Slave #4: Hyde

39.1K 1.2K 84
                                    

PS: Pwede po bang mag inline comment kayo kung may makikita man kayong typo/mali pls huhuhu.

SPG: ULTRA VIOLENCE

--

Tumalikod ito mula sa akin at nagsimulang maglakad, ngunit huminto 'rin kaagad. Maya maya ay nagsalita ito.

"Can you walk?" He asked me― I think. He tilts his head to look at me in his shoulder which confirmed my thoughts. Umiling ako. Hindi ko muling mahanap ang aking boses sa aking lalamunan. It seems like its hiding because it's scared, of the gorgeous man in front of me.

Sa kadahilanang makakaalis na ako rito ay nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan at pag asa―pag asa na magkaroon ng panibago at maayos na buhay. Kahit na isang taon pa lamang ako rito sa bahay ay sobra na ang hirap na aking diranas, kaya gayon na lamang ang saya ko ng makakawa ako rito.

Ngunit ang maayos na buhay na aking tinutukoy ay mukhang mahirap at malabong mangyari. Sa aking nasasaksihan ngayon, hindi pangkaraniwang tao ang bibili sa akin. At basehan sa aking mga naririnig. Hari ito. Hari ng anong nilalang? Hindi ko alam, ngunit ang alam ko lamang ay isa itong nasa mataas na rangko, ang kinakatakutan.

Hindi na bago sa akin ang mga ganitong nilalang dahil minsan ay naririnig ko ito sa aking mga kapwa alipin. Natatakot naman akong magtanong dahil alam kong hindi nila ako sasagutin at iiwasan na nga nila ako, makakaranas pa sila ng matinding hirap tulad ng aking dinaranas― ng palihim.

May iba't ibang klase ng nilalang akong alam.

Mga demonyo― sila ang nakasama ko sa loob ng isang taon kaya't alam ko na ito. The made me felt the feeling of being in hell. Pinapahirapan ng walang kalaban laban.

Mga tao― sila yung malayang nakakagalaw, nakakapagtrabaho, at ang tanging problema lamang ay ang pagkain at pera. Ngunit kaylangan nilang mag ingat dahil maaari silang maging ganito sa amin, lalo na ang mga babae.

Taong lobo― mula sa aking narinig na kwentuhan ay sila raw yung mga taong nagiging lobo kapag gabi, o kapag kabilugan ng buwan. Hindi kapani paniwala, ngunit may oras na nagising ako ng hating gabi, at naglalakad lakad, hanggang sa narinig ko ang usapan ng mga head masters― kailangan nila ng wolf's bane― na hindi ko alam kung ano― basta panlaban iyon sa mga ito.

At nang marinig ko ang salitang iyon ay bigla akong nanlamig.

Mga bampira― ang mga nilalang na walang awang pumapatay para lamang makainom ng dugo. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw akong palabasin ng mga magulang ko noong ako'y bata, at isa rin ito sa dahilan kung kaya't napunta ako sa kulungang ito.

Malalim ang gabi, naglalakad ako mula sa paaralan pauwi sa aking bahay kung saan ako'y mag isa na lamang― dahil namatay ang pamilya ko isang linggo na ang nakakalipas. Hindi ko pa man ito tuluyang natatanggap ay kailangan kong mag aral ng mabuti dahil isa lamang akong iskolar. At kaya ako ginabi ngayon ay dahil sa dami ng natambak noong isang linggo akong hindi pumasok dahil sa sobrang kalungkutan.

Naglalakad ako ng mag isa, nang may nakita akong lalaking gegewang gewang― mukha itong lasing. At sa kadahilangang iyon ay balak kong magtago, at hintayin itong makaraan ngunit bago pa man ako makaalis sa aking kinatatayuan ay nag angat ito ng mukha― at mula roon, kitang kita ko ang itim na itim nitong mata-buong mata na walang puti― sa ilalim ng sinag ng buwan.

Doon ko lamang rin napansin puro dugo ang damit nito, pati na ang ilalim ng bibig nito na may mahahabang pangil. At nang ngumiti ito ng nakakakilabot ay hindi ako nag aksaya ng panahon para tumakbo.

The Vampire's Slave ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon