Panaginip

1K 17 4
                                    

Gusto mo pa bang managinip kung ito naman ang iyong mapapanaginipan?

--

Ang storyang ito ay naganap sa dalawang pangyayari. Ang unang pangyayari ay noong 1984 na ang kilala nating manunulat na si Dandelle Georgina ay hindi pa nabubuhay at ang ikalawang pangyayari ay noong 2004 at ang manunulat na si Dandelle Georgina ay nasa ika-anim na baitang sa elementary. Itong kwentong ito ay naikwento ng kanyang ina sa kanya.

Ang unang pangyayari ay nagsimula noong ang ama ni Katarina ay nasabingit na ng kamatayan. Ito ay sa kadahilanang inatake sa puso at siya ay comatose. Si Katarina ay normal na tao lamang o sa tingin lamang niya.

Isang gabi, tahimik ang paligid at natutulog si Katarina sa kanilang papag. Alam niyang natutulog siya ngunit siya ay nanaginip. Sa tingin niya ito ay isang normal na panaginip ngunit nagkamali siya dahil sa panaginip niya siya ay nakasakay sa sasakyan ng kanyang ama at ito ay nagmamaneho. Tinatawag siya ng kanyang ama ngunit hindi siya pinapansin nito.

Pilit niyang hawakan ang kanyang ama pero napuna niya ang isang itim ng tao na nasa likuran ng kanyang ama. Kinausap niya ito kung sino itong taong ito pero hindi siya pinapansin. Pinilit niyang tanungin din ang kanyang ama pero ni kahit ang kanyang ama ay hindi siya pinapansin.

Kinulit ng kinulit ni Katarina ang lalaking nasa likuran at ng lumingon ito, nagsitaasan ang kanyang mga balahibo sa katawan at natahimik.

"Tumahimik ka." Sabi ng lalaking nasa likuran ng ama ni Katarina. Lalong nasitaasan ang kanyang balahibo sa pagsalita sa kanya ng lalaki. Malalim at matalim ang pananalita nito. Hindi niya mawari kung saan niya ito narinig ngunit alam niyang narinig na niya ito.

"Sino ka?" Tanong niya ng mahina. Tinignan muli siya ng lalaki saka nagsalita.

"Ako? Kilala mo na ako, ilang beses mo na akong nakaharap pero lagi kang pinapabalik."

"Ikaw si –"

"Ako nga si kamatayan at oras na ng iyong ama."

"Wag!" sigaw ni Katarina ngunit ngumiti lamang ito at tumango.

"Pagbibigyan kita pero kailangang mangyari ang dapat mangyari." Sabi ni kamatayan at biglang naalimpungatan si Katarina na basang basa sa pawis.

Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig upang mahimasmasan siya ng biglang may narinig siyang sigaw ng kanyang ina at sinabing naaksidente ang kanyang ama.

Pagkarating niya roon sa ospital kitang kita niya ang kanyang ama na nakaratay sa kama ng ospital na may kung anu-anong aparato na nakakabit dito. Biglang kinilabutan si Katarina at naalala ang sinabi ni kamatayan. Pabibigay raw siya nitong hindi mamatay ang kanyang ama pero kailan raw mangyari ang dapat mangyari. Ibig sabihin kaya ba ni kamatayan dito ay hindi sa araw na ito mamamatay ang kanyang ama subalit ito ay paghahanda sa kanila upang sa nalalapit na kamatayan?

Hindi nga nagkamali si Katarina dahil makalipas ang apat na buwan binawian ng buhay ang kanyang ama.

Ang pangalang pangyayari ay naganap noong nagbabakasyon si Katarina kasama ng kanyang mga pamilya. May sarili na siyang pamilya nitong panahong ito.

Nanaginip ulit siya sa tahimik na gabi, na ang kanyang pamangkin ay nalulunod at si kamatayan ay nasa ibabaw ng tubig upang sunduin ang kanyang pamangkin. Gusto man niyang pigilang ngunit bigla siyang nagising. Hindi siya pinayagang pigilan muli siya ng kamatayan.

Nagulat na lang siya ng nagsisigaw ang kanyang anak na babae at binibigkas nito ang pangalan ng pamangkin niyang napanaginipan. Pilit niyang ginising ang kanyang anak ng magising ito umiiyak ito ng sobra dahil sobrang malapit ang kanyang anak sa pamangkin niya. Nakakatandang kapatid na nga ang turing nito sa kanya.

Nang mahimasmasan ang kanyang anak sa pag-iyak ay isinalaysay ng kanyang anak ang pangyayaring nakita niya sa panaginip at ang nakakatandang pinsan nito nga ang napanaginipan at mukhang itong nalulunod. Kinabahan kaagad si Katarina at tinawagan ang kanyang kapatid upang ikwento ang kanilang napanaginipan ngunit nauhan sila nito at sinabing nalunod ang kanyang pamangkin.

Hindi mawari ni Katarina ang kanyang gagawin dahil sa nangyari subalit wala ng magagawa sila.

Sa araw ng burol ng kanyang pamangkin tahimik ang lahat na nakikilamay dito subalit isang alingaw-ngaw ang bumalot sa buong lugar ng narinig niyang nagsisisgaw ang kanyang anak sa isang lalaki at pinaghahampas ito.

"Ikaw ang naglunod sa kuya ko!" sigaw ng anak ni Katarina habang umiiyak. Walang kibo naman ang lalaki sa paghampas sa kanya. Tumakbo si Katarina upang pigilin ang kanyang anak ngunit ng hawakan na niya ang anak niya upang pigilan ito nagsalita ang lalaki.

"Dapat mangyari ang nakatakda pero may pipigil dapat pero hindi niya nagawa dahil nandoon ka aswang." Sabi ng lalaki habang nakatingin sa kanyang anak.

Tuluyang inialis ni Katarina ang kanyang anak sa lalaki dahil alam niya ang ibig sabihin nito. Nangyari iyon sa kanyang anak noong taong 1993 na ang kanyang anak ay isang prinsesa ng mga aswang at gusto siyang gawing reyna ng mga ito.

One-Shot Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon