Pwede po bang mag inline comments po kayo kung sakaling may mabasa kayong mali/typo? Thanks
-
Pagpasok namin sa loob ay medyo namangha ako dahil... okay, mas maayos rito kaysa sa labas. At rito kasi, malinis. Hindi tulad sa labas na kalat kalat ang mga tuyong dahon, maraming kalat at iba pa.
Tsaka ko lamang napansin na may mga katulong rito. Lima. Kumunot ang noo sa aking naisip.
May mga katulong naman pala, pero bakit hindi nila malinis ang labas?
Ngunit pinagsawalang bahala ko ito. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang kanilang mga mata― tulad ng mata ng mga nagbabantay― blangko at walang emosyon. Muling nagbalik ang aking alaala mula sa mga taong nagpapahirap sa akin kani-kanina lang. Nanumbalik ang takot sa aking puso.
"Accompany her to her room, Dalia." Nalipat ang atensyon ko sa nagsalita. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako kapag naririnig ko ang malamig at malalim nitong boses.
"Yes Master," Dalia bowed her head. Nakakapagtaka, pag kaharap ang mga ito ay ang gagalang nila, well, kahit naman nakatalikod ito. Kitang kita ang kanilang respeto sa kanilang hari.
Hinanap ko siya kung nasaan ngunit wala ito sa sofa. Kumunot muli ang noo ko sa kaguluhan. Dito ko kasi narinig ang boses niya.
Tsaka ko narinig ang pagbukas ng pinto mula sa itaas, third floor. Malakas ang pagkakatunog 'non, parang kahoy na napakatagal ng binuksan kaya gayon na lamang ang tunog. Mabilis akong pumihit paharap rito sa pag aakalang siya ito at hindi naman ako nagkamali, nakita ko siyang pumasok sa isang kwarto at mabilis na isinara ang pintuan niyo.
Tsaka ako nakarinig ng sunod sunod na buntong hininga mula rito sa kasama ko.
"Wooh! Akala ko pati tayo'y papagalitan! Si Wilhelmina kasi eh!" Pabagsak na naupo si Carmela sa couch at itinaas ang paa rito. Tinakpan niya ang kanyang mata gamit ang kanyang braso at huminga ng malalim.
Maingat akong pinaupo ni Wilhelmina sa isang upuan bago sinipa si Carmela sa tuhod. Napaaray ang dalaga. "Magreklamo ka kung may ginawa ka," Tsaka ito inirapan.
First time ko silang makita na ganito. Bakit kung wala ang hari tsaka lamang sila ganito? Are they scared of King?
Mabilis na inalis ni Carmela ang kanyang kamay sa braso at tumayo―na parang naghahanap ng away at lumapit kay Wilhelmina. "Ako ang may ginawa! Eh ikaw, muntik ka ng pumalpak!"
"Anong muntik? Sakto lang ang dating ko. Baka ikaw ang nalate?" Tsaka ito ngumisi―ang ngisi na nakita ko kanina noong nasa kulungan pa ako.
Sandali, ano ba ang pinag aawayan nila? I mean, bakit sila nag aaway?
Maya maya ay lumapit sa akin si Dalia at bumulong.
"'Wag kang mag alala, ganyan talaga 'yung dalawang 'yan kapag wala na si Boss. Mortal enemies 'yan. Tara sa kuwarto mo? Para makapagpahinga ka na." Gusto ko sanang tumanggi para pigilan sila Wilhelmina ngunit ng mapagawi ang tingin ko kay Cornelia at masama ang tingin nito sa akin na parang sinasabi na― Sumunod ka nalang ―kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod rito.
***
"Hubad."
Umiling ako at niyakap ng mas mahigpit ang roba na nakatakip sa aking katawan. Umirap si Wilhelmina, bago naglakad papalapit sa akin habang ako naman ay umatras ng umatras.
"Kaya ko naman na kasi―"
"Abot mo ba 'yung buong likod mo?" Umiling lamang ako bilang sagot. "Edi hindi mo nga kaya,"
BINABASA MO ANG
The Vampire's Slave ✓
VampireTAGLISH | PRIMOGENITOR SERIES #1 A Vampire/Fantasy Story [R18+] ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ ❝I owe him my life. He saved me from hell, so I must return the favor, and that is to serve him, until I die.❞ ...