Endless Tears Chapter: 7

3 0 0
                                    

Endless Tears Chapter 7: The Royalties

Yushua's POV

Nasa gate pa lang ako at kakatok na sana ng may lumabas na babae. Pansin ko ang walang emosyon nitong mga mata.

Nagkatitigan lang kami sandali tapos ay pumasok uli ito. Napakamot na lang ako sa ulo ko, baka nagkamali lang yung babae na nandito si Elle? Hindi ko na din matanong yun dahil nawala na lang bigla.

Pipindutin ko na sana ang doorbell ng lumabas naman si Elle at tumakbong lumapit sa akin.

"Yushua! Namiss mo agad ako?" tanong nito agad at ang laki ng ngiti.

Hindi naman ako makapagsalita. Ano nga pala ang pinunta ko dito?

I hear her giggled at naramdaman kong uminit ang pisnge ko.

Haixt! Ano bang nangyari na naman sa'kin?

"Ang cute naman mamula ng boyfriend ko!" sabi niya saka pinisil ang magkabila kong pisnge. Mas lalo pang uminit ang mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Pero ano daw? BOYFRIEND KO? Humarap ako sa kanya at ngiting-ngiti naman ito sa pamumula ko. Ba't ba ang cute ng babaeng 'to?

Tumikhem muna ako bago nagsalita.

"Boyfriend ko? Kung ganun, girlfriend pala kita." nakangisi kong sabi. Siya naman ngayon ang namula at nag-iwas ng tingin.

"Don't worry my girlfriend, I'll be your best boyfriend." sabi ko pa at natawa sa mas lalong pamumula ng mukha niya.

Alam ko namang pagpapanggap lang ang gagawin namin relasyon bilang magkasintahan pero hindi ko matatangi sa sarili ko na masaya ako. Ang akala ko talaga hindi siya papayag sa deal namin.

"Mas cute ang girlfriend kong mamula ah?" I teased at ako naman ang pumisil ng pisnge niya.

"Eehh!" hindi lang pisnge ang namula sa kanya, buong mukha na pati tenga kaya mas lalo akong nanggigil sa pisnge niya.

"Ehem!!"

"Nakalimutan yata ni Darlene Elle na nandito tayo sa likod niya."

"Para ngang wala sila sa school eh. Parang sila lang dalawa dito."

"Oh gosh!! Kinikilig me of what i have seen!"

Halos sabay na sabi ng apat na babae na nasa likuran ni Elle. Ito siguro yung kinukwento niyang mga kaibigan niya.

"Yow! I'm Yushua her boyfriend." walang hiyang pakilala ko.

Elle's POV

Pink carabao naman oh! Ano ba 'tong sinasabi ni Yushua? Mas lalo pa tuloy uminit ang mukha ko. Alam kong alam ng mga kaibigan ko ang deal namin ni Yushua pero ng magpakilala si Yushua sa kanila bilang boyfriend ko.. Kinikilig ako at feeling ko talaga na boyfriend ko siya.

"Nice to meet you, Yushua! I'm Jaime, mas mabuti siguro kong sa cafeteria tayo mag kwentuhan."

"Yes, yes! Let's go! I'm hungry na din already eh. Then I will basa-basa pa my book here!"

Napailing na lang ako, nauna na silang naglakad eh. Nahuhuli kaming dalawa ni Yushua. At ang feeling....

Isang intense na "AWKWARD"

Hanggang sa makarating kami sa cafe ay tahimik pa rin kami. Sila Jaime naman ay kung anu-ano na ang pinagsasabi at wala akong naintindihan sa anumang usapan nila.

"Ba't natahimik kayong dalawa? Gusto niyo bang mag-usap na kayo lang dalawa?" tanong ni Angie na nakangisi.

Nahiya naman ako lalo, kaya nagsalita na ako at pinakilala kay Yushua ang mga kaibigan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Endless Tears (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon