Endless Tears Chapter 5: My new Friend

13 0 0
                                    

CHAPTER 5: My New Friend

Elle's POV

"Waaaahh!! Elle, ikaw nga! Miss na kita!" sigaw ng babae palapit sa akin at saka ako niyakap ng sobrang higpit.

Oh gosh! Parang kamatayan ko na yata 'to, hindi na ako halos makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Hey, excuse lang muna girl ha, hindi na kasi siya makahinga. Kunting luwag naman ng yakap." sabi ni Angie, at galit na tumingin sa babaeng yumakap sa akin.

Ng bitiwan na niya ako sa pagyakap ay saka ako huminga ng malalim. Feeling ko ako ang pumasan sa bigat ng mundo sa yakap na yun.

"Who Ikaw?" kunot noong tanong ni Mikay.

Naalala kong hindi ko pa pala na ikwento sa mga kaibigan ko kung papaano kami nagkakilala ng babaeng ito.

"Sorry guy's hindi ko na ikwento sa inyo. Siya si Nicole, nakilala ko sa park last week lang yata yun." sabi ko, bumaling naman ako kay Nicole na nakatingin lang sa akin. "Nicole, sila naman ang sinasabi ko sayo noon na mga friends ko."

Tumango si Nicole saka ngumiti.

"Masaya akong makita kayo. Ako si Nicolette Samara Park." pakilala niya na yumuyuko.

Tahimik lang ang mga kasama kong tumingin sa kanya. At parang walang balak na magpakilala, kaya ako na ang nagsalita.

"Pasensya na Nicole huh, may PMS lang ang mga yan kaya ganyan." sabi ko na lang, kita ko kasi na feel ni Nicole na hindi siya tanggap ng mga friends ko.

"Ito si Angeline." turo ko kay Angie na naka-cross arms lang na nakatingin kay Nicole. "Si Michaela." turo ko kay Mikay na same lang ang gawa tulad kay Angie. "Si Jamie." ngumiti si Jamie saka inilahad ang kamay para makipag shakehands. Magiliw namang tinanggap ni Nicole. "Starr at Charm." pakilala ko uli sa dalawa na parehong tahimik lang.

"Hello sa inyo?!" pagdadalawang isip na bati niya.

"Guy's, new friend natin siya." pagka sabi ko nun ay bigla na lang nag ingay at lumapit kay Nicole, nagsipag beso sa huli.

"Hello Nicole, bakit hindi na lang Sam ang tawag namin sayo? Mas shorter kasi eh." -Angie.

"I don't want to, Name na yan ng kapatid ko. Nichelle Samantha Park. Kaya Sam ang nickname niya."

"Kung ganun, ok lang bang Nikki ang tawag namin sayo or Cole (cool)?" - Jamie.

"Gusto ko yan, basta kayo lang ang tatawag ng ganyan sa akin. I like it!" tuwang-tuwang sabi ni Nikki.

Napabuntong hininga na lang ako, akala ko kasi ayaw nila kay Nicole dahil tahimik lang sila. Pero ngayon, kala mo matagal ng magkakilala.

"May bibilhin ka din today Nik?" tanong ni Starr na katabi ko lang.

Humarap sa amin si Nikki at umiling.

"Nope, tumitingin tingin lang para may idea na ako sa pang gift ko sa pinsan kong si Yushua, remember him Elle?"

Tumango naman ako bilang sagot. Buti na lang at nagkita kami ni Nikki, para malaman ko din ang gusto niyang regalo.

"Sabay na tayo, may bibilhin din kasi kami para kay Elle." - Charm.

Walang pagdadalawang isip naman na pumayag si Nikki, at ako naman wala ding magawa dahil hinawakan na ako Nina Starr at Charm sa magkabilang braso.

Nichole's POV

Wwaaahh ang saya ko!! May mga new friends na ako! Dati rati kasi ay wala talaga akong mga kaibigan bukod sa isa kong kapatid at dalawa kong pinsan.

Endless Tears (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon