Endless Tears Chapter 4: The Unexpected

17 0 0
                                    

# CHAPTER 4: The Unexpected #

Elle's POV

"Wag mo ng masyadong isipin yung panaginip mo Elle, kasi minsan wala naman talaga itong kahulugan." sabi ni Jamie.

Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko ang panaginip ko na yun. Sumasakit na nga ang ulo ko eh.

"Mas mabuti pang ikain mo na lang yan. " sabi naman ni Starr. Siya ang nagluto sa agahan namin. Kahit na may maid kami dito para mautusan, eh mas gusto niyang siya ang magluto.

Kahit medyo namumugto ang mata ko at puyat ako ay maaga pa rin akong gumising. Dito na rin sila natulog sa bahay ko, at nagsiksikan sa higaan ko.

Inayos naman agad ng mga katulong ang mga pinggan para makakain na kami. Sakto namang bumaba sina Charm at Mikay na nakabihis na.

"Oh, asan si Angeline?" tanong ko.

Nagsi upo na kami sa mesa at si Angie na lang talaga ang kulang. Minsan pa espesyal talaga yun eh.

"Hayun, nagseselfie pa." -Charm.

Langya talagang babaeng yun. Kaya lagi nalalate ang mga ito eh.

"Bakit, may problema ba dun? Eh, sa maganda ako eh." biglang sulpot naman ni Angie. Umupo na rin ito pagkalapit sa mesa katabi ni Jamie.

"Ewan ko sayo." walang ganang sabi ni Charm.

"Oo na, sige na. Ikaw na maganda. Basta magsikain na tayo dahil hindi ko hilig ang malate sa klase." sabi ko. Nagsimula na naman kasi silang magbangayan.

Sakto namang pagdating namin sa school ay pag ring ng bell. First bell to be exact para makapasok ang mga studyante sa kung saan man sila naroon.

At dahil magkaklase pa naman sila this sem, at magkaklase din sa first, second, third at last period ay sabay na silang pumasok sa room.

"Ang ganda talaga nila!"

"Nakakaintimidate talaga silang lapitan."

"Sinabi mo pa. Tingnan mo pa lang sila, masasabi mo na lang sa sarili mong offlimits sila."

"Grabe, swerte talaga kung sino mang magugustuhan nila."

Yan lang naman ang mga naririnig nilang bulong-bulungan. Bulong na dinig na dinig nila.

Napailing na lang ako, the same time ay natutuwa din. Dahil sa kanila, i feel respected. Ang dalawang tao lang na yun ang hindi siya ni respeto.

"Nakaka intimidate ba talaga tayo?" mahinang tanong ni Jamie. Nasa classroom na kami at naka upo na rin sa respected chair namin.

"Kung ako.. oo. Nakaka intimidate tayo dahil ikaw Jamie ang may ari ng school na'to. Tayo ang Campus Royalties at top student.." sabi ko pero sumabat naman si Angie.

"At magaganda't mababait din." aniya saka nag peace sign.

"Well, kung may naiintimidate. Meron din namang naiinsecure." sabi ni Mikay na nakatingin sa bagong dating.

"I heard what you say. Are you pertaining to me Ms. dela Cruz?" taas kilay na tanong ni Leslie. At syempre kasama ang mga alalay.

"Did I sabi a name? Well, if you think I'm pertaining to you, so be it. Kaw nag tell niyan eh, not ako." sabi ni Mikay habang nagsusuklay ng reddish brown nitong buhok.

"Gosh! Hindi ba nahihiya ang babaeng yan? Kung maka pagsalita sa mga campus princess akala mo may maipagmamalaking trono, eh wala naman."

"Yeah right girl. Kapal lang ng face."

Endless Tears (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon