Pwede po bang mag inline comments po kayo kung sakaling may mabasa kayong mali/typo? Thanks
--
It's been three days since that incident happened at simula noon, lumalayo ako sa kanya. I mean, hindi ko hinahayaang magkrus ang landas namin na siyang madali naman dahil nasa kuwarto lamang ito, minsan ay may ginagawa o ano.
Tuwing magkakasalubong kami sa mansion―which is madalang lang―ay lumiliko na kaagad ako ng daan, o kaya'y magpapanggap na may ginagawa o tinitignan.
To be honest, masakit eh. Parang nareject ka sa kadahilanang hindi mo alam o ano. Not that I have a romantic feelings on him already pero kasi, yung pagpapaalis niya sa akin ay parang way na gusto niyang mawala ako sa buhay niya, o sadyang OA lang ako? I don't know, ang tanging malinaw lang sa akin ay ayaw ko muna siyang makita.
Nag inat ako at dahan dahang tumayo sa malambot kong kama. Mula sa side table na nandirito ay nakita kong alas sais pa lang ng umaga. Bumuntong hininga ako sa kawalan ng gagawin ngunit biglang pumasok sa aking isip na simulan na ang 'Oplan: Make over' nitong mansion.
Sa tatlong araw ko rito ay doon ko lamang napagmasdan ng maayos itong mansion. It's a three-storey building na may malalaking kuwarto―tulad ng tinutulugan ko ngayon. Bawat kuwarto ay malalaki talaga, halatang hindi pang ordinaryong kwarto at ang bahay na ito ay may labing dalawang kuwarto―anim sa first floor, lima sa second floor, at ang master's bedroom which is occupying the whole third floor.
Sa tatlong araw na pamamalagi ko roon, doon ko napansin na halos laging wala ang apat, laging may ginagawa kaya alis ng alis, at si Clyde naman ay minsang sumasama rito pero kadalasan ay nasa kuwarto lamang ito, hindi lumalabas-hindi ko alam ang ginagawa pero sa tingin ko'y puro tulog.
Ang limang katulong rito ay hindi ko makausap na siyang aking ikinataka. Actually, hindi ko sila nakitang kinakausap ng mga nandirito―kumbaga nandito sila, pero parang mga hindi naman nag eexist na siyang ikinatataka ko.
Tsaka ko lamang rin nalaman na mga kuwarto lamang ang kanilang linilinis at hindi ko alam ang dahilan nito. Gusto kong itanong ngunit nakakatakot, para silang taong patay, promise. Naglalakad, gumalaw, pero bakante ang mga mata.
Napagpasyahan kong tumayo at mag ayos na. Naglakad ako papunta sa banyo at binuksan ito. Hindi ko pa ring maiwasang mamangha dahil may bathtub, tapos napakalinis pa ng loob, parang hindi pinapabayaan. Well, ang bahay lang mismo ang pinabayaan.
Naligo ako at nagbihis. This time, sinuot ko ay sando at short short lang, as in four to five inches lang ang haba. Nakakapagtaka at bakit gumagawa pa sila ng ganito kaikling damit. Kulang ba sa tela, o ano?
Lumabas ako sa pinto. Okay, to be clear. Maayos naman ang pinto hanggang sa loob ng kuwarto. It's just that, pagdating sa sahig, pababa sa sala, napakarumi na. And to be honest, pati couch sa sala marumi. Hindi ko alam kung immune ba sa ganon sila Carmela at nagawa nilang humilata't umupo roon, o ano. Pero hindi naman tulad ng mga hagdan rito na punong puno ng sapot ng gagamba, mas maayos ng kaunti yung couches.
At tulad ng sinabi kong puro sapot nga-binuksan ko ang pinto ng aking kwarto ng may takip sa mukha, iyong panyo na malaki, ginawa ko itong ganon sa ninja. Para naman hindi ako mabahing.
Dahil ang Oplan: Make Over ay magsisimula na.
These things aren't new to me. Of course, pinahirapan na ako, hindi ba? Mas matindi pa nga ang naranasan ko dahil iyon, may kasamang sakit samantalang ito'y halos ituring pa nila akong prinsesa-ng walang kinakausap at nagsisilbi syempre.
Pero talagang nakapagtataka kung bakit laging wala sila Carmela. Pero ang talagang nakakapagtaka ay kung bakit hindi lumalabas ang Hari sa kuwarto niya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Slave ✓
VampireTAGLISH | PRIMOGENITOR SERIES #1 A Vampire/Fantasy Story [R18+] ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ ❝I owe him my life. He saved me from hell, so I must return the favor, and that is to serve him, until I die.❞ ...