A week. It has been a week mula nang nilayasan niya si Lance from that mortifying experience. Isang linggo na nagpakabusy sya sa trabaho nya. Mabuti na rin na out of town ang Imperial-Bourne nuptials. Hindi niya kinailangan na manatili sa opisina... Ilang beses lang silang nag-usap ni Luke tungkol sa event na pinaplano nito gamit ang e-mail. Isa lang ang sinabi niya dito,
"Ayoko sanang makihalubilo pa kay Lance Cervantes. I'm not sure what you heard about us in highschool but we don't get along. It's either you remove me from the account or you remove him."
Agad naman na sumagot ito na makikipagmeet daw sa kanya para maiayos na kaagad ang account. Sumangayon siya at ngayon ay naghihintay sa oras ng pagkikita nila.
"Jane Suarez?" ani ng babaeng boses. Agad na napalingon si Jane sa pinanggalingan ng tinig at gulat na gulat na makita ang ina ni Lance Cervantes.
Nang namukhaan siya ng ginang ay tinawag siya nito sa kanyang palayaw, "Chris!" ani ng ginang at bigla siyang niyakap. "Saang lupalop ka ba napadpad at di na kita nakitang bumisita sa bahay?"
Walang nagawa si Jane kundi yakapin pabalik ang ginang. Nung highschool, ilang beses rin siyang pumunta sa bahay ng mga Cervantes nung good terms pa sila ni Lance. Mabait ang ginang sa kanya. Naging gawi na rin nilang magtawagan ng Mama at Anak... Siya lang kasi ang babaeng kaibigan nina Will at Lance nung freshman palang sila ng highschool... Dati yun... Hindi na ngayon...
"Ano na anak? Ano bang nangyari na sayo?" may bahid ng pag-aalala ang ginang.
"Okay naman po ako. Alam nyo naman pong hindi na kami nagkabati nung anak nyo matapos silang mag break nung first girlfriend nya." sabi ni Jane.
"That brat was never a good influence to him..." sabi ng ginang.
"Mrs. Cervantes..." pasimula ni Jane.
Ngunit agad siyang kinontra ng ginang. "Ano man ang nangyari sa inyo ni Lance, iba naman ang relationship natin anak..." malambing na sabi nito.
"Tita kasi..." hindi mawaring sagot ni Jane.
"Anak ha... Nakakasama ka na ng loob..." sabi ng ginang na nakasimangot.
"Ma..." pagsunod naman niya. Ngumiti ang ginang at hinawakan ang kamay niya. She missed this... Naging mother figure na kasi niya ang ginang... Kung tutuusin, mas close siya dito kaysa sa mga kaibigan. Kaya naman nang nag-away sila ni Lance, sobrang nasaktan siya dahil hindi lang ang kaibigan ang nawala sa kanya kundi pati na rin si Mrs. Cervantes.
"Ay... Basta labas ako dyan sa away ninyong dalawa..." sabi nito at pinisil ang kamay niya. "Dapat sinabi mo sa akin anong pinag-awayan ninyong dalawa ni Lance at nang sana kinutusan ko yun!"
Natatawa si Jane na tinignan ang ginang. She should have known na malalim talaga ang samahan nilang dalawa. Pero naalala niya na makikipagkita siya kay Luke.
"Ma... Si Luke hindi darating?" tanong ni Jane sa ginang habang nililibot ang mata para hanapin ang kliyente.
"Naku... Hindi makakarating si Luke... Busy sa asawa nya. Finally kasi magkakababy na ung dalawa!" sabi ng ina ni Lance. "Ako nang nagpresenta na makipagkita sayo."
Batid ni Jane ang pagkayamot sa tono ng kausap. "Edi dapat masaya kayo Ma..." sabi ni Jane.
"Masaya naman ako para kina Luke... Marami ding kalokohang nangyari bago nagkatuluyan ang dalawang yun. Akala nga namin di na mag-aasawa si Luke. Buti at dumating ng Pilipinas si Hannah." sabi muli ng ginang tapos ay tinignan siya ng seryoso at pumalahaw, "Eh ung loko kong anak... Matanda pa yun kay Luke pero ni serious na girlfriend wala pang maipakilala sa akin... Kesyo busy daw sya... Aba! Hindi na rin ako bumabata... Paano nang cute kong apo?"
BINABASA MO ANG
Cervantes' Match
ChickLitTitle: Cervantes' Match Plot: Jane has been crushing on Lance Cervantes ever since they met 13 years ago but Lance had crushed her one-sided feelings for him and all that's left was the bitter memory of her first love. Fate lends a hand and the two...