Chapter 4

3.6K 65 7
                                    


Pagbaba ko ng hagdan, parang wala pang tao. Siguro natutulog pa ang lahat. Aga pa kasi eh! 8:00 am palang usually 9:00 or 10:00 am sila nagigising. Lumabas ako ng kwarto na papikit-pikit pa. Suot pa ang white t-shirt at pink pajama pants ko at naka-paa pa. Buti na lang nag-suklay ako baka pagkagising nila ay akalain nila na binabangungot pa sila.


Pumunta ako sa kusina at doon na lang naghilamos. Akala ko tatagal ako ng hindi naghihilamos. Yung muta ko sa mata ay dumidikit kasi sa mata ko at hindi ako makakita nang maayos. Kumuha nalang ako ng 2 tinapay at ng palaman sa ref at yun nalang kinain ko. Marunong naman akong magluto pero tinatamad kasi ako!


Pagkatapos ko kumain ng tinapay ay lumabas muna ako para maglakad lakad. Wala kasi akong maisip na gawin sa loob ng bahay tsaka baka ma-istorbo ko naman sila sa pagtulog tsaka vitamin D na rin. Di ba nga best source of vitamin D is the sun? Habang naglalakad nakasalubong ko si Nathan Bautista, kaklase ko siya. Gwapo, mabait, matalino. Lahat nasa sa kanya na.


"Oh Nathan. Bakit ang aga mo namang gumising?" tanong ko. Magulo pa ang buhok niya at mukhang naka-pambahay pa. Siguro kakagising lang din niya.


"Ganitong oras ako gumigising para makapaglakad hanggat hindi pa gaano katindi ang sikat ng araw."


"Ahh okay"


"Ikaw? Bakit ang aga nandito ka?"


"Tulog pa kasi ang lahat kaya lumabas muna ako para makapaglakad-lakad"


Tumango-tango naman siya.


"Ay ito pala regalo ko sayo. Belated Happy Birthday. Dadaan din sana ako sainyo pero saktong nakasalubong kita" sabay abot saakin ng regalo. Parang box iyon na maliit lang. Binuksan ko kaagad ang regalo para malaman ko kung anong laman nito. And guess what? It's a watch! Color black. Maganda bagay saakin. Sa tingin palang eh.


"Siguradong bagay sayo yan" sabi niya. Sinuot ko na ang watch at... bagay nga!


"Oo nga noh. Salamat ah"


"Wala yun. Sige mauna na ako" sabi niya at umalis na. Umalis na kaagad ganern? Binigay lang pala saakin yung regalo.


May nakita akong lalaki na naglalakad at pamilyar saakin ang mukha.. Wait? siya yung nakabunggo ko ha?


Sinundan ko siya medyo malayo na hindi ko na napapansin kung saan na ako napadpad. Ilang minuto ko siyang sinundan na parang spy. Ewan ko ba, bakit ko nga ba siya sinusundan? Hindi ko na siya makita nang malaman kong napadpad ako sa... SEMENTERYO? Anong ginagawa niya rito? Siguro may dinalaw lang. Sa pinakadulo kasi ng mga nakahilerang bahay, kasama ang bahay namin ay may bakanteng lote, susunod doon ang sementeryo. Napalayo yata ako masyado.


Hinanap ko siya sa paligid at nakita ko siya. Sa wakas! Nakatayo lang siya sa gitna. Ang weird.


Aalis na sana siya nang tawagin ko siya. "Hoy!" Hindi ko kasi alam pangalan niya eh. Lumingon lingon siya sa paligid at nakita niya akong kumakaway. Lumapit ako sakanya at ngayon nakita ko ulit ang kanyang angelic face. 

She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon