Mahirap magpigil pero kaya mo bang pigilin kung alam mong mayroong naninirahan doon?
--
Ang kwentong ito ay hango sa totoong nangyari kay Dandelle Georgina sa taong 2016 sa kanyang opisina.
Abo't langit ang ngiti ni Patrish ng malaman niyang mayroon siyang VTO (Voluntary Time Out). Makakapagpahinga siya sa kanyang ginagawa, queuing kasi ngayon araw kaya ganoon na lamang ang pagod na nararamdaman niya. Masarap ng naka-log in ka pero iba pa rin kung bibigyan ka ng VTO ng iyong supervisor.
Napabuntong-hininga si Patrish dahil sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya. Tumayo siya sa kanyang working station at nag-inat pa ng kanyang buto at saka dumiretso sa labas ng production floor. Pumunta siya diretso sa kanyang locker upang kumuha ng pamalit na damit dahil kanina pa siya namamasa sa pawis kahit aircondition naman ang lugar.
Pumili na lamang siya ng isang kulay asul na damit at saka dumiretso sa comfort room. Pagbukas niya ng pinto ay kapun-puna na mag-isa na lamang siya doon. Sobrang tahimik ng lugar.
Nagkibit-balikat na lamang si Patrish at saka dumiretso sa isa sa mga cubicle roon. Habang nagpapalit ng damit ay naramdaman niyang biglang may nag-flush ng inidoro sa kabilang cubicle.
Napakunot naman ang kanyang noo. Alam niyang siya lamang ang mag-isa roon dahil kanina pa siya walang presensya nararamdaman. Inayos na lamang niya ang kanyang sarili at upang makaalis na sa banyo.
Nagsitaasan ang mga balahibo niya ng mayroon ulit nag-flush ng banyo sa katapat naman niyang cubicle. Kahit natatakot na ay pinilit pa rin niyang umalis. Nang makaalis sa cubicle ay palabas na siya ng may narinig siyang isang sitsit. Napalingon naman siya at ganoon na lamang ang laki ng mata niya ng kapansin pansin ang isang batang naaagnas ang nakadungaw kabilang cubicle na pinagpalitan niya ng damit.
Sa sobrang takot ay dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng comfort room para makaalis na doon pero lalo siyang nataranta ng hindi ito mabukas. Rinig na rinig niya ang tawa ng bata kaya nagbuntong hininga siya at hinarap ang bata at tinitigan ito sa mata.
Tawa pa rin ito ng tawa na parang walang pakialam sa buhay. Kumunot ang kanyang noo at hinampas niya ang kanyang kamay sa pintuan at napatigil ang batang multo sa kakatawa. Tinignan niya ito ng masama at hindi mo mawari ay humuko ito sa kanya. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya pero wala siyang pakialam basta masa lamang ang tingin niya rito.
Tumingin muli ang bata at saka ito na ang nagbukas ng pintoan sa kanya. Paalis na siya ng marinig niya ang kataga ng bata hindi niya pinansin ito pero ganoon na lamang ang kaba ng dibdib niya.
Dahil ang sabi lamang ng bata ay:
"Multo na nga ako pero natakot pa ako sa prinsesa ng aswang."
BINABASA MO ANG
One-Shot Horror Story
HorrorAng mga storyang ito ay hango sa totoong nangyari sa mga kaibigan, kapamilya ng manunulat na si Dandelle Georgina at pati na rin base sa kanyang tunay na naranasan. Cover by: Addrianna Yzaline St. Claire