Chapter 44: Heart to Heart

24.3K 574 28
                                    

Rafael's POV

Pinanood ko ang dalawang sabay naglakad hanggang sa mawala ang mga ito sa aking paningin. Naramdaman ko ang biglang pagsikip ng aking dibdib. "What have I done?" bulong ko sa aking sarili, lasang lasa ko ang sakit, at parang dinudurog ang puso ko habang naiisip ko, she's slowly slipping away.

Agad akong bumalik sa aking opisina at tinawagan si Tristan.

"Yes, sir."

"I'm sending you these photos right now, and don't stop until you will find who's behind this edited photos, and who sent it to Bella." Madilim na nakatitig ako sa mga pekeng litrato, habang nakakuyom ang aking mga kamay.

"On it!" sagot nito, at pinatay ko na ang tawag. Agad kong pinadala ang mga edited photos. Namumula na naman ang aking paningin, at kung sino man ang gumawa nun, hindi ko ito hahayaang huminga pa kinabukasan.

.....

Clara Bell's POV

Parang sasabog ang puso ko ng lumabas ako ng silid ng opisina ni Rafael. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nakalabas na ako ng tuluyan sa gusali nito at medyo kumalma narin ang nanginginig kong katawan. Para akong tangang nakatitig sa mga taong nagdaraan, habang iniisip kung ano ang susunod kong gagawin.

"Clara Bell?" boses ng lalake ang nagpalingon sa akin. Hindi ko agad nakilala ang dati kong boss dahil sa suot nitong casual jeans at shirt lang.

Lumapad ang ngiti nito ng makalapit sa akin. "Hi," sabi ko saka nagpakawala ako ng isang pilit na ngiti. Kahit papano, unti-unting nawawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Medyo narelax narin ako ng konti. Saka ko naramdaman ang pagod. Nakakapagod palang makipag-argumento.

"I can't believe I'm gonna see you here!" sabi nito sobrang excited at napangiti naman ako. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. "In New York!" dagdag pa nito sabay taas ng kamay na parang sinasabing dito, at natawa ako. Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin, kaya't lumingon ako sa aking likuran, ngunit walang pakialam na mga taong nagdaaranan rin. Ibinalik ko ang aking tingin kay Daniel.

"Would you like to have lunch with me?" tanong nito kapagkuwan. Saka ko naman naramdaman ang pagkulo ng aking tiyan.

"Sige," pagsang-ayon ko at saka naman lalong lumuwang ang ngiti nito. Iginiya niya ako sa isang restaurant.

......

Rafael's POV

Pinilit kong magtrabaho, ngunit hindi tumitigil ang aking utak sa pag-iisip. Ang galit na galit na mukha ni Bella ang tanging nasa isip ko. Hindi ko ito masisisi, at hindi ako titigil hangga't malaman ko kung sinong gumawa niyon, at simulan na niyang magdasal dahil ipapakita ko sa kanya kung papanong sumira ng tao.

Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa aking kinauupuan saka ako pumikit. Hinayaan kong maglaro sa aking isipan ang mukha nito Bella. Miss na miss ko na siya.

Because of this nonsense things, it had gone further.

I needed her, as much as my son needed her. And no matter what happened, my heart still longed for her, crying out for her. She's the piece that fits that hole in my heart. She's my home, my life.

But I have to find a way to win her trust back, her love.

Thinking over the pas years, fucking these women, I felt disgusted of myself. I called her a whore, I never realized that I was referring to myself. I am fucked up, bigtime.

Without her, I am messed-up, and that is reality. Kahit si mommy at daddy, ayaw nila akong makita  o makausap man lang dahil sa hindi ko pagbawi sa kanya. At dahil sa laging galit ang pinapairal ko at selos, maraming pagkakataon ang aking sinayang.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon