Chapter 2

16 3 2
                                    

Three months ago...

Sapo sapo ni Lance ang ulo habang tinitignan ang mga papeles sa kanyang kamay. Hindi siya makapagfocus dahil nasa opisina niya ang kanyang ina at paulit-ulit nito siyang inaabala tungkol sa mga bagay-bagay na hindi importante.

"Lance, anak... ilang taon ka na rin. Wala ka pa bang balak mag-settle down?" tanong ng ina niya. Tinignan siya nito ng matalim na para bang hinihintay siyang magsalita. Nang wala itong narinig, nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Kasal na si Luke, maging si Will kasal na rin... Ikaw anak? Wala ka bang napupusuan? Gusto mo ipakilala kita sa mga anak ng kaibigan ko?"

"Nay, I'm working... Hindi po ba pwedeng sa bahay na natin yan pag-usapan?" hindi maitago ni Lance ang pagka-irita niya sa sinabi ng ina.

"Fine. Bahala ka na dyan! Makiki-apo na ang ako sa tita at tito mo! Tatanda ka nang mag-isa!!" mariing sabi ng ina at mabilis itong tumayo at lumabas ng kanyang opisina.

"Shit." pabulong na sabi niya. Bakit ba naman kailangan na kasal na ang dalawang pinsan niya? Naiipit tuloy siya. His cousin, Luke, had married his wife a few years back at kasalukuyan naman na nasa honeymoon ang kakambal niya na si Will.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Luke na sumisipol at masayang masaya. Good for him. At least one of us is having a good day.

"Bro..." pauna ni Luke. Alam ni Lance ang tono ng boses na iyon ng pinsan. Hihingi ito ng pabor... kaya naman agad niya itong pinangunahan, "Wala akong panahon sa mga kalokohan Luke... Kakagaling lang dito ni Nanay at pinipilit akong magsettle down." iritableng sabi niya.

"Ah... Kaya pala umiiyak si Tita kanina..." Luke replied nonchalantly. "Wag kang mag-alala. Tinext ko si Hannah Grace na libangin si Tita."

"It's because she's hanging out with your wife na gusto ni Nanay na magsettle down na ako..." sagot ni Lance. "Did you guys have to be so blissfully happy externally?" nauuyam niyang tanong.

"Humanap ka na kasi ng ipapakilala kay Tita... Ikaw rin." Nanunuya namang sagot ni Luke.

"Kung wala kang mahalagang sasabihin, get out of my office." matalim na tingin ang binigay ni Lance kay Luke.

"Fine. I want the best wedding for Hannah Grace... Not that meaningless stunt we did sa Vegas. Lance, you're the only one I can count on." pakiusap ni Luke at kitang kita na seryoso siya sa pakay niya.

"Hindi yata ako ang dapat kausap mo sa bagay na iyan..." amused na sagot ni Lance. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ang napili ng pinsan para isama sa plano. Ano naman ang alam niya sa pag-aayos ng kasal?

"Bakit ako naman ang nakita mo?" tanong ni Lance.

"Obvious reasons Kuya... Kapag sina Mama ang nagplano ng kasal, iimbitahan nila ang buong angkan at ayaw ni Hannah Grace ng malaking ceremony. Kung si Lisette naman ang kakausapin ko, magiging Kiddie Party ang theme ng kasal..." pag-eexplain ni Luke na sa itsura ay naiimagine na ang sinabi nya.

"So? Bakit hindi na lang si Hannah ang pagplanuhin mo ng kasal ninyo?" sarkastikong tanong ni Lance.

"No way Kuya... Surprise ko ito kay Hannah Grace." mabilis na tanggi ni Luke.

"Teka nga... Sa ating magpipinsan si Will ang kasal na... Bakit hindi siya ang tanungin mo?" tanong ni Lance.

"Nasa honeymoon sya... Alangan naman na guluhin ko yun. Respeto lang Kuya..." at muling umupo si Luke. "Isa pa, ka batch ninyo ni Kuya Will ang nag-ayos ng kasal niya. Balita ko gusto siya ni Will pero gusto ka nung babae. Kung kasama kita baka ma-inspire sya na gandahan ang kasal ko."

Cervantes' MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon