Int. Sala ng mga Galvez. Hapon.
Señora Charon : Reymundo! hindi dapat malaman ni Carmela at ng mga televiewers na si Carmela ang tunay mong anak at tagapamana. kahit na masyado nating pinapahalata! por pabor! (hihigop ng wine)
Don Reymundo : hanggat hindi nya sinasadyang marinig ang usapan natin, hindi nya malalaman iyon. (hihigop ng taho)
(biglang darating si Carmela at maririnig ang usapan)
Carmela : ano!? baog ako!?
Señora Charon : oo! oo! ikaw ang tunay na anak ni Reymundo!
Carmela : pero American pie ang pinanood ko kagabi!!
Señora Charon : hindi ko talaga sinabi sa inyo na naanakan ni Reymundo ang katulong namin na nanay mo! dahil gusto kong samin mapunta ang yaman ni Reymundo!
Carmela : ano!? magnolia ang tatak ng panty ko!?
Señora Charon : at dahil tinakot ko ang nanay mo , nanahimik sya't hindi sinabi kay Reymundo ang totoo! nakuha mo!?
Carmela : ang alin?
(tatawa si Charon. Maririnig ang echo hanggang pluto)
Charon : BUWAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Echo ni Señora Charon: Ha.
(mag-eecho ito hanggang sa banyo kung saan nagsuswimming si Rosario sa bathtub na puno ng sago)
Rosario : ano yun?
--------------
Saan kaya patutungo ang buhay ni Carmela? Mabawi nya kaya ang karapatan nya bilang tagapagmana? Wait pa kayo ng ten years... Hahahahahahaha! Joke lang! Continue reading!
:**
BINABASA MO ANG
Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]
Non-FictionIto ay librong pinuno ng mga panunuligsa sa mga korning linya at mga cliché na bagay sa telebisyon,internet, uso, ugali at iba pa, na hindi natin alam na korni na sa iba. Mag-aksaya ng oras sa isa na namang walang kwentang latha sa blog na 'to. At a...