Elle's POV
"Mag-shi-shift na ako ng course ko." sabi ni Charm. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya.
Vacant namin ngayon at nasa likod kami ng gym na siyang soccer field.
"Why?" tanong ko.
"Alam niyo namang hilig ko talaga ang math diba? At hilig ko rin ang design." anito.
"So you mean... Fashion designer na ang kukunin mong course?" tanong naman ni Mikay.
Napangiwi naman siya ng isipin niyang nagdedesign ng damit si Charm. Yuck! Hindi bagay!
"Ouch!! Hey!" dinig kong daing ni Mikay. Binatukan pala ni Charm.
"Tanga!! Tingin mo bagay sa akin ang cursong sinabi mo?! What I mean is, gusto kong mag design pero hindi damit!" bulyaw nito.
"Makabulyaw ka naman! I'm asking lang eh!" sabi ni Mikay habang hinahaplos ang ulong nabatukan.
Ang akala ko rin fashion designer na talaga ang kukunin niya, dahil sa totoo lang hindi talaga bagay dito. She look like a gangster at may pagkaboyish din ito.
"Engineering ang kukunin ko." anito pagkakuwan.
"Eh? Sure ka d'yan?" tanong ni Starr. Tumango naman si Charm bilang sagot.
"Well, for me ok naman. Susuportahan kita sa gusto mo Charm." singit ko.
Nakita ko na kasi ang mga designs niya sa bahay nila at sigurado akong sisikat ang babaeng ito bilang Engineer.
"Wow ha?! Sige ba, papasuporta talaga ako sayo sa gastusin sa pag-aaral ko. Sabi mo yun eh." agad na sabi ni Charm na ngiting ngiti pa.
"Kapal mo naman! Ang yaman yaman mo tapos ako pa pagagastusin mo, aba! Gusto mo makatikim ng suntok?" sabi ko pero biro lang.
Tatawa tawa lang ito, ganun din ang iba. "What I mean is.. Ichichear lang kita para ganahan ka." patuloy na sabi ko.
Ang alam ko ay may business ang pamilya ni Charm sa ibang bansa pero hindi ko alam kung ano talaga. Pero alam ko na mayaman sila.
"Ako din, mas gusto ko ang fashion and design. Lalo na kung mga damit, specially gowns." biglang sabi ni Angeline.
"Mag shi shift ka na rin?" tanong ko. Para naman itong nagdadalawang isip sa sagot. Pero bagay naman dito ang course na gusto nito dahil sa kanilang lahat ay ito ang pinaka fashionista. Sikat na modelo ang ama nito sa bansa, habang ang mama nito ay kilalang fashion designer sa buong mundo. Kaya hindi nakakapagtaka kung hilig din nito ang fashion.
"I don't know.. Naguguluhan kasi ako. Gusto ko rin kasi ang business course dahil balak kong magtayo ng boutique someday." sabi nito.
"Hay naku bunsoy! Ok lang naman na mag shift ka rin noh. Gusto at hilig mo naman talaga ang pagdedesenyo ng damit. Isa pa, alam ko balang araw.. Magkakaroon ka din ng pangarap mong boutique kung yun talaga gusto mo." sabi ni Starr. Ngiting ngiti naman si Angei, flattered yata sa sinabi ng lagi niyang kasagutan.
"Mayaman ka naman kaya walang problema." dugtong agad ni Starr pero hindi naman yun naging dahilan para mawala ang ngiti nito.
"Masaya ako dahil gusto niyong kunin ang talagang gusto niyong kurso. Alam ko naman eh, na kaya kayo kumuha ng bus.ad ay dahil sa akin.." sabi ko na nakangiti. Lumingon sila sa akin pero si Charm at Angie ay napaiwas ng tingin. "Gusto niyo akong samahan sa sakit na nararamdaman ko because of that stupid first heartbreak, at yun ay sa pamamagitan ng pagkuha sa kapareho kong course."