Chapter 26: Torture

27.4K 585 7
                                    

Third Person POV

Hindi gusto ni Don Passini ang pagtrato sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan, na para bang ito ang boss. Sa punto naman ni Karl, gusto nitong ilayo sa kapahamakan ang kaibigan, dahil parang kapatid narin ang turing niya rito, ngunit sadyang matigas at mayabang ang kaibigan nito, ang akala, kaya nitong patumbain ang tulad ni Rafael Alejandro Valiente, ng ganun-ganun nalang.

Kilala niya ang lalake, dahil nakita na niya ito minsan at sa katunayan, nakilala na niya ito at nakadaupang palad. Siya ang tipo ng lalaking kahit si Satanas, hindi nito uurungan. Ito ang taong hindi takot sa kamatayan, at mismong si kamatayan ang natatakot rito. Wala itong puso, malamig pa ito sa bangkay, at pinakamapanganib sa lahat ng taong nakilala na niya at nakadaupang palad.

Nakita na niya, at hindi siya magpapakadakila kapalit ng kanyang buhay, hindi tulad ng kaibigan nitong si Don. At ngayon, natatakot siya sa buhay ng kaibigan niya.

Natakluban na ng galit, paghihiganti, ang kanyang isip.

"Hindi mo naman siguro gustong mamatay ng ganun kadali, Do. Pwede ka namang magbayad para gawin ang trabahong iyan. At iyon naman ang lagi mong ginagawa? Bakit anong ipinagkaiba nito sa ibang problemang nasolusyonan mo na, na hindi kailangan ng presenya mo?" hindi patitinag na sabi ni Karl, pilit kinukumbinsi ang kaibgan na sa iba ipagawa.

"Shut up, Karl!" At kailan kapa naging duwag?" galit na sagot rito ni Don na ikinainis naman ng huli.

"It's not being yellow-bellied, Don. It's how I value my life!" nagtagis-ngiping sagot ni Karl. Saasagot pa sana si Don ng biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng mesa niya. Inis na hinablot niya ito saka dinala malapit sa tainga.

"Don speaking!" inis nitong bungad.

"Passini, Passini, Passini," ang iritableng boses ng kanilang bagong boss, at mukhang galit ito.

"Yes, boss," bumaba ang boses ni Don at tumaas ang kilay nito in curiosity. Nakalimutan na nito ang argumento nila ni Karl.

"It's been almost a week, Passini. Wala akong natanggap na kahit anong report mula sa iyo. Ano nang nangyari sa ipinapatrabaho ko sayo?"mababa at malamig ang boses nito ngunit puno ng panganib.

Biglang parang lumamig ang buong katawan ni Don sa narinig. Naalala nito kung sino ang babaeng pinapakidnap ng amo nila at hindi pa nito nasasabi kay Karl. Nagpadala siya ng tao para hanapin ito at recently, natagpuan nila siya sa Russia. At siya ang nag-iisang apo ng maimpluwensyang duke na si Nikolai Dmitri Markovich. Hindi basta-basta makakuha ng impormasyon sa loob ng palasyo o kahit sa labas, lahat ng tao sa Russia ay takot sa duke, kilala itong walang puso.

"Nahanap ko na kung nasaan siya, at may plano na ako kung papanong makapasok sa teritoryo ng duke ng Russia," paliwanag nito, at piping nagdasal ito na makapag-aantay pa.

Narinig niya ang timbre ng boses ng amo at hindi ito nasiyahan. "She's getting married in two weeks to Rafael Valiente, moron!" galit na asik ng boss niya. Biglang kumuyom ang mga kamao ni Don sa narinig. Wala pang tumawag sa kanya ng moron at lalong uminit ang ulo nito. "I want her soon before that wedding takes place, and you know where to bring her!" dugtong ng galit na galit na boss nila, saka walang salitang binagsak nito ang telepono at kusa namang nailayo ito ni Don bago pa man mabasag ang eardrum niya.

Napangisi naman si Don ng maalala ang sinabi ng boss niya. Pakakasal pala ang babaeng matagal nilang pinangarap sa lalakeng kinamumuhian niya.

Great!

Killing two birds in one stone.

........

Clara Bell's POV

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon