Elle's POV
Kita ko ang pagkabahala sa mukha ni Jen at pagtataka. Hindi niya kasi alam na may video ako sa kanila. At mga walang hiya sila dahil sa bahay ko pa mismo sila gumawa ng kababuyan.
"may suspect ka Elle kung sino nagpakana nito?" tanong ni Charm.
"oo, don't worry guys. I'll send it na lang sa inyo, maybe later when I'm at home na." sabi ko at naglakad papunta sa upuan ko. Sumunod naman mga kaibigan ko na hindi ko malaman ang mga ekspresyon.
Natapos ang klase na tahimik lang. Hindi mo masasabing tinatamad lang o walang masabi o sadyang nanahimik lang at nagpakiramdaman.
Nasa kwarto ko na ako at nakahiga lang sa kama. Pagod ang katawan ko kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang sa klase.
At dahil sa bored ako, kinuha ko ang cp ko at nag group message.
[ano bang mgandang gawin kapag bored ka?]
Yan ang tinype ko then sent all contacts, kasama mom and dad ko.
Ilang saglit pa.. Marami ang nagreply kaya iniisa-isa kong basahin.
'kip your self busy like shopping' - Nicole
'watch movies?' - Jussen
'bond with your friends baby' - mommy
'just sleep princess, i know your tired. Or maybe call your friends para makapag isip kayo ng gusto niyong gawin. Take care always princess.' - dad.
'wanna go out? I'm bored also..' - Yushua
Sa text ni Yushua ako napatigil. Textmate na kami nito at kahit papano ay may nalaman na rin ako tungkol sa kanya.
[ok. See u nlang sa mall?] reply ko.
'yeah.. see you there.'
Agad akong tumayo at nagbihis. Maong pants at simpleng babyblue t-shirt lang ang isinuot ko. Then white flat shoes.
Nakaponytail ang buhok ko at nagpowder lang ako ng mukha at red-orange lipgloss, favorite lip color ko.
Simple lang at kuntento na ako sa itsura ko. Litaw pa rin kasi ang gandang meron ako eh. Hehe ^__^v
Kinuha ko ang sling bag ko at cellphone saka lumabas na ng kwarto.
Pagbaba ko naman ay naka-abang sa akin ang limang chicks. Hahaha.
"san tayo pupunta?" tanong ni Starr.
"ako lang aalis. May date ako eh, hehe." alanganing tawa ko.
"sama kami." maikling sabi ni Charm na kumakain ng chips.
"oo nga naman Elle, sama we para makilatis namin your kadate." sabi naman ni Mikay.
"hay naku, wag na. Istorbo lang kayo." sabi ko na ikina simangot nila. Natawa na lang ako ng mahina, pero gusto ko kasing kami lang ni Yushua eh.
"next time na lang guy's. Papasalubongan ko naman kayo eh." suhol ko para maka-alis na.
"ano akala mo sa amin walang pangbili? Tumigil ka nga dyan Elle. Basta sasama kami." sabi naman ni Jamie at nauna ng lumabas, kasunod ang apat.
Eh, ano pa bang magagawa ko? Hindi ko mapipigilan ang mga yan kapag nagkaisa sila.
Nag text ako kay Yushua na nasa mall na ako at agad naman itong nagreply na nasa Vikings resto daw ito kaya naglakad na ako papunta doon. Sumusunod naman sa akin ang lima.
Hanggang sa nasa harap na ako ng Vikings ay nakasunod pa rin sila sa akin kaya hinarap ko na sila.
"guy's? Please naman oh." paki-usap ko.