8th Floor (Sleeping Quarters)

192 5 0
                                    

Kung sa palabag na iyon maraming kagimbal gimbal na nangyari. Handa ka bang manatili sa palapag na iyon?

--

Ayaw na ma-le-late si Lynne sa trabaho kaya napagpapasyahan niyang 7 o'clock ng gabi siya umalis ng Cavite at dumiretso sa kanyang opisina kahit 12 o'clock ng madaling araw ang kanyang pasok.

Dahil 9 o'clock pa lang ng gabi at maaga siya nakarating sa opisina ay dumiretso na siya sa 8th floor kung saan mayroong sleeping quarters. Mayroon namang sleeping quarters sa palapag ng kanyang working area pero laging puno iyon ng tao at tanging 8th lang ang laging bakante.

Pagkapasok niya sa loob ng sleeping quarters ay nakita niyang iilan lang ang tatutulog doon.

Humiga siya sa isa sa mga double deck na higaan at hinintay na makatulog.

Alam ni Lynne na nanaginip siya dahil nasaharapan niya lamang ang kanyang crush na si Dingdong Dantes at sinasabing hihiwalayan raw nito si Marian para sa kanya.

Sobrang ganda ng kanyang panaginip ng biglang may babaeng sumakal sa kanya. Babaeng ang panget ng mukha, babaeng may galit sa mundo.

Ang magandang panaginip ay naging bangungot. Pinipilit ni Lynne na makawala sa babaeng sumasakal sa kanya hanggang sa biglang may humatak sa kanya na montikang mahulog na siya sa kama.

"Anong nangyayari sayo?" Nagtatanong na sabi ng kaibigang si Frances.
"May sumasakal sa akin." Sabi niya at pilit na pinapakalma ang sarili. Hanggang ngayon kinakapos pa rin siya ng hininga at ramdam niyang parang totoong nangyari.
"Binabangungot ka. Lika na nga, 11 o'clock na. Magseset up ka pa." Pagbibigay alam ni Frances sa kanya. Nauna siyang umalis at kasabay noon ang paglingon ni Frances sa higaang hinigan ng kaibigan at kitang kita roon ang babaeng nakaupo sa may paanan. Itim ang damit nito, pangit ang mukha at gustong kunin lahat ng humihiga doon.

Napailing si Frances at kasabay noon ang pagpigtas niya sa kwintas na nasa leeg niya at hinagis sa kama. Paglapag na paglapag ng kwintas ay bumukas lahat ng ilaw at kitang-kita ang bakanteng lugar kung saan naroon si Lynne kanina lamang ngunit isang bagay lamang ang nandoon kung hindi isang crus.

Crus na pinigtas ni Frances sa kanyang leeg.

--

Itong story na ito ay kwento ng kaibigan ko sa opisina na laging natutulog sa 8th floor ng sleeping quarters. Basta maraming kagimbal-gimbal ang nangyari sa 8th floor kaya abangan.

One-Shot Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon