Slave #9: Sick

30.9K 1.2K 122
                                    

Pwede po bang mag inline comments po kayo kung sakaling may mabasa kayong mali/typo? Thanks

--


Kinabukasan, pagkagising ko ay ramdam ko ang pananakit ng aking katawan. Feeling ko'y tumakbo ako ng ilang milya dahil sa pananakit ng mga muscles ko sa buong katawan, at ang ulo ko'y napakabigat na animo'y may batong nakalagay sa loob.


Umungol ako ng sinubukan kong tumayo ngunit mas sumakit lamang ang aking katawan. Ano bang ginawa ko kagabi? Naligo lang naman kami sa ulan ni Hyde-


Napadilat ako at napatingin sa kisame. This isn't my room.


Tinignan ko ang aking damit ngunit nanlaki ang mata ko ng isang malaking t-shirt na lang ang nakasuot sa akin, at kitang kita ang legs ko dahil sa ikli nito. Tsaka ko lamang pinakiramdaman ang paligid.


Sa aking harapan ay may malaking TV na animo'y parang sa sine, sa gilid ay kung saan may study table at sa gitna ay may mga sofa na animo'y doon ang tanggapan ng bisita. Nang mapatingin ako sa gilid ay nakita kong ang malaki at mahabang glass wall ay natatakpan ng makapal na kurtina na dahilan upang hindi pumasok ang sinag ng araw sa loob.


Pinakiramdaman ko ang kutsong aking hinihigaan. Malambot, at masarap sa pakiramdam, at pamilyar ang amoy na nasa buong kapaligiran. Kaamoy ni Hyde-


Nanlaki ang mata ko. Walang damit maliban sa malaking tshirt, masakit ang katawan, at nasa ibang kwarto.


Mabilis akong napaupo sa kama, bago ko pa man maramdaman ang biglaang pagkahilo at ang pagsakit ng buong katawan ko ngunit nilabanan ko iyon.


Syeeeeet! May nangyari ba? Bakit wala akong matandaan? Ang natatandaan ko lang ay naglalakad kami ni Hyde papunta sa mansion tapos wala na! Hindi ko na matandaan ang susunod! Naisuko ko na ba ang pagkabirhen ko? Oh no! Paano iyon mabawi? Help!


At 'diba, sabi nila. Kapag may nangyari 'raw sainyo, dapat masakit yung ano mo? Yung ano. Basta!


Pinakiramdaman ko ang aking sarili, lalo na sa pagitan ng aking hita ngunit wala akong maramdamang sakit doon, tanging ang mga muscles lang talaga. Pero bakit nakahubad ako, 'diba? Imposible namang-


"Don't think about naughty things, you need to eat."


Mabilis akong napalingon sa malaking pintuan ng marinig ko ang taong nagsalita mula roon ngunit hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi dahil sa lalim ng aking iniisip. At mula doon, pumasok si Hyde na topless, nakalandakan ang matipuno nitong katawan na sadyang nakakaakit, at medyo nakababa ang pantalon na dahilan upang makita ko ang V line nito.


Mabilis akong napaiwas ng tingin. Ano ba, Zane! Harap harapang pagnasaan ba?


Ngunit mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya ng maalala ko ang hawak nitong tray. At tama nga ako, pagkain at gatas na may prutas. Sosyal! Kakain na yata siya, dapat na 'kong umalis. Nakitulog na nga ako, ang kapal ko naman kung makikikain pa ako.

The Vampire's Slave ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon