Chapter 9: Disheartened News

37.3K 1K 12
                                    

Russian words credit to mindurway for translating it for me. I thought to put the Russian words along the story to make it a little realistic.

Third Person POV

Pushkin Russia, Markovich Palace

"Мы нашли вашу внучку , ваше Высочество !" (Nahanap na po namin ang iyong apo, your highness!" Yumuko ng bahagya ang mayordomo tanda ng paggalang sa matandang Duke at nababanaag ang matinding respeto at debosyon sa matanda.

"Как она выглядит?" (Sinong kamukha niya?) tanong ni Nikolai Dmitri Markovich, grand duke ng Russia. Ang mga kamay nito magkadaop at nakalagay sa likuran nito habang nakatayo ito sa may harap ng malaking ceiling to floor na salaming dingding sa malaking study room nito, habang pinapanood niya ng may hungkag na damdamin ang malaki at walang hanggang lupaing sakop ng Markovich Estate. Parang buhay na buhay man ang kapaligiran ng mansyon, ngunit parang patay naman ang mga tao na nakatira rito. Wala ng ang dating sigla ng Duke.

Kailangan niya ng tagapagmana para matuloy ang paghahari ng mga Markovich.

Nang mamatay ang kaisa-isang niyang anak na babae sa depresyon, dahil rin sa kanyang kagagawan, wala na siyang naramdaman kundi pagsisisi. Nabuhay siyang punung-puno ng pighati. Buhay na puno ng kalungkutan.

Ang ipadala ang hindi niya matanggap na apo sa malayo, ay isang desisyong pinagsisihan niya ng lubusan, dahilan upang mamatay ang kanyang kaisa-isang anak.

She was supposed to marry the Prince of France, but she was impregnated by one of his respectable Lords. Ipinadala ng Duke ang lalake sa malayo, ng malaman nito ang sekretong pagtatagpo ng dalawa, at namatay naman naman sa digmaan ang lalaki. Akala niya nagtagumpay siya sa paghihiwalay ng dalawa ngunit hindi nagtagal sumunod din si Alexandra Tatiana Markovich, and nag-iisang tagapagmana ng Markovich estate, ang grand duchess ng Russia, isang taon ang nakakalipas. HIndi nito matanggap ang pagkamatay ng lalaking pinakamamahal niya, at ang pagpapadala ng matandang Duke sa anak nitong babae sa malayo, kaya't nagpakamatay narin ito.

Simula nuon, sinisi ng Duke ang sarili sa pagkamatay ng anak, at lalong-lalo na ang pagpapadala nito sa malayo sa kanyang nag-iisang apo na siyang kaisa-isang pamana ng kanyang anak, ang kanyang apo na si Tatiana Anzhelika Markovich.

"Она точная копия покойной великой княгини Александры, Ваше Высочество !" (Siya ay parang kambal ng nasirang Dukesa, Alexandra, your highness,) magalang na sagot ng mayordomo na si Gannon. Biglang nalungkot ang mayordomo ng maalala nito ang kanilang Dukesa na malambing, kalugod-lugod, palabiro, at palaban.

Simula ng mawala ang Dukesa, ang buong estate ay biglang nawalan ng kulay, ng sigla, nawala ang liwanag na tanging ang Dukesa ang nagbibigay. Lahat ng nagtatrabaho sa mansyon, parang mga robot, kahit ang matandang Duke, biglang nagbago, sa dating mabait, naging malamig at naging walang puso. Nawala din ang ngiti nito sa labi. Para itong nakatira sa madilim na kapaligiran, at hirap itong makabangon sa pagkakalugmok niya sa pagkawala ng kanyang nag-iisang tagapagmana. 

Nang mamataya ng asawa nito dahil sa panganganak, ginugol nito ang oras at panahon sa pagpapalaki sa anak nito, na siyang nag-iisang nagpapaalala sa nasirang asawa. Pinalaki itong sunod ang layaw, at malakas ang loob, na kahit ang istriktong Duke, hindi ito mapasunod, lalo na ng maabot nito ang tamang edad ng pagpapakasal.

Lumaki itong napakaganda, dahilan upang lahat ng mga prinsipe ng iba't ibang bansa ay gustong mahuli ang mailap na Dukesa. At tanging si Lord Benedict Romanov, isang kagalang-galang na kabalyero ang nakakuha ng atensyon nito, and she set her eyes on only him, to the extent for defying her father's wish.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon