Chapter 3

3.6K 69 1
                                    



Pagdating ko sa bahay ay nakapatay ang ilaw na ikinatataka ko. Tuwing umuuwi naman ako ay palaging nakabukas ang ilaw ng bahay dahil paniguradong palaging may tao. Nakauwi na rin si mama nun kaya imposibleng walang tao sa bahay. 


Birthday ko nga rin pala ngayon. Ni isa ay walang bumati sa akin, kahit si ate o kaya si Sheena. Pero bahala na, baka lang na busy talaga sila at hindi na nila naalala. At least alam ko sa sarili ko na birthday ko ngayon kaysa namang ako na birthday girl ay hindi ko alam na birthday ko pala ngayon.


Pagka-pindot ko ng switch ng ilaw ay bumungad sina mama, ate at si Sheena. Hawak-hawak nila ang isang cake na may nakasulat ng pangalan ko. 


"Happy Birthday!" bati nila.


"Akala ko nakalimutan niyo na" sabi ko na may halong tawa. 


"Oh bakit? Iiyak ka?" sabi ni ate Kat. Hay nako, si ate, hindi naman!


"Akala ko ba na may gagawin kayo sa bahay?" tanong ko kay Sheena.


"Joke lang yun! Joke! Joke! Joke!" sagot niya naman. Nabuo na ng katwanan at kasiyahan ang buong bahay namin. 


Ang mesa ng hapag-kainan namin ay puno ng handa tulad ng spaghetti, fried chicken at iba pa. Isama mo na ang apang nasa box at ice cream na mukhang kanina pa nilabas sa refrigerator kaya siguradong tunaw na. Si Sheena lang naman ang bisita at wala rin namang kailangang imbitahin dahil ang importante ay nai-celebrate ang birthday.


"Huy ubusin niyo lahat yan ah!" sigaw ni Katrina. Diet daw kasi siya kaya hindi siya makakain ng maayos. Hay nako, diet? Hintayin niyo mamaya kumakain na yan ng ilang hiwa ng cake. Dagdag mo pa ang pagkain niya mamaya ng paborito niyang luto ni mama na spaghetti. Mamaya, siya ang uubos niyan.


"Ikaw ate kain ka rin. Magiging buto ka niyan eh"


"Gusto mo baliin ko buto mo diyan?"


"Tumigil na kayo. Birthday birthday mo Joyce nagkakaganyanan kayo" awat ni mama.


"Hindi pa ba kayo nasasanay ma?" sabi ni ate.


------



"BESTIE!!! GISING NA!!!" sigaw ni Sheena na nakasira sa ear drums ko. Bigla ako nagising sa pampalengkerang sigaw niya. 


"Oh bakit na nakalukot mukha mo? Gusto mo plantsahin natin?" sabi ni Sheena. Sino ba ang gaganda ang mukha kapag sinira yung magandang tulog niya? 


Si Sheena nga pala ay natulog na sa amin dahil gabi na rin at delikado nang umuwi. Si Sheena ay natulog sa kwarto ko at supposed to be na matutulog siya sa tabi ko pero boluntaryo na sinabi ni Sheena na matutulog na lang sya sa lapag. Kung hindi lang talaga na inalok ni mama na matulog nalang siya dito ay hindi ako magigising sa bwisit na sigaw na iyon.

"Ano ba?! ? Edi sunog mukha ko?!"


"Ay oo nga" sagot niya. Napaisip pa ang gaga. "Bestie, oo nga pala! Malalate na tayo!"


"Ano ka ba? Walang pasok ngayon! Saturday ngayon"


Bigla iyon naalala ni Sheena na walang palang pasok. "Ah wala ba? Sige tulog muna ulit ako" humiga ulit siya


Tss.. gigisingin ako tapos ganon? Aba matinde! Nasayang ang magandang panaginip ko eh! Bumangon nalang ako kesa matulog ulit. Nahirapan na rin kasi akong matulog ulit dahil na ang antok ko.

She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon