Unti unting lumapit ang mga 'Jejemon' kay Chris at agad syang binanatan ng mga ito.
Sinuntok sya sa ulo. Sinipa sa leeg. Pinompyang. Dumudugo na ang nguso nya pero 'di parin tumitigil ang mga 'korning nilalang'. Sinikmuraan sya. Sinampal ng sinampal. Nakikita nya si Ruth nakatitig lang sa kanya habang inuupakan sya.
'Stupida ka! Humanda ka sakin!'
Tinigilan si Chris ng mga 'Jejemon' at iniwang nakalupasay sa kalsada. Di sya makagalaw, masakit ang buong katawan nya.
'Bwisit! Masama bang umalis sa lugar na pinamumugaran ng mga 'Jejemon' ??'
Inabot sya ng isang oras bago makayanang tumayo at umuwi.
'Anung nangyari sayo? What happened to you?' pambungad ni Aling Patsy.
'Kailangan may translation?? Napagtripan ako ng aliens and goons.'
'Ano? Halika ka nga! Gamutin natin yan!'
Aalis sandali si Aling Patsy para kumuha ng mga gagamitin nya sa panggagamot kay Chris.
'AARRRRAAAY!'
'Wala pa! Naglalagay pa lang ako ng gamot sa bulak!'
'Ah ganun ba? Teka anu ba yang nilalagay mo sa bulak? Bakit pink?!'
'Merthiolate..'
'Ano!? Teka! Teka! Safe ba yan? Sa kuko yan diba?'
'Wag ka nang maarte! Halika na...'
----------------------------------------------
'Ngayon, now, kwento mo lahat ng nangyare, tell me the whole story..'
'Kailangan me translation? Parang subtitle sa mga pelikulang Hapon na translated to English pero mali mali...'
'Ikwento mo na!' sabay diin ng bulak sa sugat nya.
'AAAAAAAAAH! Ayun na nga...'
Ikukwento ni Chris ang mga nangyari.
Mula umpisa (obviously), hanggang huli.
'Eh sinong may kasalanan?' tanong ni Aling Patsy.
'Si Lady Gaga...'
Tutungo si Chris sa kanyang computer at agad na magbubukas ng facebook account nya.
'Wow! Andaming notificat--'
Mawawalan ng sigla si Chris sa mga makikita nya..
' Blah blah invites you to-- Blah blah blah invites you to play blah blah blah.'
'Tssssss...' ang tanging nasabi ni Chris.
'Makapagstatus na nga lang..'
Status: *Jgh. Imba, nabugbog ako. Sobrang nakakainis. Kakain na nga lang ako ng Starducks habang umiinom ng Milkshake habang nage-fb sa laptop ko na 'apple', then mamaya magpa-flappy bird ako. Nakakaines! Ay teka nasaan na yung Toblerone ko?*
*toot*
May nag-add sa kanya. Bakla. Inaccept nya ito dahil hindi naman sya homophobic.
'Hi'
Chi-nat sya nito agad.
'Hello'
'Single?'
'Double.'
Hindi na sya ni-replyan ng bakla. Tuwang tuwa sya dito. Sa pantitrip.
'Grabe, konti na lang talaga ang tunay na lalake sa mundo..'
Aabutin si Chris ng madaling araw sa harap ng computer sa kakalaro ng farmville at sa kaka-chat sa mga babae sa skype.
Makakatulog sya sa harap ng PC nya.
Magigising na lang sya sa sigaw ng nanay nya dahil, isa na namang araw ito ng paghahanap ng malilikot at maagap na trabaho.
Babangon sya habang unti unting nagtatanggal ng muta. Ng 'booger'. At ng natuyong likido mula sa bibig.
Tutungo sya banyo at mag-uumpisang maligo.
'Maaa! Wala nang saleguard tsaka moonsilk!'
Bibigyan ito ni Aling Patsy at itutuloy ni Chris ang naudlot na buwanang ligo.
Agad matatapos si Chris dahil hindi nya kaya ang lamig ng tubig.
'Shit. Haaang-lllllaammhiig. Lintik na global warming.'
Magbibihis sya ng damit na paborito nyang gamitin kung maga-apply sya.
Slacks. Polo. Black shoes. At kurbata. Brief case na lang ang kulang, mukha na syang Magnanakaw Na Aswang Na Nakaupo sa Senado.
Lalabas sya ng bahay. Dun sya sa tapat ng pintuan nila. Iuunat ang kamay. Dadamahin ang ginituang liwanag ng umaga at...
'Voila! Trabahong maganda! Here I come!'
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
-Huuuy! Comments and votes naman! XD
★
BINABASA MO ANG
Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]
Non-FictionIto ay librong pinuno ng mga panunuligsa sa mga korning linya at mga cliché na bagay sa telebisyon,internet, uso, ugali at iba pa, na hindi natin alam na korni na sa iba. Mag-aksaya ng oras sa isa na namang walang kwentang latha sa blog na 'to. At a...