SEVENTEEN

506 42 11
                                    

A/N
Nakakatuwang basahin mga comments nyo dhl naaapektohan kau sa ngyayari pero lagi nyo tandaan sa buhay kapag may masaya, may sakit at kapag may lungkot, may ligaya din na kapalit...Enjoy reading guys!!! End is coming...

Mary Dale

2 years later

"May, wake up. Nandito na tayo." Nagising ako sa isang tapik sa balikat ko. Nakatulog pala ulit ako after kong mapatulog si Jared. It's been years since I left the country and now we're back. "Prepare yourself. Maglalanding na tayo." Sabi pa ni JJ habang inaasikaso na din si Jared.

"Mama" dinig kong sabi ni Jared habang hawak siya ni JJ.

"Yes baby?"

"Mama" sabi lang ulit niya habang umaabot siya sa akin. Gusto ata niyang ako ang magbuhat sa kaniya. Jared is only 1 and 3months old. Hindi pa ganun karami ang mga salitang alam niya at bubulol bulol pa.

"Ikaw na humawak sa kaniya at ako na sa mga gamit." Ibinigay sa akin ni JJ si baby Jared at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng airport.

Paglabas namin ay hindi ko napigilan ang hindi makaramdam ng takot at sakit. Takot na what if galit pa rin sa akin ang taong sinaktan ko few years ago. Sakit na bumabalik muli dahil sa mga pangyayari noon. Hindi ko akalain na ganito ang kakahinatnan ng mga desisyon ko. Sa kagustuhan kong mag-balik ang ala-ala ko ay tila sa maling paraan ko ata ito nagawa na nagdulot ng sakit sa akin at sa taong mahal ko. Noong una ay isinisisi ko lahat kay JJ ang mga nangyari but then I realized na part of it ay kasalanan ko din dahil sa maling desisyon ko. Nagpadala ako sa pagbabanta niya at agad kong isinuko ang taong mahal ko.

"Don't worry. Tutulungan kita. For now, kailangan na nating umuwi muna sa tutuluyan natin para makapag-pahinga." Sabi ni JJ. Nakita kong lumingon lingon siya sa kung saan na tila may hinahanap.

"Anong hinahanap mo?"

"Yung sundo natin."

"Sundo? Sinong susundo sa atin?"

"Malalaman mo mamaya. Oh wait ayan nap ala siya."

Nakita ko ang isang van na paparating at tumigil sa harapan namin. Buhat ko pa rin si Jared na pinaglalaruan na naman ang buhok ko. May bumaba mula sa van pero hindi ko na napansin kung sino. Narinig ko na lang ng bigla siyang nagsalita.

"Pinsan. Ano kumusta ang byahe?" dinig kong sabi nito.

"Ayos naman pinsan."

"Ito na ba si Jared? Ang laki na niya ah." Lumapit sa amin si Yong at nilaro laro si Jared.

"Ikaw? Kumusta ka?" sabi niya sa akin.

"Eto, Mother figure ang peg."

"Maganda ka naman nanay kaya ayos lang yan." Sabi niya at nagtawanan kami.

"Oh tara na at ng makapag-pahinga na din kayo." Sabi niya.

Sa buong byahe ay gusto kong itanong kay Yong kung kumusta na SIYA. Ang taong nasaktan ko. Si Edward. Simula kasi ng umalis ako ng bansa ay wala na din akong naging balita sa kaniya. Hindi din naman nagkwekwento itong mga kaibigan ko na ito tungkol sa kaniya kahit pa lagi ko silang nakakausap.Ayaw ko naman magtanong dahil ako ang nang-iwan.

"Ano nga palang plano niyo? Dito na ba kayo for good?" tanong ni Yong habang nasa byahe.

Nagtinginan kami ni JJ at tumingin naman ito kay Yong na tila alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Depende." Sagot ko.

"Depende kung magtatagumpay ka sa mga gagawin mo?" tanong muli niya.

"Alam mo naman pala eh tatanong tanong ka pa." irita kong sabi sa kaniya.

Unconditional Love (UF2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon