# Chapter 2: Dream #
Hindi na ako nakapagpaalam sa iba na aalis, tumakbo na ako palabas ng gate. Alam kong sinusundan ako ni Angeline kaya lalo kong binilisan.
"Elle! Saan ka ba pupunta? Sasamahan kita!" sigaw niya.
Hindi ko siya pinansin. Nasa harap na ako ng gate at agad na hinarangan ako ng dalawang guards.
"Hindi pa oras ng labasan iha." sabi ng isang guard.
"Palalabasin mo ako o magpapakamatay ako ngayon din sa harap mo?" seryosong saad ko.
Nagtinginan naman ang dalawang guards saka bumaling sa akin. Seryoso naman akong tumingin din sa kanila. Hindi ako takot mamatay, kung hindi nila ako palalabasin.. tatalon ako sa bakod sa likod. At kahit harangan pa nila ako ng baril nila hindi ako matitinag.
"Ahm.. Mga kuya guards.. Sige na po, palabasin niyo na po siya. Kilala niyo naman po kami diba? Masama lang po ang pakiramdan niya. Ako na rin po ang magsasabi sa prof namin na mag-aabsent siya." agad na sabi ni Angeline.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila, ako na mismo ang nagbukas at sara ng gate.
Nakonsensya naman ako sa pangbabaliwala kay Angeline. Alam ko namang nag-aalala siya sa akin, pero kailangan ko munang irelax ang sarili ko, dahil baka mamaya sila pa ang mapagbuntungan ko ng inis ko.
Dinial ko agad ang number ng driver ko.. Ilang minuto lang ay dumating naman siya kaagad. Sumakay ako at nagpahatid sa kanya sa park na lagi kong pinupuntahan kapag ganitong stress ako.
Pagkarating ko ay agad akong umupo sa lagi kong pwesto. Sa ilalim ng malaking puno na malapit lang sa lake. Mabuti na lang walang umupo dito sa paborito kong pwesto.
Tumingala ako sa langit, at napakagandang tingnan ang mga ulap. Kung anu-ano ang mga shapes na nakikita ko.
"Your so beautiful honey." sabi ng lalaki sa akin, hindi ko siya kilala pero magaan ang loob ko sa kanya at pakiramdam ko ay masaya akong kasama siya.
"Nambola ka pa..pero salamat na rin. And you too honey, handsome as ever." sabi ko saka ngumiti at niyakap siya.
He kissed me in my forehead kaya napapikit ako.
"I love you so much Darlene honey." he looked at my eyes full of love and sincerity.
"I love you too so much honey." tugon ko sa kanya.
We kissed each other then smile.
"Let's go." hinila niya ako papunta sa labas kung saan nakaparada ang sasakyan niya.
"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko pero nagpahila din.
"You'll see it later. Hwag kang masyadong excited, darating din naman tayo doon." natatawang sabi niya.
Inirapan ko lang siya pero ngumiti din. Pinagbuksan niya ako ng pinto, kaya sumakay na rin ako.
30 min. din ang tinagal ng byahe namin pero ok lang dahil siya naman kasama ko.
Pumasok kami sa Resto, at napakaganda ng view mula sa labas hanggang sa loob. Pero mas feel ko ang ganda sa labas dahil sa mga bulaklak na nakapalibot.
"Ang ganda! Pwede ba tayo sa labas kumain hon?" tanong ko. Hindi ko talaga kasi mapigilang mamangha.
"Of course, may naka reserve ng mesa doon for us. Alam ko kasi na magugustuhan mo dito. Lalo na kapag may mga bulaklak sa paligid mo." he hold my hand and smiled. I really love this man so much.