Mary Dale
Nandito kami ngayon sa food court kasama sila Aizan at Fenech. Nakita pala nila kung paano ko nakita si Edward at sinundan nila ako nung tumakbo daw ako papuntang CR. Hinintay nila si Rita na dumating at siya lang ang pinapasok nila sa CR para kausapin ako.
Tahimik lang akong nakaupo habang si Rita naman ay nasa tabi ko at tahimik lang din. SI Fenech at si Aizan na ang nagpunta sa mga food stalls para umorder ng mga pagkain. Busog pa naman ako dahil halos katatapos ko pa lang kumain kanina kaya sila na lang ang sinabihan kong kumain.
Pagdating nila Aizan at Fenech dala ang mga pagkain ay naupo silang magkatabi sa harapan naming ni Rita.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Fenech.
"Oo naman." Pinasigla ko ang boses ko para hindi na sila mag-alala. "Nabigla lang siguro ako kanina sa nakita ko kaya ako naging emosyonal. Pero ngayon nag nag-sink in na ang mga nangyari ayos na ako.
"Paano kung magkita ulit kayo?" tanong naman ni Aizan.
"Hindi na siguro. Baka nagkataon lang iyong kanina." Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko siya kasama ang ibang babae. Kung tutuusin wala nga naman kasi talaga akong karapatan na makaramdam ng ganito dahil sa simula pa lang ay usapan na naming na matatapos ang deal naming kapag na-in love na kami sa iba. Siguro iyon ang talagang dahilan kung bakit siya umalis ng hindi na nagpapaalam sa akin.
"May, ahm kasi sa University natin siya nag-aaral. Nag-enroll lang siya nitong semester na ito. Hindi na siya S.A pero scholar pa rin siya dahil Varsity siya ng soccer team." Paliwanag ni Rita.
Tinignan ko silang tatlo. Ano to, joke? Please sabihin niyong nagbibiro lang kayo.
"Totoo yun May. Nagkita na kami minsan sa field nung minsang naisipan kong pumunta doon para hanapin si Yong."sabi ni Aizan.
"So nakita mo na siya pero hindi mo sinabi sa akin?" sabi ko kay Aizan.
"Hindi ko kasi alam kung paano sabihin sa iyo kasi hindi niya ako kilala nung nilapitan ko siya." Paliwanag niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Hindi ko din alam. Basta nung nakita ko siya sa field ay nilapitan ko siya." Kinwento ni Aizan kung paano niya nakita si Edward.
***Flashback
Aizan POV
"Hi MJ, nakita mo ba si Yong?" tanong ko kay MJ ng makita kong siya lang ang nasa S.A office. May usapan kasi kami na magpupunta doon sa isang raket na sinabi ng kaklase ko. Dagdag allowance din kasi iyon.
"Wala siya dito. Ang dinig ko kanina eh pupunta siya sa field." Sabi ni MJ.
"Ah ganun ba? Sige salamat." Nagmadali akong pumunta sa field para hanapin si Yong pero laking gulat ko ng iba ang nakita ko. "Si Edward bay un?" tanong ko sa sarili ko.
Para makasiguro ay lumapit ako kung saan nagpra-practice ang mga soccer players. Nang makasigurado ako na siya ngaiyon ay lumapit ako sa kaniya.
"Hey Bro! Long time ah? Kailan ka pa bumalik?" tanong ko sa kaniya. Tinapik ko pa siya sa braso tulad ng ginagawa ko noon kapag nagkikita kami.
"Hi! Itong semester lang ako nag-enroll." Sagot naman niya.
"Hindi ka na ba babalik sa apartment natin? May nakakamiss na sa'yo eh." Lumayo siya sa pagkakaakbay ko at tinignan niya akong mabuti na para bang kinikilala.
"Apartment? Kaninong apartment? And sino ang nakakamiss sa akin? Sorry bro but I don't know you." Sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Nagbibiro ka ba? Hindi nakakatawa." Sabi ko. Buti na lang pala at mag-isa na lang siya dito ng lapitan ko siya kung hindi ay baka napahiya pa ako sa mga kasamahan niya.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (UF2)
FanfictionMeet Mary Dale Entrata, isang tipikal na dalagang pilipina. Laking probinsya. Mapagmahal na anak,apo at kapatid. Masayahing kaibigan. Isang babaeng maraming talentong itinatago. Mapagpakumbabang tao at marunong makisama sa kahit na sino. Tulad ng mg...