Chapter 8

24 2 0
                                    

"Ciel kain ka lang ng kain ha..." sabi ni Jane sa kaibigan. As suggested ng nanay ni Lance, she invited her friend.

"Tita ang sarap ng cream pasta ha! Namiss ko to!!!" sabi naman ni Ciel habang sunod sunod ang subo ng pasta.

"Mabuti at nagustuhan mo rin. Iyang si Chris nga... yan lang ang pinagkakakain nitong mg nakaraang linggo. Sarap na sarap sa cream pasta at cheese cake." sabi ng ginang habang naglapag ng juice sa tapat ni Ciel.

"Kailan ka pa nahilig sa dairy?" tanong ni Ciel sa kaibigan.

"All this time?" wala sa isip na sagot ni Jane.

"You said you hated cheesecake at cream pasta after ng sophomore year. Anyare?" sagot naman ni Ciel. Parang bigla itong may naalala, "Dahil ba dun sa nangyari?"

Awkward na natawa si Jane... Ciel talagang sa harap ni Mama? "Hindi noh... Talaga lang nagsawa ako sa cream pasta at cheesecake nung mga panahon na yun. Bumabawi lang ako lalo na't si Mama ang nagluluto. Ikaw din kaya... Kay Mama lang ma pasta ang kinakain mo..."

"Ay ganyanan Bes... Alangan naman na ipagsiksikan ko ang sarili ko kay Will eh world war kayo ni Lance. Syempre bff before boys..." nagbibirong sabi ni Ciel.

"Biglaan na lang kayong hindi na nagpakita sa akin ni Chris... Namiss ko itong girl bonding nating tatlo!" Beatrice exclaimed.

Tumawa silang tatlo dahil sabay sabay nilang naalala ang teenage years nila Jane at Ciel. Since kaibigan ni Jane si Ciel nakakasama ito pa minsan minsan ni Jane pag bumibisita sa bahay ng mga Cervantes. Nagkataon rin na malaki ang pagkagusto no Ciel nung mga panahon na iyon kay Will kaya kapag pwedeng sumama si Ciel ay lagi itong nakasama sa kanya.

"Mama kasi iyang si Ciel malakas lang loob nyan kasi andun ako... Kung siya lang ang pupunta sa bahay ninyo Ma baka pintuan palang hinimatay na yan kung nakita nya si Will noon." natatawang sabi ni Jane.

"Ayos ha... Di pa kayo kasal ni Lance kung maka-Mama ka wagas ha!" biro naman ni Ciel. 

Gusto ni Jane na lamunin na ng lupa. Ugg... Sabi na nga ba at bibigyang kahulugan ni CIel ang nangyari nung reunion...

Tinignan niya ang mama ni Lance at wala naman nagbago sa hitsura nito kaya naman kinindatan nya si Ciel habang sinusubukang lusutan ang sitwasyon.

"Close lang talaga kami ni Mama... Di ko nga kasundo si Lance di ba??" Ciel sana dinala mong brain cells mo ngayon! Please lang....

"Ha? Eh kung magsomething nga kayo nun kala mo-" hindi na naituloy ni Ciel ang sasabihin dahil sumingit kaagad si Jane.

"May cheesecake pa ba tayo Ma?!" tanong naman ni Jane na halatang iniiba ang usapan.

"Naku eh kinain na natin kagabi nung uminom tayo ng tsaa." sagot naman ni Beatrice.

"Bili na lang ulit ako Ma." sagot naman ni Jane.

Sinundan ng tingin nina Ciel at Beatrice si Jane at ilang minuto ay lumabas itong nakapanglakad.

"Bes, san ka pupunta?" tanong ni Ciel.

"Bili lang ako sandali ng cheesecake at rocky road ice cream. Okay Ma... Ciel iwan ko muna kayo saglit ni Mama. Behave Ciel... Wag mo akong siraan kay Mama!" Nakangiting umalis si Jane at nang sumara ang pinto agad na tinignan ni Beatrice ang kaibigan ni Jane. 

Natatawa namang nagsalita si Ciel. "Loka loka talaga si Janey Tita..."

Natigilan si Ciel sa nakitang expression ng ginang... Para kasing may kung anong iniisip ito habang nakatingin sa kanya. Maybe she should have accompanied Janey?

Cervantes' MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon