Prinsesa

1.2K 14 0
                                        

Papayag ka bas a gusto nila. Ibibigay sa iyong anak ang lahat, kapangyarihan, katungkulan at kagandahan. Subalit ano ba ang gusto nila?

--

Nangyari ito sa panahon 1993. Ilang buwan pa lang matapos ipanganak ang manunulat na si Dandelle Georgina. Sa kwentong ito, isasalaysay ng isang ina kung paano siya bigyan ng kasunduan upang makuha ang kanyang anak.

Si Lory ay isang ina na nasa edad tatlongput-siyam na taong gulang at ito ang kauna-unahang anak niyang nabuhay ng ganito katagal dahil nagkaroon siya ang apat na nauna rito sa kanyang sinilang subalit ang tatlo ay nawala sa kanyang sinapupunan dahil siya ay nakunan at ang isa naman ay namatay noong apat na buwang taong gulang pa lamang ito.

Dahil sa ito ang una niyang anak na nasa ika-limang buwan ng buhay ay napagpasyahan niyang kumuha ng yaya. Matagal na niyang kilala si Nene at dahil na rin naging katulong na nila ito noon napagpasyahan niyang ipaubaya sa kanya ang kanyang anak.

Magsisimula ang kwento nang nagwawalis si Nene sa labas ng bahay ng kanyang amo. Natanaw niya mula sa malayo na may nakita siyang tao sa may puno ng niyog. Namukaan niya ito at balak na puntahan subalit ay biglang umiyak ang kanyang alagang sanggol. Kaya dali-dali niyang pinuntahan ito at pinatahanan. Naramdaman niyang nilalagnat ang sanggol kaya tinawag niya si Lory.

Ang bata ay masakitin marahil ay may kalusugan siya ng tulad sa mga naunang anak ng kanyang ina na namatay subalit siya siguro ang mas malakas dahil nakakayanan nito ang kanyang sakit. Dinala nila ang sanggol sa klinika at binigyan sila ng gamut upang gumaling ang bata.

Lumipas ang ilang araw at may sakit pa rin ang bata. Hindi na malaman ni Lory ang kanyang gagawin at balak ng tumawag ng albularyo. Palabas na sana siya sa kanilang bahay ng may nakita siyang isang lalaki na maliit na tumatakbo palabas ng kanilang bahay at nagulat siya ng matalon ang  isang napakataas na bakod nila. Napagtanto ni Lory na dapat niya na talagang tumawag ng albularyo.

Kinabukasan dumating ang albularyo at nagsindi ito ng napakabangong kandila subalit kay Nene ito'y napakabaho. Doon nila na pangalaman na may lahing aswang si Nene. Naikwento ni Nene ang sa kanilang lahi kailangan may isa sa magiging anak ng asawang ang magiging tao at isa ang lahi nila Nene ang naging tao pero nananalaytay pa rin ang dugong aswang nila.

Sinabihan sila ng albularyo na kailangan magpalibot sila ng walis tingting sa sanggol. Nang maghating gabi nagising si Lory sa isang kumakaluskos sa kanilang bubong na nakatapat eksakto sa kanilang kwarto kung nasaan ang sanggol subalit narinig din niyang parang may kumakaluskot sa dingding nila at sinilip niya ito at nakita niyang si Nene ay ang kumakaluskot. Mukhang nahihipnotismo siya ng kanyang kalahi.

Dahil sa galit ni Lory balak niyang labasin ang aswang ngunit pinigilang ng ina ni Lory siya pero hindi siya nagpapilig dito bagkus pinabantayan niya pa ang bata.

"Lumabas kayo! Mga walangya kayo! Huwag kayong manggulo dito!" sigaw ni Lory.

"Hindi namin nais ang gulo." Biglang sulpot ng isang lalaki na kasing matipuno ng kanyang asawa. "Gusto lang namin kunin ang dapat sa amin." Pagpapatuloy nito.

"Kung gusto niyong kunin si Nene ay pwede niyo siyang kunin dahil kamag-anak niyo naman siya."

"Hindi si Nene ang pakay namin. Ang pakay namin ang iyong supling." Sabi nito at laking gulat ni Nene.

"Hindi ko ibibigay ang anak ko. Papatayin niyo lang siya."

"Hindi iyon ang pakay namin sa kanya. Gusto namin siyang gawing prinsesa ng aming kaharian. Minahal siya ni Nene parang isang anak at minahal na rin siya ng Reyna."

"Hindi!"

"Bibigyan namin ang lahat ng hindi niyo kayang ibigay sa kanya. Kayamanan, kapangyarihan at kagandahan."


Natulala si Lory sa ibinigay na salita sa kanya ng aswang.

"Bibigyan ko kayo ng isang linggo pagkatapos nito ay magdesisyon na kayo."  Sabi ng asawang at lumisan na ito.

Natahimik ang kanilang lugar ng isang linggo at sa gabi ng ika-isang linggo nagpakita muli sa kanya ang aswang at sinabi ulit ang kanilang pakay sa sanggol. Kahit ganun hindi pa rin pumayag si Lory kaya napangiti ang asawang.

"Hindi kita mapipilit dahil ikaw ay isang ina. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo. Magkakaroon ang bata ng kagandahang tulad ng aming reyna subalit magkakaroon din siya ng kapangyarihan na hindi niyo inaasan. Makakaroon siya ng pangatlong mata na kakayahang makita ang mga ibang nilalang na nabubuhay sa lupang ito. Magkakaroon siya ng takot at lungkot dahil sa kakayahang ito."

"Maari bang tanggalin niyo na lang?" tanong ni Lory at umiling ang aswang.

"Hindi, dahil sa hindi kami ang may hawak nito kung hindi ang tadhana. Ibigay niyo ang lahat sa sanggol upang hindi siya matakot at malungkot sa kapangyarihang taglay niya. Pagsapit ng kanyang ika labing isang taon bubukas ang kanyang pangatlong mata na magiging hudyat ng kanyang pagkamulat sa lahat ng nangyayari sa paligid. Hindi sa ekonomiya niyo kung hidni sa mga tulad naming aswang, multo, enkanto at kung anu-ano pang nilalang nabubuhay maliban sa inyo. Matatakot siya at ikaw lamang ang maaaring magprotekta sa kanya laban sa mga ito dahil ikaw ang kanyang ina. Gawin mo ang lahat upang lumigaya siya bilang tao at sana hindi ka magsisi sa ikahahantungan ng iyong anak." Sabi ng asawang at muling lumisan.

Nagmadaling pumasok si Lory sa kanyang sanggol na mahimbing na natutulog. Pagdampi ng kanyang kamay sa ulo ng sanggol ay wala na itong lagnat. Pero ang kinagulat niya ang mga dugong nasa paligid ng ng kumot ng sanggol. Tinanggal niya ang kumot ng sanggol at nakita niya ang isang patay na pusa na hawak-hawak ng kanyang anak.

One-Shot Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon