Mary Dale
Ang bilis lumipas ng araw. Dalawang linggo na simula ng umuwi ako dito sa probinsya para sa Christmas vacation namin. Nag-pasko kami ng magkakasama at ganun din nung bagong taon. Sa susunod na araw ay babalik na ulit ako ng Manila.
Sinulit ko talaga ang bawat araw na nandito ako kasama ang pamilya ko. Namasyal kami ng mga pinsan ko kasama sila Mama Ludy at Papa Joe.
Nung minsan ay nagpunta kami sa tabing dagat para mag-picnic kaming magpipinsan. Sa hindi inaakalang pagkakataon ay nakita ko si Joshua. Naglalakad ako nun sa dalampasigan ng bigla ko siyang nakabangga. Tumatakbo siya patalikod kaya hindi niya ako napansin at hindi ko din naman siya napansin dahil abala akong nakatitig sa kalawakan ng dagat.
"Sorry miss." sabi niya sa akin at inabot ang kamay niya sa akin dahil sa pagkatumba ko ng mabangga niya ako. Hindi agad ako nakagalaw ng makita ko siya. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kaming muli.
"Ikaw pala Dale." binaba na niya ang kamay niya ng mapansin na hindi ko ito inabot at tumayo akong mag-isa. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sumunod pa siya sa akin at sinabayan ako. "Sorry ulit. Hindi kita napansin eh. Kumusta ka na?" tanong niya.
"Ayos lang."
"Lumuwas ka pala ng Manila agad pagkatapos ng graduation." tumango lang ako sa sinabi niya habang patuloy pa rin ako sa paglalakad at nakatingin sa dagat.
"Pwede pa ba tayong maging mag-kaibigan?" tinignan ko siya sa sinabi niya. Hindi ko alam pero para akong sinaksak sa narinig ko. Kaibigan. Ibig sabihin wala na. Hindi naman sa umaasa pa ako na magkabalikan kami pero nagulat ako dahil nung maghiwalay kami ay ayaw niyang hanggang magkaibigan lang kami at sinabi niyang ipaglalaban niya ako at maghihintay siya ng panahon para sa aming dalawa. Tapos ngayon sasabihin niyang maging magkaibigan na kami. Akala ko sa puso ko ay wala na siya at hindi na ako masasaktan pero bakit ganito ngayon?
"Oo naman." wala sa sarili kong naisagot. Kailangan kong kayanin ito dahil ako ang nakipaghiwalay at ito ang hiniling ko sa kaniya noon. Ibinibigay lang niya ang gusto ko. Ang sakit sakit pala na sa kaniya ko maririnig ang mga salitang iyon.
"Salamat." sabi niya.
Tumigil ako sa paglalakad at naupo ako sa buhanginan. Umupo din siya sa tabi ko.
"Salamat saan?"
"Salamat dahil nagpakatapang ka noon at hindi ka sumunod sa kagustuhan ko."
"Ginawa ko lang ang tama."
"At tama ka nga. Siguro kung ipinilit ko ang gusto ko noon, baka pinagsisisihan ko din ito ngayon." napaisip ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na baka pinagsisihan niya kung sakaling ipinagpatuloy namin ang relasyon namin. Tumingin siya sa dagat at nagpatuloy sa pagsasalita. "Simula nung naghiwalay tayo, tinatanong ko ang sarili ko kung ano ang dahilan bakit nangyari sa atin iyon. Nung una ay parang gusto kong magalit sa mundo. Sinisisi ko ang magulang ko. Nagbago lang ang lahat ng iyon ng makilala ko si Cristy."
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga panahon na iyon. Hindi ko lubos akalain na ganun siya kadaling naka-move on. Masakit pero kinaya kong hindi maipakita iyon sa kaniya. Simula ng araw na iyon ay doon ko napagtanto na talagang wala na kami. Kailangan ko na din umusad at mabuhay na wala siya."Hoy! Nakatulala ka na naman dyan." sabi sa akin ni Maya. Isa sa mga pinsan kong sobra kung mang-asar. Nag-aayos kasi ako ng mga gamit ko para hindi na ako mahirapan mag-impake bukas. "Anong iniisip mo?" tanong niya sa akin.
"Wala."
"Sua, wala daw. Siguro iniisip mo 'yung nagbigay ng kwintas na 'yan ano?" itinuro niya ang locket necklace na suot ko. Ito iyong regalo sa akin ni Edward na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ito ang napili niyang ibigay sa taong nakabunot sa kaniya. Paano na lang kung hindi ako ang nakabunot s kaniya, eh di sa ibang babae ito napunta. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano ko ito gagawin hindi tulad niya na malakas ang loob na itanong sa akin kung bakit bracelet ang ibinigay ko. Katulad ko ay natanong din niya na paano daw kung iba ang nabunot ko. Pero syempre kung iba ang nabunot ko eh hindi ganun ang ibibigay ko. Ang mahal ng bracelet na yun noh.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (UF2)
FanfictionMeet Mary Dale Entrata, isang tipikal na dalagang pilipina. Laking probinsya. Mapagmahal na anak,apo at kapatid. Masayahing kaibigan. Isang babaeng maraming talentong itinatago. Mapagpakumbabang tao at marunong makisama sa kahit na sino. Tulad ng mg...