Sasagutin mo ba?
--
Ang kwentong ito ay kinuwento ng tiyahin ng manunulat na si Dandelle Georgina sa kanya. Ito'y nangyari sa taong 2004 sa libing ng pinsan ni Dandelle Georgina.
Sa araw na iyon ay ang pangalawang gabi ng burol ni Andrew na pinsan ni Taylor. Maraming tao at abala ang lahat ng kamag-anak ni Andrew na kausapin ang mga kaibigan ng yumao nilang kamag-anak. Si Teresa ay malapit ng maubos ang kanyang baterya sa telepono at kailangan niya itong i-charge dahil wala pa sa burol ang kanyang panganay na anak.
"May saksakan pa ba diyan?" Tanong ni Teresa kay Taylor na kasagsagang nasa loob ng kwarto at nakahiga dahil hinanghina ito sa pagsisigaw sa lalaking kahapon. Hindi pa rin mawari ni Teresa kung bakit ito nagsisigaw gayon naman ay nakikiramay lamang sa kanila ang lalaking iyon.
"Puno na po saksakan Tita Tere!" Sabi ni Adrianne. Ang nakakabatang kapatid na babae ni Andrew.
"Ganun ba?" Sabi ni Teresa na palabas nasa ng kwarto.
"May alam akong saksakan." Sabi bigla ni Taylor na tumayo sa kinahihigan na sofa. Namumutla pa ito at halatang nanghihina pa.
"Saan?" Tanong ni Teresa. Hindi na lamang niya pinansin ang pagkaputla ng kanyang pamangkin dahil mas kailangan niyang makapag-charge ng cellphone.
"Doon." Sabi ni Taylor habang tinuturo niya ang ilalim ng kabaong ng kanyang pinsan. Nilingon ni Teresa si Taylor at nakita niya itong humiga ulit sa sofa. Napatingin naman siya kay Adrianne at nagkibit balikat na lamang ito.
Marami kasing nagsasabi na weird itong si Taylor katulad raw ito ng kanyang Ina. Kaya si Taylor ay isang outcast sa pamilya dahil sa taglay nitong kakayahan at pinoprotektahan naman siya ng kanyang Ina.
Pumunta na lamang si Teresa sa sinabi ng kanyang pamangkin at doon niya sinaksak ang kanyang cellphone. Wala na siyang choice dahil halos lahat ng saksakan ay puno na at kahit sa kwartong pinuntahan niya ay puno na rin ang saksakan.
Pinabayaan niya ang cellphone niyang nag-chacharge habang nakita niyang lumabas si Taylor sa kwarto at dire-diretsong lumabas ng silid. Sinundan naman si Taylor ng kanyang Ina. Napa-isip tuloy ulit si Teresa sa sinabi ni Taylor kahapon at napa-iling na lamang siya. Iniisip niyang baliw ang kanyang pamangkin at kailangan nito ng Psychiatrist.
Makalipas ng ilang oras ay pinuntahan ni Teresa ang kanyang cellphone upang tignan kung ito ay full charge na at pagtingin niya rito ay may sampung miss called sa kanya. Napaisip siya kung sino kaya ang tatawag sa kanya. Marahil ay anak niya wika nito sa isipan niya ngunit nagulat siya ng nakita niyang hindi numero ng kanyang anak ang nakarehistro sa caller ID kung hindi ay numero ng pamangkin niyang yumao. Napailing na lang siya dahil marahil ay niloko siya ng mga pamangkin niya dahil hawak-hawak nila ang cellphone ng yumaong pamangkin.
Paalis pa lamang si Teresa sa harapan ng kabaong ng pamangkin ng biglang tumunog ang cellphone niya at dali-dali niya itong sinagot upang hindi makapagkaila ang mga pamangkin niya. Nang pinakinggan niya ay ang paligid ng silid ang narinig niya. Hinanap niya ang sorce kung nasaan ang centro ng ingay at napag-alaman niya sa harapan ito kung saan wala doon ang mga pamangkin niya. Paglingon niya sa muli sa cellphone niya at dali-dali niyang pinatay ang tawag tapos biglang may nag-text sa kanya at numero pa rin ito ng yumao niyang pamangkin ngunit walang nakalagay na mensahe sa loob. Pinuntahan niya ang kwarto kung nasaan ang kapatid ni Andrew.
"Nasaan ang cellphone ng kuya mo?" Tanong nito kay Adrianne.
"Bakit po Tita?" Nagtatakang tanong ni Adrianne sa kanya.
"May nagtext at tumawag sa akin gamit ang number ng kuya mo." Sabi niya at pinakita niya ang mga missed called at text sa kanya. Nagulat naman si Adrianne at nagmamadali siyang pumunta sa may bag niya at may hinahalungkat. Nang nakita niya ang hinahanap niya ay pinakita niya ito sa tiyahin.
"Tita, nasa bag ko naman po yung cellphone ni Kuya." Sabi ni Adrianne at doon na lamang siya kinilabutan sa nangyari. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Taylor na iba ang itsura ng mukha.
"Don't think Taylor is weird because she's not. She's powerful and she could tear you down." Sabi ni Taylor at nagulat si Teresa dahil hindi ito boses ng pamangkin niyang si Taylor bagkus ay boses ito ng pamangkin niyang si Andrew. Sinapian ni Andrew si Taylor upang ipamatid sa kanila na hindi ordinaryong tao si Taylor dahil siya lamang ang taong gustong gawing prinsesa.
BINABASA MO ANG
One-Shot Horror Story
HorrorAng mga storyang ito ay hango sa totoong nangyari sa mga kaibigan, kapamilya ng manunulat na si Dandelle Georgina at pati na rin base sa kanyang tunay na naranasan. Cover by: Addrianna Yzaline St. Claire