Ext. Luneta park. Hapon.
Magkahawak kamay sina Carmela at Fernando habang naglalakad sa park. At dahil late ang pinas sa age of creativity , slow motion pa rin ang highlight ng tagpo na ito.Tatakbo-takbo ang mga ito. Maghahabulan. Titigil sa isang tabi upang bumili ng cotton candy. Iikot ikot sa puno ng acasia. Tutumba sa damuhan. Matindi ang pag ibig sa pagitan ng dalawa. At patuloy iyon sa pagyabong. Magkakatinginan. Nagpe-play sa background ang theme song na kanta ni Regine na may lyrics na "buhos na ulan aking mundo'y...".
*buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyaaaaann*
unti unting bubuhos ang ulan...
*hatid mo ma'y bagyo ay dalangin ito ng puso kong...... nagliliyab*
lalo pang magdidilim ang langit, at bubuhos ang napakalakas na bagyo.
*pag ibig ko'y umaapaw*
walang magagawa sina Carmela at Fernando sa pagkakatangay nila sa isang napakalaking storm surge mula sa umapaw na dagat.
*damdamin ko'y humihiyaw........ sa..... sa tuwa?*
Carmela : hindi na ko NATUTUWA Lord! anu ba tong nangyayaring ittooo!!
*t'wing umuulan at kapiling ka-hha*
tumila rin ang ulan, nadala sila nito sa isang kanal, pagod na pagod sila.
Carmela : hindi ko na ata kaya...
Fernando : wag mong sabihin yan mahal ko!
Carmela : e kasi, ---tsp tshpsh tssfh
di na nakapagsalita si Carmela dahil siniil na sya ng halik ni Fernando.
Fernando : amoy baha yung hininga mo....
Clarisxa : HA! umepekto pala ang spell ko!
Fernando : kagagawan mo ang lahat ng to!? sabi ko na nga ba't mangkukulam ka!
Carmela : teka! bakit naging fantaserye ito!?
Clarisxa : tse! manahimik ka dyan! amoy patay na tanga ang hininga mo! boys! boys! kunin nyo na sya!
nagsilapitan na ang ilang maskuladong lalaki kay Carmela, pinosas sya nito at sinakloban ng sako sa ulo, pinasok sa isang van, at maya maya pa ay nahilo na lamang sya at nawalan ng malay.
Fernando : ibalik nyo sya sakin! san nyo sya dadalin!? Carmelaaaaaaaa!!
Clarisxa : sa warehouse ko! ibabalik ko lang sya sayo pag bangkay na sya at kung pakakasalan mo ko! BUWAHAHAHAHAHA!
sasakay si Clarisxa sa van at matulin na lalayo, hindi alam ni Fernando ang gagawin, luluhod at titingala sya...
Fernando : hhiiinnnddddeeee!
------------------
eto naaaaa! patapos na ang first story ng librong ito! subaybay lang mga Kabasura!
iloveyouguyth! :'*
-AVJ :D
BINABASA MO ANG
Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]
Non-FictionIto ay librong pinuno ng mga panunuligsa sa mga korning linya at mga cliché na bagay sa telebisyon,internet, uso, ugali at iba pa, na hindi natin alam na korni na sa iba. Mag-aksaya ng oras sa isa na namang walang kwentang latha sa blog na 'to. At a...