The Wedding

955 23 0
                                    

Maagang sinundo ni Camille at Ryan si Vic sa Condo niya sa Taff. Naka Puting tshirt vneck , Black pants at Top sider na brown.  Nagtungo sila sa Quiapo Church.

Vic:
Asan na damit ko.?

Camille:
Ito ohh isuot mo na.

Binigay skniya ang Amerikana.

Vic:
Bagay ba?

Camille:
Oo naman. Ang gwapo mo.

----

Pagdating sa Simbahan agad na pinaglakad si Vic sa Unahan sumunod sknia ang mapapangasawa ni Cienne.

Asa harap na silang dalawa ng sumunod ng lakad ang mga iba pa. Si Abby, Kim, Camille, Ryan , Bert pagkatapos ay naglalakad na si Cienne. Nagtataka siya kung bakit parang sobrang ngiti skniya neto.

Nong malapit na Cienne ay my biglang tumugtog. Pagbukas ng Pinto ay nakita nito si Shiela na my suot na wedding gown, nagtaka siya dahil kasama nito ang Mama ni Shiela at si Tobias.

Vic:
Anong meron Cienne ? Bakit?

Cienne:
Wag mong sasaktan barkada namin Vic kung hindi malilintikan ka talaga.

Vic:
Nagulat ako , naiiyak ako. Hindi ako makapaniwala.

Ryan:
Congrats Bro. Ikakasal kana.

Vic:
Ako ang ikakasal? Paano?

Isang plano na hindi inakala ni Vic na magagawa ni Shiela, Pagkagaling nila sa states ay agad itong nagplano para sa kasal nila, kakaiba man pero pinilit niya itong gawin sa tulong narin ng iba.

Para sa mahal niya magagawa niya ito. Kahit na siya na mismo ang maghanda ng kasal nila.

Vic:
Thank You Lord.
unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ng papalapit ang isang babae , sobrang gandang babae kasama ng batang sobrang kamukha ko. Mahal na mahal ko itong dalawang ito.

Malapit na siya. Ayan na.

Mama Bha:
I trust you Vic, pwede mo ng kunin ang kamay ng aking anak.

Vic:
Salamat po tita.

Mama Bha:
Mama na ngayon.

Vic:
Thank You po Ma, ( bumuhos ang luha ko. Hindi ako makapaniwala.)

Shiela:
Itutuloy pa ba natin o magiemote ka nalang?

Vic:
Sorry sungit.

Shiela:
Andito na tayo sa harap niya ohh, Hinayaan niya parin tayong maging masaya , Sa kabila ng binigay niyang pagsubok satin nalampasan natin yon. At ngayon hahayaan na niya tayong bumuo ng masasayang memories kasama ng mga magiging anak natin.

Vic:
Sinabi ko noong nawala kayo sakin na hindi hindi nako hahanap pa ng iba. Pero naghanap ako ng iba.

Shiela:
Ano! Meron ka ng iba?

Vic:
Patapusin mo muna kasi ako. Naghanap ako, at nahanap ko ang sarili ko , sarili ko na hindi buo dahil kayo ang bumubuo nito. Mahal na mahal ko kayo ni Tobias. At walang ibang makakapalit sa inyo dito( turo sa puso )

Shiela:
Halika ka na. Parang ayaw mo na atang magpakasal eh.

Vic:
Grabi naman to. Atat ako maging asawa ohh 😊

---
"I, Vic Galang take you, Shiela Pineda for my lawful wife to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, until death do us part."

"I, Shiela Pineda take you, Vic Galang to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life."

Vic:
Ilove You Baby. Mahal na mahal ko kayo ni Tobias. This day is the best day for me. Hindi ako mangangako dahil gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa at tatay sa mga magiging anak natin.

Shiela:
Iloveyou too baby. Ganon din ako, gagawin ko ang lahat para pagsilbihan ka at bigyan ka ng marami pang anak.

(nagtawanan ang lahat)

Brother:
Mr. Vic Shawn Galang maari mo ng halikan si Mrs Shiela Marie Pineda Galang dahil siya na ay iyong asawa.

( Isang halik na nangangahulugang mahal na mahal nila ang isa't isa. Isang halik na magtatali sakanila habang buhay, sa mata ng tao at sa mata ng diyos.)

Isang masigabing palakpakan para kay Mr. & Mrs Galang.

Kasunod ang kainan, hindi man engrande pero masayang masaya ang lahat dahil saksi sila sa pagmamahalan ng dalawa.

Mabuhay ang Bagong Kasal
---

Mabuhay ang Bagong Kasal---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----

Hindi pa po nagtatapos dito ang kwento. Abangan nalang po natin ang Book 2. Suggest po kayo ng magandang Title.

Temporary IdealWhere stories live. Discover now