Chapter 10

22 2 0
                                    

Janey woke up and looked at the clock, 11 am. She slept the whole morning pero inaantok pa rin siya. Ramdam nya pa rin ang sakit ng katawan mula kahapon. It was a good decision to take the day off. She sat up pero agad siyang nahiga muli. Sinalat niya ang noo. She was having a light fever... Ilang saglit pa ay bigla siyang napabahing. Napabuntong hininga siya.

She'd expected this... "Tulog lang ang katapat nito." Sabi niya sa sarili sabay bumangon at lumabas ng kwarto. She knew she was about to get sick... With all the stress and the fact that Lance still continued to occupy her mind.

Hindi niya nakita si Tita Beatrice pero nag-iwan ito ng pasta at note na may lakad ito. Habang kumakain, napansin ni Jane na medyo masikip ang suot niyang damit.

Napatingin si Jane sa plato ng pasta na halos ubos na. Natatawa niyang isinubo ang natitira, "Hay... Sa dami ng kinakain ko tumataba na ako. Di bale I should de-stress by buying some new clothes."

She got ready and headed out. Nagpunta siya sa regular niyang pinamimilihan ng damit at nagsukat. Nang makapag decide siya ng mga bibilhin dinala na niya sa counter ngunit ng magbabayad na siya ay may biglang nag-abot ng credit card sa cashier.

"Excuse me..." Nasambit ni Jane and then realizing that it was Lance her face turned sour.

"Chris... Ako na." Sabi naman ni Lance.

"May pera akong pambayad dito." Masungit na sabi ni Jane.

"Wala naman akong sinabing wala kang pambayad..." Sabi naman ni Lance.

Kinuha ni Jane ang card mula sa kahera at ibinalik iyon kay Lance, "Please lang wag mong sirain ang araw ko..." Nilingon niya ang binata, "Bakit ka ba nandito?"

Napakamot ng batok si Lance bago sumagot, "Naglilibang lang. I insist. Isa pa, kung malaman ni Mom na nagkita tayo at pinagbayad kita mas lalo lang siyang magagalit sa akin." Wika ni Lance na iniabot ulit ang credit card nito sa kahera.

Jane looked unconvinced and eyed Lance wearily pero hindi na siya nagsalita pa. Sinabihan na siya ni Tita Beatrice na pwede nyang hingan ng allowance si Lance. Sa katunayan, binigyan siya ng ginang ng extension card na nakakabit sa bank account ni Lance at ng ina nito  para naman daw mabawasan ang perang laman ng bangko. She was tempted to use the card pero kahit kailan ay di pa niya ginamit ito. 

"Chris... Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Lance na hawak hawak ang mga bag ng damit.

Jane grabbed her stuff and left Lance staring after her. Bakit ba sa dinami dami ng araw ngayon pang pahinga nya nakita ang binata, nakakasira tuloy ng araw.

"Chris kain tayo... May Corner Al' Pasta dito oh... Special yung chicken carbonara nila..." Pag-aaya muli ni Lance na noong mga sandaling iyon ay katabi na niya at kinuha ulit ang mga gamit.

"Hindi ako gutom..." Magsasalita pa sana si Jane ng bigla nilang narinig ang pagtunog ng kanyang tiyan. My gosh! Lamunin na po ako ng lupa...

Natatawang ngumisi si Lance, "Hindi ka pa gutom ng lagay na yan..." at hinila siya ni Lance papunta sa restaurant.

Mabilis silang naupo at nag-order si Lance ng pagkain. Matapos makaalis ang waiter, agad naman ibinaling ni Lance ang atensyon nito sa kanya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Kamusta ka?" tanong ni Lance.

Jane kept quiet. She didn't think kailangan niyang sagutin ang tanong ng binata.

"It's a good thing that you're off today. Wag ka na muna kumuha ng additional project." sabi pa ni Lance.

Napairap si Jane kay lance. What the hell... Kailangan talagang maki-sawsaw? 

Cervantes' MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon