Chapter one point one.

37 1 0
                                    

Int. Kwarto ng mga maid. Gabi.

Carmela : pero inay! sinira nya ang manika ko! kabibili ko lang ng Datu Puti dress nun! yung Hunt's na shoes nun nasira rin! alam mo ba nay pinalitan pa nya yung ulo, ng ulo ng troll!

Aling Rosario : pero anak, intindihin mo na lang sila. sila parin ang nagpapakain satin.

Carmela : kahit na ...?

(ipapakita nito ang mga pasa sa katawan)

Aling Rosario : kahit na.

Carmela : kahit na...?

(ipapakita nito ang mga nakausling buto sa paa)

Aling Rosario : kahit na.

Carmela : kahit na ...?

(ipapakita nito ang buong araneta coliseum na ipinagkasya ni Charon sa puwit nya)

Aling Rosario : kahit na. pasasaan ba't bigla ka ring yayaman dahil hindi mo sinasadyang malaman na si Don Reymundo ang tunay mong ama. o di kaya makakapag asawa ka ng kano na hindi pa tuli. kaya hayaan mo na sila. makakapaghiganti ka rin...

Carmela : hhaaaaaaaaaaayyyyyy...

(lalapit si Carmela sa camera, nakafocus sa mukha nya ang cam, patago itong iiyak,)

Aling Rosario : anak umiiyak ka ba?

(haharap si Carmela sa ina, hawak hawak nito ang chopping board, kutsilyo at mga sibuyas)

Carmela : ah, hindi nay! naghihiwa ako ng sibuyas e.

Aling Rosario : ay! bakit dine ka naghihiwa nyan! dun ka sa kusina!

(magpapatuloy ang pagiyak nya, kakapunas nya sa mukha hindi nya mapapansin si Fernando at mababangga sya dito)

Fernando : (matatapon ang mga dalang chocolates at bulaklak) ayy! shit ka!

Carmela : naku! sorry sir!

Fernando : muntik mo na kong mapatay ganun lang!

Carmela : patay agad!? oh edi, SOOOOORRYY PPPOOOOOOOOHH!

(dadating si Clarisxa at tatarayan si Carmela )

Clarisxa : tatanga tanga kase! nung nagpaulan ng kabobohan, tulog kaming lahat at MAY INSOMNIA kaaa! yan tuloy natapon yung ibibigay sakin ni Fernando! shunga shungaaaa!

Fernando : ah, hin-hindi kasi para sayo yun e. para kay Carmela kase sana...

Clarisxa : ah ganon! paasa! o sige! sasampalin na lang kita! tutal, mga teenager palang tayo at masyado pa tayung bata para sa ligawan. ok lang. ikakama mo naman ako pag tanda natin..

(sasampalin ni Clarisxa si Fernando )

Clarisxa : ansaya! bata palang ako, kumokontrabida na ko! magandang impluwensya ito sa mga televiewers at sa mga Pilipinong walang pagmamahal sa pilikulang bayan! BUWAHAHAHAHAHAHA!

Carmela : ansama mo talaga...

(iirap kay Clarisxa )

Carmela : talaga...

(kokorteng manununtok ang mga kamay)

Carmela : ga...

(aalis..)

Itutuloy...

--------

Panibagong walang saysay na kabanata uli ang inyong nasaksihan..

Matapos kaya ang mga paghihirap ni Carmela?

Abangan.

Please vote! :3

Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon