Chapter two.

6 0 0
                                    

Eto na syaaaaaa! Itutuloy ko na! Akalain mo yun? Hahahaha. Hamunakong mag-feeling, sa ganto na nga lang ako sumasaya e. Yung mga magbabasa parin nito, salamat. Si @ilove_gumabao 'wag na. Nakakahiya e.

Mabanggit ko lang, hindi lang naman love story ang pwedeng ipost dito diba? Tama ba ko? Sa Wattpad, kung gusto mong magbasa ng love story dun ka sa category na yun maghanap. Kung fiction, click 'fiction' and there! Kaya nagtataka kong may ilang nagsasabi na 'paano yung mga love love na story ang hanap?' ang sagot ko lang;

'edi wag mo tong basahin'

0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

Mag-uumpisa ang panibagong 'basura' na storya sa pagmumuni-muni ni Chris, ang panibagong bida, sa mga nangyari ng mga oras na yun sa bahay ni Ruth, ang nobya nya...

Gabi noon pero maliwanag ang kabuuan ng bahay ni Ruth dahil sa malilikot na laserlights. Maingay din ito sapagkat nakapalibot sa bahay ang sampung speaker na tumutugtog ng mga kantang mga Jejemon lang ang makakarelate.

Dadating si Chris sa bahay ni Ruth at magugulat sa mga makikita. Hindi sya makapaniwala, kahindik hindik ito, pero bago pa man sya maka-alis ay mahahawakan na nang mahigpit ni Ruth ang braso nya.

'Tara na!' pag-aaya ni Ruth.

Mapapakamot ng ulo si Chris dahil ayaw na nyang magpatuloy pero madadala parin sya ng nobya sa loob.

Ang mga lalaki ay naka-pantalong ipit sa binti pero nuknukan ng luwag sa hita. Naka-kamisetang may tatak na 'never give up'. Naka-suot din sila ng relong aakalain mong stoplight dahil kumpleto ito ng kulay na 'blue,red,green'. Naka-supra. At naka-shades na pang-tricycle driver.

Ang mga babae, naka-leggings (yung iba animal print, yung iba flag ng U.S), naka-hanging blouse na may tatak ng eiffel tower sa gitna, naka-neon shoes, neon-nails, neon bag, neon-bangles, neon-hikaw, lintik pati ipin neon na rin.

Agad babati kay Chris ang isang lalaki.

'Yo men! I'm Lil Hustla! Yo men!'

'may sapak ata 'to sa ulo e.' bulong ni Chris.

Habang nagpapatuloy sya sa pagpasok ay madadaanan nyang ang isang babaeng nagwawala sa harap ng videoke.

♪Hendi ko senesedya na maholog ako sa tolad moo! Kapag nariyan kahhhhhh di ko mapigilan ang naadrama ako huwo huwo! ♪

'shit.' inis na inis na si Chris pero di sya maka-alis.

Makikita nya sa screen ng videoke na naka-save ang ilang kanta na ikamamatay ni Chris pag tumugtog.

'*dance with my father* (tagalog version), *like a rose* (tagalog version).'

Madadaanan din nya ang isang babaeng nagse-selfie na halos iluwa na ang boobs makunan lang ng litrato.

'Ang laswa.' bulong na naman ni Chris.

Sa loob ng bahay nandun ang ilang ''mukhang'' matatalinong tao. May isang usap ng usap tungkol sa nabasa nyang tula ni Shakespeare.

May isa namang sigaw nang sigaw na lalaking mukhang bakla na tadtad ng pimples kakapuyat sa,

'Oh my gosh! May bago kong binabasa sa Wattpad!! Nakakakilig!'

'bakla nga..' ang tanging nasambit ni Chris.

Meron ding isang babae na nagkukwento tungkol sa mga pesteng umatake sa Ehipto habang hawak ang isang bibliya.

Meron pang lalaking pangkadungis dungis na nagrerecite ng mga equations kung paano makukuha ang value ng x.

Meron ding mga grupo ng mga magkakaibigan na mukhang kulto ang itsura; naka-itim mula ulo hanggang paa, naka-eyeliner, naka-suot ng mga koloreteng puro tusok tusok na bakal, at naka-boots, mukha silang kultong rakista na emo .

'talaga bang wala nang mas kokorni pa dito!?'

'Ano yun Chris?'

Tanong ni Ruth.

'Ah e, ah wala! Ang init sabi ko. Lalabas muna ko.'

'Inom ka ng juice sa loob!'

'Ha? Naku, wag na! Magpapahangin muna ko sa labas..'

'Ayaw mo bang tikman ang Tang o' clock ko? Masarap sya, bulalo flavor, at lalong sasarap kung sasabayan mo ng Cryflakes, mapapaiyak ka sa sarap.'

'Kailangan talagang may product endorsement? Hindi na, hangin lang ang kailangan ko.'

'Sure ka? Electric fan?'

'Hindi na , labas muna ko..'

'O sige, pero ayaw mo talaga? '

'Oo, ok na ko, labas na muna ko..'

Lumabas si Chris. Ayaw na nyang bumalik sa loob. Pero nakatingin sa kanya mula sa loob si Ruth. Pinlano nyang tumakbo na lang. Naghanda sya at '1,2,3!'

Takbo sya.

'Yes! Ligtas na ko mula sa mga Jejemon!'

Binagalan nya ang takbo at naglakad na lang.

'HOY! BUMALIK KA! '

Tumingin sya sa likod at, wala syang ibang nagawa kundi manlumo sa mga nakikita nya.

Parang gusto na lang nyang pumikit at mamatay o di kaya'y matunaw na lang sya sa kinatatayuan nya.

'LINTIK KA AH! PROMISE PROMISE KA SA BARKADA NAMIN NA HINDI MO SYA IIWAN SA PARTY TAPOS NGAYON TATAKBO KA!? '

Unti unting lumapit kay Chris ang mga ito at...

Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon