Chapter one point seven.

9 2 0
                                    

Int. Warehouse ni Clarisxa . Gabi.

Makikita si Carmela na nakatali sa upuan. May subo syang gamit na medyas. Nakapiring. Nakatape ang paa nya sa paa ng upuan. Nakalubid ang bewang sa sandalan. May dog collar sa leeg at nakakulong sa isang kwarto kung saan naiilawan sya ng nagiisang bumbilya sa ibabaw ng ulo nya.

dadating si Clarisxa at...

Carmela : bhdhhgnnnaaaiuolfncncmn nnmgkkff kjfhhcjx!

Clarisxa : ano!?

Carmela : hfnfkkfmmdgseea njoio mhhhfbvh ncghc!!

Clarisxa : tao ba to?

Carmela : nvchfjckfv klfjsdbwvbbdhcj fhfb cfbc d d!!!!!!!

Clarisxa : wala kong time para makipag pinoy henyo sa iyoo!

Carmela : bcgcgcae iuiobncbcee nngmfkdkldmdmxh bbsghss xbxbchcvhxnsksmeegk,g!!!!!!!

Clarisxa : ano daw!? boys tanggalin nyo nga yung nasa bibig nya.

tatanggalin ang nasa bibig nya...

Carmela : pakawalan mo ko!

Clarisxa : andami mong pinagdadadada kanina yan lang pala ang ibig mong sabihin!

Carmela : paalisin mo na ko!

Clarisxa : edi nagmukha akong tanga! hinuli kita para pakawalan? shunga? shunga lang? pahihirapan muna kita. BUWAHAHAHAHAHA!

echo ni Clarisxa : HAHAH.

Carmela : alam kong hindi papayag si Fernando na mangyari yun! dadating sya para iligtas ako!

Clarisxa : o! kabisado mo naman na pala ang plot ng pinoy drama e! wag ka na lang atat! may lakad ka!? may lakad ka!?

Fernando : Clarisxa! itigil mo na to!

Clarisxa : ay dung kumun na yang dialog mo! "itigil mo na to! nababaliw ka na! napaka itim talaga ng singit mo-- ay este ng budhi mo" HAHAHA! dami kong tawa! mga 68.

Fernando : magbabayad ka!

Clarisxa : wala kong utang sayo! para ka pong bobo!

dudukot si Fernando ng baril pero, dudumugin sya ng mga body guard ni Clarisxa .

magpapang-abot ang mga ito at...

magbabakbakan.

magsusuntukan. magtataguan. barilan. pompyangan. sipaan. dagok dito dagok doon. hanggang si Fernando na lang ang matirang nakatayo . last man standing.

dadating din si Aling Rosario kasama ang ilang tambay, labandera , kusinera, yaya at ilang kabit ni Mang Gustin...

para rumesque.

magtatago sila sa isang pader. nag aabang ng bandido. hawak hawak ang ilang kunyaring dos por dos na kahoy na gawa sa styro.

paglabas ng mga bandido ay hahampasin nila ang mga ito at agad mamatay.

pero lalabas pa ang isa pang bandido. makakakita si Aling Rosario ng drum ng basura at agad itong isasaklob sa ulo nito.

balik sa eksena nila Carmela ..

tutumba si Clarisxa at mananakbuhan agad si Carmela . pero makakadampot si Clarisxa ng baril. at babarilin nya si Carmela , makikita ito ni Fernando at sasalagin ang bala. sya ang tatamaan.

(Hawak ni Carmela si Fernando. Duguan ito. Nabaril. Naghihingalo na.)

Carmela: waaaagggg! wag mo kong iwan!!!!

Fernando: aaaggghhh....

Carmela: hhhiuuhhuu! waaagg! Fernandoooooo!

Fernando: aaggggh.

(punong puno na ng luha at sipon ang mukha ni Carmela )

Fernando: aagh..

(malapit nang maubusan ng hininga si Fernando ..)

Carmela: nag-toothbrush ka ba?

Fernando: URAY TAMNA! WAG MO PA KONG DALIN SA OSPITAL, IIWAN KITA!

.

.

.

.

.

pero imbis na dalin sa ospital si Fernando , sa kagagahan, susugurin pa ni Carmela si Clarisxa.

Mag aagawan ang dalawa sa baril. Makukuha ni Carmela ang baril. At babarilin nya si Clarisxa . Tutumba ito. Tatalikod si Carmela .

Clarisxa : buhay pa ko!

Babarilin ulit ito ni Carmela . Dalwang beses pa. Tutumba uli ito. Babalik si Carmela kay Fernando .

Clarisxa : buhay pa ko!!

Carmela : ah! zombie ka ha! etong sayoooo!

Sasakay si Carmela sa isang pison at sasagasaan si Clarisxa . Pero makikita nyang tumatawa pa ito. Bababa sya sa pison, sasabunutan si Clarisxa , susuntukin, tatadyakan, duduraan, sisikuhin, dadaganan, tatagain, he-headbangin, kukurutin, pakukuluan, then gisa , add the gulay, cover then serve.

Mamamatay din ito sa wakas..

Tatakbo sya at yayakapin si Fernando .

Mapapansin nyang hindi na ito humihinga.

Titingala sya , itataas ang dalawang kamay at sisigaw.

Carmela : HINDDEEEEEEEE!!

Fernando : buhay pa ko, tanggalin mo yung kamay mo sa mukha ko, di ako makahinga!

Carmela : naku! pasensya!

Tatayo ang magkasintahan at lalabas ng warehouse. Mapapansin nilang ngayon lang dadating ang mga pulis at tanod.

Magyayakapan ang dalawa. Dadating si Aling Rosario at makikiyakap. Aalis si Aling Rosario at kakausapin ang mga pulis.

Carmela : natapos din ang mga problema natin..

Fernando : at ang palabas na to..

Carmela : mahal kita..

Fernando : mahal din kita.

Maghahalikan ang dalawa. Masaya sila at natapos na ang mga pagdurusa ni Carmela .Ayaw nilang pakawalan ang isa't isa.

Pofocus ang cam sa mukha ng dalawa. Unti unting aatras ang cam, palayo nang palayo..

Hanggang sa makita na sa buong tv screen ang kabuuan ng lugar.

Nasa gitna sila Carmela at Fernando , napapalibutan sila ng mga nagtsitsismisang mga tao..

Palabo nang palabo ang view..

~WAKAS

~CREDITS

~SPONSORS

~PRODUCTIONS, INC.

--Magpapalakpakan ang mga writers, camera men, producers, directors, staffs, at mga make-up artists..

Natapos na kasi nila ang pinaka unang Basurang Palabas ng librong ito. Nagdadasal sila na sana'y makagawa pa sila ng bagong palabas na bebenta at papatok sa mga Pinoy na walang pambili ng dvd..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~Hi! Mga Kabasura! Nag enjoy sana kayo sa unang story ng librong ito. Nainspire ako dahil sa lumalaking bilang ng mga mambabasa nito. My titanic gratitude falls to all of you! God bless you!

>Sa mga gustong magpadedicate sa mga susunod na storya, comment lang po!

>Vote na din! ^_^

•ABANGAN ANG SUSUNOD NA STORYA. ANG ISTORYANG NAUUKOL SA ....

XD

Basurang palabas.. [ Ang mga korni sa atin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon