Natalia's POV
"Thank you talaga baby girl di mo alam kung gaano mo ako pinasaya" Grabe yung marinig yung mga salitang yun sa bibig nya nakakakilig gosh! Plus magkaholding hands pa kami
"Ako nga di makapaniwala e. Ang daming naghahabol sayo pero ako pa rin yung napili mo" parang dati pinapangarap ko lang sya pero ngayon nasa tabi ko na sya at hawak-hawak ko pa
"Hahahaha! Parang dati nga ang tindi ng away natin pero tingnan mo ngayon tayo na" sabay pakita ng kamay naming nakaintertwine. Totoo lahat ng sinabi nya umabot sa punto na kinamuhian ko sya at nawala ang feelings ko sa kanya
*Ehem* nawala ako sa pagiisip ng may tumikhim sa tabi ko
"Congrats sa inyong dalawa! Pero pwedeng tama muna yan. Kain muna tayo gutom na alaga ko e" sino ba nagsabi nyan kundi ang magaling kong bestfriend na ngayon tumutunog na ang tyan.
"Hahahaha! Di naman halata! Sige iwan ko muna kayo punta lang ako kay Cleo. Take care baby girl" sabay kiss sa cheek ko. Ano ba yan kinikilig na ako ng sobra ah.
"Ingat ka din baby boy" I said while smiling at him.
"Grabe bess kinikilig ako sa ginawa nya kanina. Parang siya yung nababasa ko sa mga story grabe" Umiling na lang ako sa pinagsasabi ng bestfriend ko.
"Ay sorry nga pala bess natagalan ah! Paano ba naman pati tindera doon kinikilig sa inyo" ibig sabihin pati mga tindera nakakita nun. Idiot Natalia malamang may mata sila. I just chuckled on what I thought.
"Okay lang bess di ko naman napansin e" paano ba naman puro kalandian nasa isip ko
Steven's POV
Fuck sobrang saya ko. Sa sobrang saya ko nagtatatalon ako habang naglalakad. Kailangan kong makita si Cleo at mabalita ito. At nakita ko na sya sa dulo ng library nagbabasa.
Cleo's POV
Okay na ulit kami ni Wendy hindi ganoon tulad ng dati pero alam kong mababalik rin yun. Ang totoo nyan may date kami bukas tutal friday na rin naman.
Kasalukuyang nandito ako sa dulo ng library nagbabasa, ito na talaga ang nakagawian ko pagayaw ko ng maingay at gusto kong mapagisa. Pero sinarado ko ung librong binabasa ko ng nakita kong papunta si Steven dito sa kinauupuan ko.
"Bro nababakla ka ba?" Paano ba naman kasi tumatalon siya habang naglalakad papunta sa akin
"Bro, good news sinagot na ako ni Natalie" sabi nya ng nakangiti take note yung ngiting aabot sa tenga nya
"Kaya naman pala para kang uod na nilagyan ng asin. Congrats nga pala bro dahil sa wakas matutuloy na lahat ng gusto mo"pinilit kong di nya marinig ang konting di pagsangayon sa boses ko.
"Kaya nga mapaghihigante ko na ang mommy ko" he said while smirking
"Suportado ka sa akin alam mo yan"
Sorry Natalia pero nakita ko kung paano maghirap si Red at tinuring ko na siyang parang tunay na kapatid kaya kahit mali susuportahan ko sya. At kahit maging kapalit din nito ay kaligayahan ko.
YOU ARE READING
Our Once Upon a Time (Under Revision)
Roman d'amourI keep chasing on you but you keep chasing on her. I always here for you but you always there for her. I need you, but you need her. And the worst, I love you but.....You love her. Our catastrophic past is my dreamland. I badly want to feel our once...