakit ang ulo ko.
Hindi ko na namalayan kung paano ako nakarating sa sasakyan ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay nagmamaneho ako ng sobrang bilis at hindi alam kung saan ako pupunta. Hanggang ngayon ay paulit ulit sa utak ko ang mga narinig ko. Hindi ko aakalain na lahat sila nagsinungaling sa akin. At all this time alam nilang ini-stalk ako ni JJ pero never nila ako sinabihan. Ipinakilala ko pa si JJ kay Edward yun pala ay kilala na niya. Now it make sense kung bakit parang nag-aalab sa galit ang mata niya ng ipakilala ko ito sa kaniya. Akala ko ay dahil nagseselos siya dahil nakita niyang humalik sa pisngi ko si JJ iyon pala ay dahil alam niyang si JJ ay isa sa mga taong pwedeng magbalik ng ala-alang nawala sa akin.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (UF2)
FanfictionMeet Mary Dale Entrata, isang tipikal na dalagang pilipina. Laking probinsya. Mapagmahal na anak,apo at kapatid. Masayahing kaibigan. Isang babaeng maraming talentong itinatago. Mapagpakumbabang tao at marunong makisama sa kahit na sino. Tulad ng mg...