Chapter 45: Truth Will Always Prevail

26.3K 612 14
                                    

Rafael's POV

Tinitigan ko ang blankong screen. Para akong tangang nakangiti habang nakatitig parin sa screen at nakikita ko ang mukha ng babaeng tanging nagpabaliw sa akin. Nakangiti ito, ang mga magaganda nitong asul na mga mata, parang dagat sa Caribbean na kumikislap habang tumatama ang araw sa tubig.

Pinatay ko na ang tawag ng marinig ko ang mahihina nitong paghinga. Binalingan ko ang natutulog kong anak sa aking kamay at pikit matang hinalikan ko ang noo nito. "Mommy is coming tomorrow, anak. She'll come and see us," parang baliw na kausap ko sa aking anak na sarap na sarap ang tulog. Nakataas pa ang kamay nito sa kanyang ulo, at parang anghel ito na natutulog. Nangingiting hinaplos ko ang pisngi nitong malambot at matambok. "I'm sorry for ruining this family. Masyadong makasarili si daddy. Pero ipinapangako kong buuin ko ulit ang pamilya natin. Gagawin ko ang lahat, mabawi lang muli ang iyong mommy, ang pagmamahal nito, at ang tiwala. And hinding-hindi ko na siya sasaktan. Hindi ko na hahayaang may tao pang sisira sa atin." Tahimik kong litanya sa natutulog kong anak habang lumuluhang nakatitig rito. Minsan pa, hinalikan ko ito sa pisngi, mas matagal.

Inalis ko lang ang aking labi sa kanyang pisngi ng gumalaw ito, saka nito sinalubong ang aking mga mata. "Dada," inaantok nitong sabi, at parang mainit na palad itong humaplos sa aking puso.

"Yes, anak. It's dada." Saka ako ulit humiga sa tabi nito, at niyakap. Yumakap din ang maliit nitong kamay sa akin, at sa halos dalawang taon, ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kaligayahan. Kaligayahang dinala din ni Bella ng iniwan nito ako.

Nang nakatulog na ulit ang aking anak, kinumutan ko ito, saka ko binuksan ang baby monitor. Mabilis akong lumabas ng kwarto nito, at dumiretso ng kwarto ko. Magiging kwarto namin ni Bella. Hindi ko na tuloy maantay ang umaga. Kating-kati na akong makita siya, mahawakan, mayakap.

Pagkapasok ko sa kwarto, agad akong nagpalit ng pantulog. Paglabas ko ng walk-in closet, nahagip ng paningin ko ang closet na katabi nito at kasinglaki rin nito. Pumasok ako sa loob at awtomatikong bumukas ang ilaw. Maliwanag ito at bumaba sa buong malaking kwarto. And isang dingding ay sinakop ng salamin, kaya't kitang-kita ang kabuuoan mo pagpasok.

Dumaan ang aking mga mata sa mga iba't-ibang kulay, disenyo, at haba ng damit. May mga drawers din sa ibaba ng nakahang na mga bestida, kung saan ang mga lingeries niya. Nakadisplay din sa glass drawers ang mga sapatos nito, from flats to heels. Sa katapat nitong dingding ay kung saan ang mga alahas niya in a glass jewelry chest, at sa itaas ng glass chest, ay mga iba't-ibang pantalon, from suits pants, to capri, to jeans. Lahat ng damit nito sa penthouse ko, inilipat ko rito. Minsan, pag namimiss ko siya, dito ako sa closet niya natutulog. May settee na kasya ang apat na tao. A rectangular ottoman din sa gitna.

Nakangiting lumabas ako ng walk-in closet, saka ako naglakad palapit sa kama. Ipinatong ko ang aking cellphone sa side table, siniguradong nakasilent ito, saka ako humiga na. Habang nakapikit, naglalaro sa aking isipan ang mukha ni Bella. Nakangiting pinilit kong matulog, at hindi naman nagtagal, nilamon na ako ng dilim.

"Dada .. Dada..." tawag ng maliit na boses ang nagpagising sa akin. Hila na nito ang aking kumot ng binuksan ko ang aking namimigat na talukap. Nakangiting mukha ng aking anak ang bumungad sa akin at biglang nawala lahat ng aking antok.

Agad kong binuhat ito, saka ipinatong sa aking tiyan, siya namang pagpasok ni Neria na humihingal pa.

"I'm sorry, sir," agad nitong dispensa, pero iwinasiwas ko lang ang aking kamay. Siya ang binabayaran kong nag-aalaga kay Raffy pag wala ako. Takot na takot ang mukha nitong nakatingin kay Raffy, umiiwas itong tumingin sa akin.

"Okay lang, Neria. Dalhin ko nalang siya sa baba," sabi ko at mabilis namang tumalilis ito. Binaba ko si Raffy saka ko siya kiniliti ng kiniliti. Mayamaya, napuno na ang kwarto ko ng matitinis na tawa ng aking anak. Panay ang iwas nito sa aking daliri habang tumatawa at siyang-siya naman ako sa nakikita kong kaligayahan sa mukha nito. Ang napakainosenteng tawa nito.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon