Chapter one point four.

15 1 0
                                    

Int. Quarters ng mga maid. Tanghali.

(makikita sa harapan ni Carmela ang santambak ng plantsahin, gabundok)

Clarisxa : Carmela! tapos mo na bang plantsahin ang blouse ko?

Carmela : oo, patapos na..

Clarisxa : sige, ikuha mo muna ako ng juice.

Carmela : k.

Clarisxa : ???

(lalabas si Carmela, may naisip na namang gawin si Clarisxa, susunugin nya ang blouse at ibibintang ito kay Carmela )

Clarisxa : siguradong wala kang kawala sakin. *tawa* *hinto* *irap*

(kukunin nya sa bulsa ang isang 'kuliglig' lighter, akmang bubuksan ito pero dadating si Carmela )

Carmela : walang juice e!

Clarisxa : (itatago ang panindi) edi tubig! mag isip ka nga!

Carmela : k.

(lalabas ulit si Carmela para kumuha ng tubig)

Clarisxa : ngayon... (sisindihan ang lighter)

Carmela : wala pang deliver!

Clarisxa : ay undin! ano ka ba!? wag ka ngang nanggugulat! kung walang tubig, kahit anung inumin! kape or tea or milkshake or taho or softdrinks o kahit pawis basta pwedeng inumin!

(lalabas uli si Carmela upang kumuha ng kape or tea or ...)

Clarisxa : at ngayon...

(maitutuloy na ni Clarisxa ang pagsunog sa blouse, mauubos nito ang gabundok na plantsahin, tila sya nagkakaingin sa quarters)

(dadating si Carmela dala ang isang basong pawis)

Carmela : watda!! umaygad! anung nangyayari!?

Clarisxa : aahhh! yung mga blouse ko!! anung ginawa mo!!!??

Carmela : wala kong ginagawa! galing ako sa kusina!

Clarisxa : anung wala!? e ikaw ang namamalantsa dito! aaaarrrgghhh! humanda ka sakin!

Carmela : teka! galing ako sa kusina e! paano ko susunugin yan? ano ko? may magic?

Clarisxa : ah basta! ikaw ang sumunog nyan! isa pa , tsismis sa labasan na kamag anak mo daw yung lider ng mga mangkukulam sa Capiz! kaya keri mong gawin yan!

(magsisimula na namang umiyak si Carmela kahit wala sa script, makapagpapansin lang sa mga producers)

Clarisxa : humanda ka! at palalayasin ka na ni mommy maya maya lang! *evil laughs*

Carmela : pero, hindi kasi--

Clarisxa : wala ng pero pero!

(dadating din si Señora Charon sa wakas at laking tuwa naman ni Clarisxa )

Señora Charon : oh? nandito ka pala Clarisxa? o! Carmela? nasunog mo ba yung mga damit?

Clarisxa : mmaaaaaaaaa! sinunog nya yung blouse kooooo!

Señora Charon : oo nga pinasunog ko nga ang mga damit..

Clarisxa : ANO!? e blouse ko yun a!

Señora Charon : anak, unang una sa lahat, hindi iyo yung blouse na yon. kay Carmela yun, ginaya ka nya! at sa galit ko, pinasunog ko sa kanya lahat ng damit nya, kaya ayan! sinunog nya nga. shunga di ba? hohoohohohohohohoho.

Clarisxa : ha ....?

(napanatag si Carmela. hindi sya mapapalayas. napuno ng pasasalamat ang puso nyang luray.tsaka sya nagpatuloy sa paglabas ng quarters. paglabas ay pakunway, sa kaligayahan ay.... ngumiti..)

--------------------------------------

~ayan, tinuloy ko na... kahit tinatamad na ko dahil sa mga di magaganda kumento mula sa mga kaibigan kong nakabasa nito. nakakadown lang. oh, the world is such a sweet sorrow. pero dont worry po tutuloy ko po ito. keep reading.

-AVJ :D

Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon