Chapter 29: Captor

22.2K 542 13
                                    

Rafael Alejandro's POV

The music started, and my heart races all the more, like a freaking cars in the racing circuit. Parang unti-unti namang nawawalan ako ng oxygen tank, pakiramdam ko, ang hirap kong huminga habang unti-unting matapos ang pagmartsa ng mga bridemaids at bestmen. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako lalo. I can't name that emotions that's overwhelming me. Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan habang inaantay ang pagdating ni Bella. Natapos na ang ring bearer, flower girls, pero walang maid-of-honor ang dumating, at lalong bumilis pa lalo ang pintig ng aking puso. 

Lahat ng mga ulo nakatingin sa bungad ng carpet, nag-aantay ng pagdating ng bride, ngunit walang patuloy ang matamis na tugtog ngunit walang dumating. May mahihinang bulungan ng nag-umpisa ngunit inignora ko, medyo namamawis narin ang aking mga kamay dahil sa takot na unti-unting namumuo sa aking dibdib.

Nang tingnan kong muli ang bungad, nakita ko ang matandang duke na humahangos parating, at puno ng pag-aalala ang matigas nitong mukha.

Lalong dumagundong ang aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtambol nito, at parang kinakain ako ng takot paunti-unti dahil sa pag-aalalang nakita ko sa mukha nito.

At sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam na parang pinapatay ako sa loob ng unti-unti, ang aking mga pangarap kasama si Bella, ang aking mundo, parang gumuho bigla.

Naramdaman ko ang pagpisil ng aking ama sa aking kamay na hindi ko namamalayang gagap na pala nito.

Wala sa sariling napatingin ako kay Giovanni at kita ko ang mukha nitong puno rin ng pag-alala. Tahimik lang naman ang pari na nasa tabi namin na naghihintay.

Pakiramdam ko, may humawak sa aking puso at saka ito pinisil ng sobrang higpit upang ako'y hindi makahinga. Ang aking mga panga, nakatiim habang inaantay ko ang matandang duke palapit sa akin.

Iba-ibang emosyon ang nababanaag ko sa mukha ng duke. Galit, pag-aalala, at takot.

Mabilis kong sinalubong ito.

"Nawawala ang aking apo. Hindi ko alam kung sinong kumidnap sa kanya kasama ang bestfriend nito," galit at nag-aalalang sabi nito sa medyo nanginginig na boses. Pinanlamigan ako sa aking narinig at natulos sa kinatatayuan.

Saka lang ko parang natauhan ng makita kong unti-unting nawawalan ng malay ang duke. At bago pa man ito bumagsak, mabilis ko itong sinalo ay konti nalang para sumagi ang ulo nito sa matigas na lupa. Agad namang sumaklolo ang mga securities ko at kasama ni Giovanni, at hindi ko na alintana ang mga bulung-bulungan ng mga bisita na parang mga bubuyog at mabilis naming ipinasok ang duke sa loob ng palasyo.

Mabilis namang tumawag sa awtoridad ang butler na si Gannon at ako nama'y mabilis na sinalubong ang humahangos na si Giovanni sa aking direksyon. Isa lang ang alam kong may gawa nito. Ang taong pinagkautangan ni Barry. Siguro nalaman nilang isang dukesa ang anak nito.

"I just got a call. They already followed them. It was Don Passini's men. Isa sa mga babaeng tumulong sa paghahanda kay Bella ang binayaran nila," galit na sabi nito.

Kumuyom ang aking mga kamay, sobrang higpit ito. Wag magpapakita ang babaeng iyon, dahil hindi ako mangingiming balatan siya ng buhay. 

Parang gustong sumabog ang aking mga ugat dahil sa tinitimping galit ko na kanina pa gustong sumabog. Mabilis kong nilapitan ang aking ama. Ang aking paningin ay nagdidilim at sa oras na ito, I want to ripped that man's heart and squeeze it right in front of his eyes, and let him see how I shatter his heart into a bloody tiny million pieces.

"Please take care of the old man, dad. I'll go after Bella." Mabilis akong tumalikod pagkatapos at sinundan si Giovanni. Ramdam ko ang lahat ng dugo kong tumaas sa aking dibdib. Mabilis kong tinawagan ang security agency ko at mabilis naman itong sinagot ni Tristan, ang head at commander ng agency ko.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon