May pupuntahan ka pero sa iba ka napunta, handa ka bang maligaw?
--
Ang kwentong ito ay kinuwento ng Ina ni Dandelle Georgina sa kanya noong Disyembre 5, 2015 habang kumakain sila ng umagahan.
Nag-aabang ng masasakyan si Clarisa sa sakayan ng jeep ngunit mag-iisang oras na siya at wala pa rin siyang masakyan na jeep. Nang may dumaan na sasakyan ay pinapara niya iyon.
"Ate service po ito." Sabi ng babae habang nag-aabot ng pera sa katabi niya.
"Pero pwede pong pasakay? Sa Cubao lang po ako." Sabi ni Clarisa.
"Basta kanya-kanya ang bayad." Mataray na sabi ng isa pang babae. Sumakay na siya rito at nagbayad.Mahabang biyahe ito.
Iyon ang naisip niya. Totoo naman sobrang layo ng Cubao mula sa pinanggalingan niya. Halos mahigit isang oras na biyahe.
Alam na alam niya ang kanilang dinadaanan dahil madalas naman na siyang napupunta ng Cubao, simula bata pa lang ang panganay niya. Napalingon siya bigla sa bintana at nagtaka.
Kanina nasa Anonas lang kami, a!
Dahil alam niyang lagpas na siya sa Cubao ay bumababa niya ng sasakyan. Gayun din naman ang kanyang mga nakasabay.
Habang naglalakad siya ay nagtataka siya't nawala na ang kanyang mga kasama. Kibit-balikat na lamang niya ito, marahil ay pununta na sa patutunguhan nila.
Patuloy lang siya sa paglalakad at umaasang may makikitang makakatulong sa kanya. Hindi naman siya nabigo dahil may nakasalubong siyang dalawang batang lalaki na naglalakad papunta sa direksyon niya.
Magkaakbay ang dalawang batang lalaki habang tahimik na naglalakad. Sa isip-isip ni Clarisa ay magkaibigan ang dalawa. Nang magtapat silang tatlo ay nagtanong si Clarisa.
"Toy, alam niyo ba kung saan papuntang Cubao?" Inabangan ni Clarisa ang sagot ng magkaibigan ngunit isang ngising maala demonyo ang natanggap niya. Tinignan naman niya ang kasama nito subalit nakayuko lamang ito at hindi siya pinansin.
Nagtatakang nagpatuloy si Clarisa sa paglalakad. Umiling siya upang makalimutan ang ngisi ng bata. Habang palinga-linga siya ay may natagpuan siyang isang matabang lalaki na nag-iihaw ng kung ano kaya't nilapitan niya ito at napasinghap siya ng mapadako ang mata niya sa iniihaw. Halos bumaliktan ang kanyang sikmura sa nakita.
Bakit niya iniihaw ang mga sanggol?
Tatlong sanggol ang nakita niya. Isa ay nakababad, ang isa ay ihaw na at yung isa niihaw pa lang.
Napaatras si Clarisa ng tumingin ang matabang lalaki sa kanya at tulad ng bata kanina ay ngumisi ito ng maala-demonyo.
"Gusto mo ba ng pagkain?" Sabi ng lalaki at inalok siya ng ihaw na sanggol.
"H-h-hindi ho. Salamat na lang." Tugon niya at nagmadaling naglakad paalis sa lugar.Nagmadali si Clarisa at natataranta na siya na may halong takot.
Bakit ganito yung lugar na 'to?
Puno na ng takot ang kanyang nararamdaman. Nais lamang niyang pumunta ng Cubao subalit dito siya pinadpad. Natatakot na nagpatuloy siya sa paglalakad. Kahit na anong alintana ang gawin niya upang hindi maisip ang nakita ngunit pilit bumabalik sa kanyang isipan.
May nakita ulit siyang tao na nagtitibag naman ng isang bahay.
Sana naman matino na itong makikita ko at matino na sana itong pagtatanungan ko.
Iyon kaagad ang naisip niya ng makita ang lalaking nagtitibag at tulad na lang kanina ay napalibutan ng takot ang kanyang katawan. Isang higanteng lalaki lang naman ang nakita niya. Sa natibag na parte ng bubong naroon ang ulo, sa gitnang bahagi naroon ang katawan at sa ibaba naroon ang paa, binti, braso at kamay ng lalaki higante.
Paalis na sana siya ng mahagip niya ang batang lalaki na kanina niya nakita. Wala na ang kasama niyang isa pang bata pero marami siyang kasamang tao na tila nakapila sa kanyang likuran.
Tumigil ang lahat halos sampung metro ang layo sa higante ngunit ang batang lalaki ay patuloy lamang hanggang sa nasatapat na siya ng higante. Ang lalaking nagtibag ng bahay ay tila may inabot sa batang lalaki na nagiging hudyat ng pagkakabiyak ng tiyan ng higante. Marahil ay matalim na bagay iyon.
Hindi alam ni Clarisa kung bakit tila ay napako siya sa kanyang kinatatayuan gayung natatakot na siya. Huminga siya ng napakalalim at saka napakagat-labi siya sa ginawa ng bata. Dumukot ito ng laman sa loob ng higante at sariw nitong sinubo sa kanyang bibig. Napadako naman ng tingin ang batang lalaki kay Clarisa habang tumutulo ang dugo sa kanyang bibig.
"Maligayang pagdating sa -"
Biglang naalimpungatan si Clarisa ng maramdaman niyang umalis sa tabi niya ang kanyang bunsong anak. Nakita naman niya ang panganay niyang titig na titig sa kanya.
"Ayos ka lang, Ma?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango naman si Clarisa at bumangon na.
Habang naghahain si Clarisa ay titig na titig ang kanyang anak na panganay. Hindi ito nakatiis kaya nagtanong ito ulit ng kumakain na sila ng almusal. Ngumiti naman si Clarisa at sinabi na niya ang panaginip niya.
Nakikita niya ang takot sa mga mata ng kanyang panganay at laking pasasalamat niya na hindi kaharap ang bunso nila.
"Ma, anong na alimpungatan ka nung umalis si Chase. E, halos thirty minutes ng gising si Chase bago ka nagising."
"'Wag mo akong mabiro Claire. Naramdaman kong bumangon kapatid mo." Pagbabanta niya sa kanyang anak.
"Ma, seryoso. E, hinawakan pa nga kita kasi parang may lagnat ka. E, wala pala." Paliwanag ng anak niya tapos ay sumubo ng pagkain. "Pero base sa kwento mo, Ma. Hindi kaya't napadpad yung kaluluwa mo sa imperyno. Di ba kwento mo dati, si San Pedro na kausap mo at ang sabi bumaba ka 'di mo pa oras so technically langit yun baka ngayon impiyerno."
BINABASA MO ANG
One-Shot Horror Story
TerrorAng mga storyang ito ay hango sa totoong nangyari sa mga kaibigan, kapamilya ng manunulat na si Dandelle Georgina at pati na rin base sa kanyang tunay na naranasan. Cover by: Addrianna Yzaline St. Claire