Chapter 9

28 2 0
                                    

Janey had just finished her report nang kumalam ang sikmura nya. She looked at her table kung saan nakalagay ang walang lamang plato ng pasta.

"Ha? Sinong kumain ng pasta ko?" Tanong niya sa sarili. She was sure she placed a full plate of cream pasta bago siya nagsimulang kumain. She's been eating a lot of cream pasta. Nandyan kasi ang Mommy... Natawa siya.

Living by herself has been hard on her... Now that she's living with somebody who cooks such delicious pasta, pasasaan pa ba't talagang she's bound to gain weight.

"Nak... Gising ka ba? Kakain na tayo..." Mahinang boses ng ginang sa labas ng pinto matapos kumatok.

"Gising ako Ma... Lalabas na ako." Sabi ni Janey.

Paglabas niya nakita niyang nakahanda na ang hapunan.

"Ma wala nang pasta?" Tanong niya.

"Syempre meron..." Sabi ng ginang sabay inilapag ang plato ng pasta.

"Salamat Ma... The best talaga ang cream pasta mo!!" Sagot naman ni Janey.

"Sya nga pala nak... Bukas na ang surprise wedding ni Luke at Hannah..." Sabi naman nito.

"Yes... Ma. Plantsado nang lahat!" Nakangiting pag assure naman ni Janey.

"I want you to be there as a guest..." Sabi naman ng ginang.

Janey was speechless. Tama bang umattend siya as a guest ngayong siya ang coordinator ng party? She was also apprehensive dahil paniguradong darating si Lance and she doesn't really want to see him.

"Don't worry about my son... I'll keep him away." sabi naman ng ginang sabay lagay ulit ng pasta sa plato niya.

Janey smiled at Lance's mom. If only her son wasn't Lance... She thought. Tinitigan niya ang ginang bago tuluyang tumango. It wasn't as if she needed to avoid him. She owes him nothing after that night. She's paid her dues...

"I'll go Ma..." sabi ni Janey pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain.

The following morning, Janey had to go to the venue first thing kaya naman hindi na siya nakapag-breakfast. Marami ring maliliit na bagay ang inasikaso niya para paniguradong wala nang gusot ang magiging surprise ni Luke sa asawa.

Mga isang oras bago ang start ng party bigla na lang sinamaan ng pakiramdam ang assistant niya kaya naman minabuti niyang siya na ang maghandle ng buong event.

"Chris..." narinig niya ang boses ni Tita Monique kaya naman agad niya itong nilingon. May dala itong garlic pasta. "Sabi ni Bea di ka daw nakapag-almusal. Heto at kumain ka munang saglit." sabi ng ginang na hinila ang silyang pinakamalapit kay Janey at pinaupo ang dalaga dito.

"Hindi kasing sarap ng cream pasta ni Bea yan pero sana magustuhan mo..." sabi pa nito.

Ilalapit pa lang ni Janey ang tinidor na may garlic pasta sa bibig ngunit nakaramdam siya ng pangangasim ng sikmura. Ibinaba niya ang tinidor at humingi ng paumanhin sa ginang. "Tita Monique... Pasensya na po pero mukhang nalipasan ako ng gutom... Parang ayaw ko po muna ng pasta. Mamaya na lang po ako kakain pag tapos na ang surprise ni Luke. Kinakabahan po ata ako sa kanila." natatawa niyang paumanhin.

May di mawaring expression na lumitaw sa mukha ni Tita Monique pero agad naman na napalitan ng ngiti, "Of course iha! Huwag kang mag-alala magpapahanda ako ng porridge para sa iyo."

Tinanguan na lang niya ang ginang at bumalik sa ginagawa.

An hour later naganap ang proposal at mini wedding ni Luke at Hannah Grace. Hannah was so happy about the whole thing na bigla na lang itong napaluha. Everyone seem to be enjoying the afterparty at sunod sunod rin ang labas ng pagkain.

Cervantes' MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon