Siguraduhin mo muna ang iyong tatalisuding tao bago mo ito isagawa.
----
Ang storyang itong ay naganap noong bata pa lamang ang aking ina. Pangalanan natin ang aking ina na si Rosario. Si Rosario ay may kapatid pang dalawa. Siya ang bunso sa kanilang tatlo at parehas na lalaki ang nauna sa kanya.
Pitong taong gulang si Rosario at ang kaniyang kapatid na si Rolando ay siyam na taong gulang habang si Roberto ay sampung taong gulang noong nangyari ang nakakagimbal na pangyayaring ito. Ang taon ito na nangyari ay sa taong 1960.
Noong gabing iyon, mga ikaw-pito ng gabi. Inutusan ng ina ni Rosario na bumili sila nang kanilang makakain. Dali-dali nilang kinuha ang kanilang mga dadalhin. Dahil mga bata pa lamang sila noon ay sumasagi sa isipan nila na maglaro lagi. Lagi nilang bitbit ang isang patpat at ang kalderong paglalagyan ng kanilang ulam na bibilhin. Ang kaldero ay nakasuot sa patpat at hawak ng dalawang kapatid ni Rosario ang magkabilang dulo ng patpat. Habang si Rosario ay nakatabi lamang sa kanyang mga kapatid.
Para silang tatlong maliliit na baboy na magkakasama at hindi mapaghiwalay. Habang papunta sila sa kanilang pagbibilhan ng ulam ay inuuga ng magkapatid na Rolando at Roberto ang patpat upang gumalaw ang kaldero na nasa pagitan nila na nakasuot sa patpat. Habang naglalakad sila ay pakanta-kanta pa sila ng mga awiting noong panahong iyon at nang makarating sila sa kanilang pagbibilhan ay dali-dali silang bumili ng kanilang uulamin.
Habang pauwi sila ay mabagal na silang maglakad dahil sa kalderong puno ng kanilang ulam. Ang kaldero ay nakasuot pa rin sa patpat at hawak pa rin ni Roberto at Rolando ang magkabilang dulo ng patpat habang si Rosario ay nakatabi kay Roberto.
Habang sila ay naglalakad sa lugar na madilim dahil hindi pa uso ang mga poste na may ilaw na magbibigay liwanag sa daan at ang tanging nagbibigay ilaw lamang sa daan ay ang mga ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan kaya hindi masyado nilang nakikita ang daan. Ngunit dahil mga bata pa lamang sila kaya matatalas pa ang kanilang mga mata.
Nag-uusap silang tatlo kung anong kalokohan ang maaari nilang gawin kinabukasan sa kanilang mga kalaro. Oo, tama kayo ng pagkakabasa. Mahilig magbiro o gumawa ng kalokohan ang tatlong batang ito.
“Manguha na lang tayo ng uuod sa mga halaman at saka ilagay sa loob ng katawan nila.” Sabi ni Rolando.
“Kuya wag niyong idamay ang mga halaman ko.” Sabi naman ni Rosario. Mahilig kasi sa mga halaman si Rosario at lahat ng halaman nila sa kanilang bahay ay siya ang nagaalaga.
“Hindi naman sinabi ni Rolando na sa halaman mo kami kukuha. Sa halaman na lang ni Aling Yolanda kasi namumutiktik sa uod ang halaman niya.” Sabi naman ni Roberto at sumangayon ang dalawa.
Napalingon naman si Rosario sa kanilang likuran na may nakita siyang babaeng nakaputi na naglalakad. Sa tingin ni Rosario ito ay dalaga na dahil sa tindig pa lamang ng babae. Pinagmasdan ni Rosario ang dalaga at napansin niya ang kulay pala ng damit ng dalaga ay kupas na kulay puti at mahaba ang buhok nito at dahil siya lang ang walang ginagawa sa kanilang paglalakad pauwi sinabi niya sa dalawa ang tungkol sa dalaga. Napangiwi si Rolando at napatingin kay Roberto at tumango sila sa isa’t-isa. Ito ang laging ginagawa nila tuwing may nakakasalamuha sila sa daan. Si Rosario ang tagasabi kung may tao sa kanilang likuran at ang dalawa na ang gagawa ng kalokohan.
Ginawa ni Rolando at Roberto ay ibinababa ang hawak nilang patpat at lumuhod sa lupa na parang may problema sa kanilang paa habang si Rosario ay nakatao lamang at naghihintay. Inaabangan nila ang dalaga na makadaan para matalisod ito dito dahil nga madilim ang lugar at sinisigurado nilang hindi makikita ng dalaga ang patpat na nakaangat ng kaunti dahil sa kalderong nasa ilalim nito. Hindi nila mawari ang kanilang pagpigil ng tawa dahil nararamdaman na nila na malapit na ang dalaga ngunit ang tawang pinipigilan nila ay biglang naglaho nang napansin nilang hindi nagtalisod ang dalaga bagkus ito ay naglalakad pa rin. Napatingin naman si Roberto sa paanan ng dalaga at nakita niyang nakalutang ang mga paa nito. Sabay-sabay silang napatingin sa dalaga at nakita nilang nakatingin ang dalaga sa kanila na may ngisi sa kanyang mga labi.
Dahil sa kaba at takot ay dali-dali silang tumakbo kasama ang kadero at patpat na ngayong magkahiwalay nilang tinatakbo at paglingon ni Rosario ang dalagang kanilang balak patirin ay ang kanilang panganay na kapatid na namatay dahil bumagok ang ulo dahil sa kalampahan.
BINABASA MO ANG
One-Shot Horror Story
HorrorAng mga storyang ito ay hango sa totoong nangyari sa mga kaibigan, kapamilya ng manunulat na si Dandelle Georgina at pati na rin base sa kanyang tunay na naranasan. Cover by: Addrianna Yzaline St. Claire