"Manhid ka ba o talaga lang wala lang sayo ang nararamdaman ko?" napataas ang boses ko habang nakatingin sa kanya. Nararamdaman ko ang mga luhang nanganganib na tumulo.
He just looked at me na para bang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko... na para bang inaaksaya ko lang ang oras niya.
"Gusto kita... Talagang gusto kita... Hindi ba pwedeng gusto lang kita? Pati ba naman feelings ko kailangan payagan mo pa?"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, ang sakit na nararamdaman ko sa mga salitang kahit kailan ay hindi ko gustong aminin sa kanya...
Tiningnan ko siya kahit na tumutulo pa rin ang luha ko. Ayokong magmukhang kawawa pero hindi ko kayang itago ang hiya, sakit at lungkot na nararamdaman ko habang nakikita ko ang walang reaksyon niyang tingin sa akin.
Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nagsalita ng mga salitang tatatak sa puso ko
"Don't like me... And stop saying anything about me. Hindi ako manhid. Stop saying things about me. Nakakasira ka na nga ng image ng tao ikaw pang may ganang umiyak? I don't like you. Never did. You misunderstood all on your own."
Natawa ako... Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong hiya... Yes, I misunderstood... It's obvious na ako ang nagkamali.
Pinahiran kong ang mga luhang patuloy sa pagpatak. Tinignan ko siya sa mata at huminga ng malalim. "Fine. Sige, I don't like you. I'll never like you again. Kahit kailan!"
And with that, I grabbed my things and left.I'll never like you again... Never!
BINABASA MO ANG
Cervantes' Match
Chick-LitTitle: Cervantes' Match Plot: Jane has been crushing on Lance Cervantes ever since they met 13 years ago but Lance had crushed her one-sided feelings for him and all that's left was the bitter memory of her first love. Fate lends a hand and the two...